Chapter 1

9.3K 256 13
                                    

NAJINA Roxas Medina

Point of View

"Ate Naji, you're sleeping like a koala again! Please wake up!"

Nowee patted my face para gisingin ako. I've already been startled by the weight of this little girl's hand, pero dala ng antok ay hindi ako makabangon-bangon sa kama.

"Nowee, please, just a minute!" Mahinang sabi ko na hindi maidilat ang mga mata, mukha pa siyang mas matanda kaysa sa akin kahit na kung tutuusin ay siya ang bunso sa pamilyang 'to.

Tumagilid ako ng higa, I covered myself with a blanket, and dozed off.

"Kuya Jin told me na you're late na raw, ate!" 

Sumampa s'ya bigla sa kama ko, at inalog-alog ang katawan ko na parang unan dahilan para magising muli ako. Pakiramdam ko ay lalabas na ang kaluluwa ng katawan ko. 

"Ate Naji, wake up na kasi! Kuya will get mad kapag hindi ka pa bumangon." She complained. 

Napansin kong umalis siya sa kama at tumahimik ang buong kuwarto ko, salamat naman at makakatulog na ulit ako. 

"Nowee, you can go downstairs na and eat breakfast. Ako ng bahala sa ate Naji mo." 

Boses ni kuya Jin ang narinig ko, kainis naman. 

"Dapat d'yan kay Ate, makilala bilang most sleepiest lazy person in the world."

Narinig ko ang bahagyang hagikgik ng tawa nilang dalawa, sarap mangurot ng bata at isip bata.

"Najina Medina!" Kuya Jin shouted. 

Hindi ko siya pinansin, bahala s'ya d'yan. Basta ako'y matutulog pa rin, kailangan ako ng kama ko.

"Are you going to get up or should I pour you some water, Najina? Choose?, sabi nang you're late na..." Pananakot niya pa.

"Kuya Jin, just five minutes okay? " Hirit ko pa.

Pero hindi rin n'ya ko pinakinggan, sa halip ay hinila niya ang kumot na nakatalukbong sa 'kin.

"Kuya Jin naman ehh!" 

Nagkusot pa 'ko ng mata bago bumangon sa kinahihigaan ko. Dahil ayaw n'ya kong hayaan matulog pa ng ilang menuto, I gave him a murderous glare. Is it my fault ba na hindi ako hinayaan ng utak ko na makatulog ng maayos kagabi?

"Edi bumangon ka rin. You're disgusting Naji, until now ba naman tumutulo ang laway mo kapag natutulog?" Nakangiwi niyang sabi. 

Kinapa ko pa ang gilid ng labi ko at pinunasan iyon gamit ang kamay ko, at napailing na lang s'ya sa ginawa ko na halatang nandidiri.

"Eww, ang salaula!" Natatawa niyang inarte na akala mo'y siya ang babae sa aming dalawa.

"Letse ka!"

Naiinis kong saad sa kan'ya, pero nginitian n'ya lang ako, at pag katapos ay lumabas na s'ya ng k'warto ko.

"Eww ka d'yan! Akala mo naman hindi tumutulo ang laway!" sigaw ko. Normal na 'to sa bahay namin, ang magsigawan na parang magkakaibang bahay ang pagitan.

Ibinaling ko ang mga mata ko sa clock na nakasabit sa wall ng kuwarto ko at halos lumuwa ang dalawa kong mata sa inis.

"6:30 am? Kuya Jin are you serious?" I yelled.

He drives me absolutely insane. Unang araw ngayon ng pasok para sa academic year 2023-2024, therefore there are no classes today, and palagi namang nangyayari 'yon annually so bakit kailangan kong bumangon ng maaga? Panay kasi online games, lumalangoy tuloy ang utak niya.

My Facebook Boyfriend is a Superstar UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon