Chapter 15: The Beginning

31 8 9
                                    

Chapter 15: The Beginning

Twelve years ago...

Nakatayo siya sa harap ng puno at matiim itong pinagmamasdan. Ang alam niya ay ito mismo ang puno sa garden kung saan madalas siyang maglaro kapag hinihintay ang ama niya na lumabas ng palasyo galing trabaho. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit nagliliwanag ang puno ngayon at iba ang presensya nito, kahit pitong taong gulang palang siya ay alam niya ng may kakaiba dito.

"Penny for your thoughts, anak?" pukaw ng boses na nangggagaling sa likod niya.

"Pa!" bati niya rito at saka lumapit dito. Niyakap siya nito at pinisil ang pisngi niya bago siya pinakawalan.

Nagsquat ito para mapantayan siya. "Pwede ko na bang matanong kung bakit nakatitig ka sa puno?"

"Eh kasi... kasi bakit maliwanag 'yan? Hindi naman ganyan 'yang puno dati eh." At tinuro niya ang puno na hanggang ngayon ay nagliliwanag parin.

"Matalino kang bata kaya ipapaliwanag ko na sayo ngayon palang. Ako ang tagapagmana ng punong yan. Ito ang tree of life na kung matatandaan mo sa lessons mo ay ang legendary tree dito sa EXO Planet. Pero ang totoo ay ang pamilya natin ang may hawak talaga nito. At sa ngayon ay ako ang namamahala nyan," ginagap nito ang dalawang kamay niya. "Pero sa sunod, 'pag malaki ka na, ikaw na ang magmamay-ari nyan."

Kumunot ang noo niya. "Ano naman ang gagawin ko sa isang gintong puno?"

Natawa ito at kinumpas ang kamay. Bumalik ang dating hitsura ng puno. "Sa ngayon ay hindi mo pa naiisip ang tunay na importansya ng puno, pero kapag malaki ka na ay maiintindihan mo rin. Gusto kong alagaan mo ang puno at i-master ang paggamit ng ability mo. Hindi sa lahat ng oras ay nandito ako para protektahan ka."

Tumango-tango siya. "Tapos 'pag malaki na ako, kaya na rin kitang protektahan," nakangiting sagot niya.

Ginulo nito ang buhok niya at saka sila umuwi.

**

Anim na buwan pagkatapos ng usapan na 'yon ay nagkaroon ng trial sa palasyo. Pinaghihinalaan na ang ina niya ay hindi naman talaga legitimate royal blood o nobility salungat sa pakilala ng ama niya. Hindi niya alam iyon dahil namatay ang ina niya sa panganganak sa kaniya at nakilala niya lang ito base sa mga kwento ng ama niya. Alam niya ang hitsura nito dahil meron siyang mga litrato nito, lalo na sa kwarto niya. Para sa kaniya ay napakaganda ng ina niya, at kung ordinaryong mamamayan man ito ng EXO ay wala siyang pakialam doon.

Coveted (EfEP #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon