Chapter 1

24 0 0
                                    

Chapter 1

Cassandra's POV:

"Angel University." Mahina kong basa sa malaking karatula na nakalagay sa itaas ng gate na paaralang aking papasukan ngayon.

Panibagong buhay, panibagong pakikitungo, panibagong karanasan at panibagong buhay na aking tatahakin sa paglipat at pagpasok dito sa unibersidad na ito.

'Kundi lang ako naexpel sa dati kong unibersidad na pinapasukan ay 'di sana ako kinakabahan ng ganito. Hayss.' Napabuntong hininga nalang ako sa katotohanang panibagong mga karanasan na naman ang aking tatahakin dito sa unibersidad na papasukan ko.

"Good morning, Miss." Nakangiting bati sa akin ng guard.

Ito na to. 'Angel University'

"Good morning din po, Kuyang Guard." Masayang pabalik kong bati sa guard.

At tinahak ko na ang room, ayon sa nakasulat sa kapirasong papel na hawak ko. Ibinigay ito ng Dean sa akin nung nakaraang linggo kung kaylan ako nagenroll dito.

"AU-Room 666" mahinang basa ko sa nakasulat sa piraso ng papel na kanina ko pa hawak.

Ewan pero.... Parang may Mali? Bigla akong kinilabutan, bigla akong napahinto sa gitna ng paglalakad ko. Kasabay ng paghinto ko sa paglalakad ang mabilis na pagpintig ng puso ko sa kaba.

'Bakit? Anong meron? Ano itong takot na nararamdaman ko?' tanong ko sa aking sarili.

"Ouch!" nagbalik ako sa huwisyo ng bigla akong natumba.

"Sorry, Miss. Hindi ko sinasadya na—shit! May sugat ka sa braso." nakaluhod ito para mapantayan ako. Nagtama ang aming mga mata.

Kitang kita ko sa mga mapupungay at malalamig na mata niya ang pag-aalala.

"Hey! Miss? I am sorry on what I've done. Are you ok? Its ju—"

"O-okay lang ako, I'm f-fine." may kabang sagot ko. Alam ko naman di nya sinasadya na mabunggo ako.

"I am really sorry, Miss?" paghingi nya muli ng tawad kasabay ang pag alalay niya sa braso ko na may sugat.

"Cassandra. Cassandra Yu. And you are?" pagpapakilala ko.

"Edison" maikli nitong sagot.

"T-thank you." nahihiya kong pagpapasalamat ng mapagtantong narito na pala kami sa loob ng clinic.

Seriously? He ignored me. Deyuum.

"Nurse Jane, heal her wound." malamig nyang utos sa babaeng naglilinis ng sugat ko ngayon.

A nurse? Seriously?

She's too pretty. She's like an angel. Omg.

"Heal her, ASAP! Gotta go." paalam nito. At bigla nalang lumabas.

Hayss. First day of school! First day of school naaksidente agad ako.

"Transferee right?" nakangiting tanong sa akin ni Nurse Jane.

"Yes." nakangiti kong sagot.

"Does it hurt? Buti nalang at di napuruhan ang braso mo, Miss Yu." aniya habang nilalagyan ng benda ang sugat sa braso ko.

"Thank you, Nurse Jane." nakangiti kong pagpapasalamat sa kanya.

"You're welcome, Miss Yu. This my obligation here." aniya ng nakangiti.

Napaka-angelic talaga ng kanyang mukha.

Napabalikwas ako ng mahagilap ng mga mata ko ang wall clock.

AU-ROOM 666Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon