Andrew's POV
Matapos kaming kumain ni Steven ay pumunta agad ako sa kwarto at ibinagsak ang aking katawan sa kama. May parte saakin na di ko maipaliwanag at gusto kong malaman kung bakit ganoon nalang ang trato nila sa isa't isa.
Tinignan ko ang oras at mag aalas 10 na pala ng gabi mabilis akong bumangon at naligo pakatapos ay inalungkat ko agad ang maletang nasa gilid ng kama,may kalakihan ito at kung hindi ako magkakamali ay nasa pinaka ilalim ang mga damit ko pang lakad. Nag suot lang ako ng T-shirt at Fitted na pantalon ayaw ko maging masayadong maporma mas pinipili kong maging simple.
Matapos akong mag bihis ay agad akong pumunta sa sala, Binuksan ko agad ang TV at nanood ng palabas habang hinihintay si Steven, maya-maya ay lumabas na ito suot ang leather jacket at fitted na pantalon hindi ko talaga maikaka ilang napaka gwapo ni steven masyadong maamo ang kanyang mukha at kung titignang mabuti wala ka talagang makikita sa katawan niya kahit isang peklat.
"O natulala ka yata diyan? masyado ba akong gwapo sa suoot ko? haha" nabalik ako sa ulirat at nakaramdam hiya masyado yata akong naging halata.
"Lol! asa ka mas gwapo ako kung ikukumpara sa iyo haha" natawa nalang siya at lumapit saakin sabay gulo ng aking buhok"alam kong gwapo ka kaya nga gustong gusto kita e" natawa nalang ako sa sinabi niya at umiling alam ni Steven na hindi talaga ako tunay na lalake at kahit naman ang pamilya ko ay alam ito at isa iyon sa pina sasalamatan ko dahil sa tanggap nila kung ano ako.
Mabilis na pina harurut ni Steven ang kanyang Camaro at halos lahat ng mga nakakakita ay parang mababali ang leeg wala pang isang oras ay nakarating na kame sa bar kung saan ay sinasabing naroon nadaw ang kanyang mga kaibigan.
Pagpasok palang namin ay amoy muna ang alak. Hindi naman sa ngayon lang ako naka pasok ng bar pero masasabi kong hindi lang talaga ako ang tipo ng tao pupunta sa ganitong klaseng lugar.
"Ayos kalang ba kung hindi ka komportale pwede tayong umuwi" sabi ni Steven bakas sa kanyang mukha ang pag-alala ngumiti lang ako at umuling bilang tugon, ayaw kong sirain ang gabing ito total kailangan kudin ng mga bagong kaibigan.
Nilibot ni Steven ang kanyang mga mata upang hanapin kung asaan ang kanyang mga kaibigan may kalakihan ang bar kaya mahihirapan kang maghanap. Tumingin ako sa kanan at nakakita ako ng babaeng kumakaway kay Steven sa table kung hindi ako nagkakamali ay yun ang mga kaibigan niya.
Hinawakan ni Steven ang kamay ko mainit ang kamay niya at malambot medyo naka ramdam ako ng pagka ilang pero hindi ko nalang ito pinansin hanggang sa makarating kame sa kame sa table nila.
Nasa lima sila dalawang lalake at tatlong babae halatang mga anak mayaman dahil sa ayos lang ng kanilang pag upo ay mahahalata muna.
"O Steven buti andiyan kana akala ko hindi na kayo darating ng jowa mo" mataray nitong sabi na ikinatawa ng kanyang mga kaibigan bakas sa mukha ni Steven ang pamumula na kahit ako ay natawa ng mahina.
Na upo kame sa dalawang bakanteng upuan "Guys I want you to meet Andrew Park, kararating niya lang nung isang araw dito sa Pilipinas galing siya ng korea" Yumuko ako ng konte bilang pagbibigay galang sakanila kung di ako nagkakamali ay may mga dugong korean din sila.
"Hi Andrew I'm Glezel Nam" Sabi nung babaeng kanina ay nagsalita sabay abot ng kamay niya para makipag shake hands , nakipag shake hands ako sakanya at pagkatapos ay nagpakilala naman ang iba.
"Anthony pala tol" pero himbis na makipag shake hands siya ay nakipag fist bum.
Yung isa naman ay tahimik lang, iinabot niya saakin ang kamay niya at nag shake hands kame "Jake Lee" kita ko sa personalidad niya ang pagiging seryoso.
"Shen Yeong" tinaas niya lang ang kaniyang kamay at hindi na nakipag kamay saakin.
"Angel Kim pala Andrew nice to meet you" sabi nung babaeng nasa pagitan nina Shen at Glezel maamo ang kanyang mukha at kahit madilim sa loob ng bar makikita mo ang kanyang kagandahan.
Nag kwentuhan silang magkakaibigan tahimik lang ako at kung minsay nakikitawa.
"Andrew ilang taon na kayong mag jowa ni Steven" halos maibuga ni Steven ang kanyang tequila at gulong gulo naman ang aking isipan yung iba naman hindi maalis ang tingin saakin at naghihintay ng aking isasagot.
Hindi ko alam ang aking isasagot dahil hindi naman naging kame ni Steven at lalong lalo na magkaibigan lang kame.
"Guys anong tanong bayan magkaibigan lang kame ni Andrew walang namamagitan saaming dalawa" depensang sagot ni Steven na medyo natatawa pa hinawakan ni Shen ng kanyang kamay ang kanyang baba na parang nag iisip.
"e kung hindi kayo ibig sabihin ba may pag-asang maging kayo ni Steven?" Nalilito ako sa pinagsasabi ni Shen at hindi ko alam ang aking sasabihin masyadong nakaka ilang kung iisipin dahil nga sa pareho kameng lalake ni Steven at makikita mo namang hindi bisexual si Steven tulad ko.
"Ano ba kayo guys tantanan niyo nga yang dalawa masyado niyo silang pine pressure hayaan niyo nga sila" puna ni Anthony na kinahinga ko naman ng maluwag
" Tama nanga yan guys sumayaw nalang tayo" yaya ni Steven at lahat kame ay pumunta ng dance floor maliban kay Jake na nagpa iwan lang sa table at umiinom mag isa. Matapos kameng sumayaw ay bumalik agad kame sa table at nagsimulang mag inuman para akong uhaw na uhaw sa alak kaya medyo napapadami ang inom ko na ikinatuwa naman ng lahat maliban kay Steven na sobra ang pag-aalala.
Medyo nahihilo na ako at na ccr nag paalam muna ako sakanila at pumunta agad ng cr sasamahan sana ako ni Steven pero hindi ko na siya pinasama dahil kaya ko naman ang sarili ko.
Habang naglalakad ako napansin ko na lumalabo na ang aking paningin humawak ako sa pader at ramdam kong matutumba na ako.
Paliko ako ng bigla akong nakaramdam ng may bumangga saakin at napa upo ako sa sahig.
"Lampa iinom inom hindi naman pala kaya" iritang sabi ng lalaking nakabangga saakin hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa sobrang dilim at dahil nadin sa sobra kong kalasingan.
"Ano boss itutumba naba natin tong lampang to?" sabi ng lalaking nasa kanyang likod.
Nakaramdam ako ng takot at hindi ko alam ang aking gagawin gusto kong tumakbo pero hindi ko na maigalaw ang aking mga binti nakaramdam ako ng kamay na humawak saaking balikat akala ko kung anong gagawin niya saakin hanggang sa napunta ito saaking likod at nakaramdam ako na tumaas ang katawan ko sa ere.
"Saan mo ako dadalhin?" tanong ko sa lalakeng bumubuhat saakin nakaka litong isipin kung bakit niya ako binu buhat.
"Tumahimik ka nalang diyaan iuuwi kita sa bahay"
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi Guys sorry kung matagal nag update busy kasi ako sa OJT that time then nag break din kame ng bf ko kaya para akong nawalan ng gana haha pero sige lang guys tuloy tuloy nato promise :*
BINABASA MO ANG
Our Broken Walls (boyxboy)
De TodoTerrence POV "Before you came my life is a living hell but know you're here everything has changed you're my life and my salvation..... I love you so much.....Andrew"