Andrew's POVNagising ako sa tama ng sikat ng araw sa labas ng bintana. Unti unti kong minulat ang aking mga mata at tinignan ang buong paligid. Buong akala ko ay nasa bahay lang ako pero naalala kong nasa pilipinas pala ako.
Bumangon ako at tinungo ang bintana tinignan ko ang mga nagtataasang mga gusali at nag lalakihang mga billboard, ibang iba kung ikukumpara sa Korea.
Naghilamos ako at nag sipilyo bago lumabas ng kwarto. Pinihit ko ang pintuan at amoy na amoy ko sa kusina ang nilulutong suriso.
Naglakad ako papuntang kusina at nakita ko si Steven na nakatalikod at nag luluto. Humanga ako sa kanyang likod at hubog ng katawan hindi ko maitatanging napaka ganda ng hubog nito at halatang nag gygym.
Sumandig ako sa gilid ng pader at pinag masdan kosya habang nag luluto."Ang bango ng niluluto mo ha" naka ngiti kong sabi.
Humarap siya saakin at halatang gulat na ikinatawa ko ng mahina.
"Kanina ka paba diyan?"
"Medyo tinitignan lang kita habang nag luluto"
Ngumiti siya at pinag patuloy ang kanyang niluluto pumunta ako sa lamesa at naupo tinignan kulang siya habang nagluluto. Hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi niya saakin kagabi.Alam kong hindi yun totoo dahil sa may impluwensya siya ng alak.
"Andrew nakikinig kaba?" Nag-aalalang tanong saakin ni Steven habang niwawagayway ang kanyang kamay sa aking mukha.
"Ahh oo ayos lang ako may iniisip lang ano nga ulit ang sinasabi mo?"
"Sabi ko baby may alam akong murang condo sa may Makati baka gusto mong puntahan natin mamaya pagkatapos nating mag umagahan" sabi niya saakin habang nilalapag sa lamesa ang bagong luto niyang suriso.
"Oo... pwede naman walang problema mas magandang nadin siguro kung mamaya ay makalipat na ako"
Hindi ko alam kung anong nasabi ko at biglang sumimangot ang mukha ni Steven.
"Uy hindi naman sa ayaw ko dito sa condo mo pero kasi hindi naman kaya nakaka abala sayo kung dito pa ako mamamalagi" dispensa ko habang nakataas ang kamay na nag pangiti naman sakanya.
"Ni minsan ay di ko inisip na pabigat ka saakin Andrew katunayan mas matutuwa pa ako kung dito ka mamamalagi kahit hangang sa makatapos ka ayos lang" sabi niya ng puno ng emosyon at halos nanuyo ang lalamunan ko dahil hindi ko alam ang isasagot sakanya.
"Sige na kumain na tayo at baka lumamig tong pagkain"
Tahimik lang kameng kumain hangang sa basagin ni Steven ang katahimikan na namamagitan saaming dalawa.
"Kamusta ang parents mo at si Adam?" tanong niya saakin. Sinubo ko muna ang suriso bago ako nagsalita.
"Ayos lang naman sila. Laging abala sila mom at dad sa negosyo kaya minsan lang sila kung umuwi. Si Adam naman maliban sa pag-aaral at pang bababae ay abala din sa sports na swimming"
Biglang natawa ng malakas si Steven at napa iling sa kanyang ulo.
"Hindi parin talaga nagbabago si Adam ang hilig padin sa babae. Kaya mas ginusto kita kesa sakanya"
Hindi ko alam kung anong tinutumbok ng sinabi ni Steven kaya hindi ko nalang ito pinansin.
Natapos kameng kumain ay dumeretso na kame sa makati para makita ang condo unit na sinasabi ni Steven.
Tanaw ko mula sa bintana ang mga naglalakihang establishimento. Masasabi kong ang makati ay isang napaka gandang syudad dito sa pilipinas at bukod pa don halatang may mga kaya sa buhay ang mga tao dito.
Natapat kame sa isang mataas na building at kung di ako nagkakamali ay syang mismong titignan naming condo. Bumaba kame m ng sasakyan at pumasok. Halatang mamayaman ang mga nakatira sa condong ito dahil sa mga damit palang at mga galaw halatang hindi basta basta.
Kina usap ni Steven ang kaherang may katandaan na. Sinundan namin siya papuntang elevator hangang sa matapat kame sa isang pinto.
Maganda ang condo tama na para sa isang pamilya mas malaki lang ang condo ni Steven. Agad agad akong pumirma ng mga papeles at di na ako nag dalawang isip nabilhin iyon.
"Napagod kaba?" Tanong saakin ni Steven ng makarating kame sa condo niya.
"Hindi ayos lang ako akala ko mura ang condo bakit inabot yata ng 7 million?" Sabi ko na biglang ikinatawa niya ng malakas.
"Baby hindi kita hahayaang tumira sa mumurahing condo na kahit sino sino lang ang iyong mga kasama"
Kung sabagay tama naman din siya sa panahon ngayon mahirap ng mag tiwala sa mga taong naka paligid sayo.
Humiga ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata kahit papano ay gusto ko naman ding makapag pahinga dahil sa totoo lang ay nanghina ako dahil sa init ng panahon.
Minulat ko ang mga mata ko at dali daling pumunta sa may desktop. Nag sign in agad ako sa Skype at tinignan kung naka online ba ang aking kakambal na si Adam at swerteng naka online siya. Pinindot ko ang call bottom at wala pang 10 segundo ay sinagot niya agad ito.
"Hoy loko! Bat di ka tumawag saamin kahapon ha!" Bungad saakin ni Adam dahil halatang galit siya ay napataas ako ng kamay.
"Bro easy lang hindi ako naka tawag kasi naka tulog agad ako sa sobrang pagod" despensa ko na nakataas padin ang kamay. Nag bago ang expression ng mukha ni Adam at ikinalma ang kanyang sarili.
"Sige basta sa susunod bata tumawag ka ha nang di kame mag alala" halatang sa boses ni Adam na nang iinis.
"Bata ka diyan! Ilang minuto lang pagitan natin ul*l!" Sabi ko na ikinatawa namin.
Nag kwentuhan kame ni Adam hangang sa bumukas ang pinto at pumasok si Steven.
"Sino kausap mo Andrew?" sabi niya habang papalit saaking likuran.
Bakas sa mukha ni Adam ang gulat nang makita niya si Steven sa likod ko tinignan ko si Steven at bakas din sa mukha niya na parang hindi niya inaasahan na makikita si Adam.
"O bat kayo ganyan? Ganyan ninyo ba ka miss ang isa't isa?" Pag bibiro ko tumawa sa screen si Adam at ganon din naman si Steven.
"O bro kamusta kana jan?" Sabi ni Steven kay Adam. Ngumiti naman si Adam at sinagot naman ang tanong ni Steven. Hindi ko alam kung bakit parang ang lamig ng trato nila sa isa't isa at parang hindi sila komportable.
"Tol sa susunod nalang tayo ulit mag usap ha may gagawin pa kasi ako" tumango ako kay Adam nag paalam kame ni Steven na agad naman nitong pinatay ang tawag.
"Gutom kanaba? tara kain na tayo"
Nakangiting sabi saakin ni Steven at sumunod lang ako sakanya.Hindi na ako nag tanong sa kung anong nangyari sakanila ni Adam at kung bakit ang lamig ng trato nila sa isa't isa na parang hindi sila naging magka babata o magkaibigan .
"May pupuntahan tayo ngayong gabi baby boy" sabi ni Steven habang naka ngiti, hindi ko alam kung bakit siya lageng nakangiti pero ang ngiting nakikita ko ngayon ay puno ng pagtatago sa kanyang saloobin.
"Saan naman?"
"Ipapakilala kita sa aking mga kaibigan" sabi nito sabay inom ng juice tumango lang ako bilang tugon.
.
.
.
.
.
.
'Adam,Steven anong itinatago ninyo saakin'................._________________________________________
Hi guys tapos nadin ang chapter two hope nagustuhan niyo don't forget to vote and share salamat :* :* :*
BINABASA MO ANG
Our Broken Walls (boyxboy)
De TodoTerrence POV "Before you came my life is a living hell but know you're here everything has changed you're my life and my salvation..... I love you so much.....Andrew"