x

68 1 0
                                    

Isang araw, sa munisipyo ay nagharap ang isang estudyante na kapos sa buhay at isang bagong kumakandidato sa politika upang pagtuunan ng pansin ang isyu sa epektibong pagpapatakbo ng ating bansa ukol sa edukasyon.

_________________________

Sekretarya: Sir, andito na po iyong estudyante na nais kumausap sainyo.

Politiko (P): Sige, papasukin mo.

Mag-aaral (M): Magandang araw, Ginoo!

P: Magandang araw din, iho. Maupo ka.

P: Narinig ko na gusto mo raw marinig ang mga plataporma ko ukol sa edukasyon ng ating bansa?

M: Iyon nga ho ang sadya ko. Nais ko pong pormal na marinig ang mga plano mo sa patuloy na lumalaking krisis ng ating bansa sa edukasyon -- lalo na saaming mga walang kaya. Paano mo pa ba ito reresolbahan kung ikaw ang papalarin na mahalal at maupo sa pwesto?

P: O, sige. Ganito kasi yan, iho. Diba, alam naman nating directly proportional ang rate ng patuloy na pagtaas nang bilang ng populasyon dito sa bansa, pati na rin ang bilang ng mga mahihirap. Sa sitwasyon natin, hindi natin iyan masusulusyunan kung dadagdagan pa natin ng isa pang problema. 

P: Kung papalarin akong maupo sa pwesto, ipaglalaban ko hanggang patayan ang pagtutol sa K-12. Bakit? Porket ba nadagdagan ng 2 taon ang bilang ng pag-aaral, masisiguro na ang kalidad at world-class na edukasyon sa Pilipinas? Bakit, kung wala ba iyan ay hindi na kayang makipag-sabayan ng mga mag-aaral ng ating bansa sa mga karatig-bansa? 

M: *tumatango-tango ng dahan-dahan

P: Nakadepende iyan sa kalidad na serbisyo at dedikasyon na kayang i-offer ng mga guro para sa mga mag-aaral. Ang kanilang debosyon sa pagbabahagi ng impormasyon para sa ikauunlad ng bansa at syempre pati na rin sa effort at willingness ng mga mag-aaral sa pagtanggap at pagproseso ng mga impormasyon na ibinabahagi sa kanila ng kanilang guro. Isa itong group collaboration. Hindi pupwedeng isa lang ang gagalaw. Buong bansa ang pinag-uusapan natin dito. Kung gusto natin na mahangad ang pagbabago na ating hinahangad, tayo dapat mismo ay tumulong at makiisa rin.

M: Eh, ano iyong ipinangako nilang trabaho sa mga nakatapos ng K-12?

P: Maari nga, sa ilalim ng Technical Vocational (TECHVOC) tracks lang tulad ng baking, electrician, welder, manicurista, cashier, at iba pa. Ngunit ang tanong, kung gugustuhin mong magtrabaho agad pagkatapos ng K-12, sapat na kaya ang iyong kikitain para maiahon mo sa hirap ang pamilya mo?

M: Ummm...  *nag-iisip sabay kamot sa ulo* Sa tingin ko, hindi...?

P: Punto! Sa K-12 ay madagdagan lang ng 2 taon ang pag-aaral ng mga mag-aaral at pati na rin pinansyal na pasakit sa mga magulang. Buti sa mga may kaya ay owkey lang. Eh paano naman sa mga walang-wala talaga, diba? Hindi pwedeng basta-basta lamang sumugal sa isang sitwasyon na walang kasiguraduhan. Tignan mo, pareho pa rin naman, kukuha ka pa rin ng 4-year o 5 na course pagkatapos upang makakuha ng propesyunal na trabaho -- at tuluyang maiahon ang sarili sa hirap.

M: Hindi naman po sa pamamasama, pero sa tingin mo po ba ay maraming hahanga at papanig sa mga plataporma mo kasi alam naman natin na bago ka palang sa ngalan ng politika, di tulad ng ibang beterano na subok dahil ilang dekada na sila dito at marahil ay alam na nila ang pasikot-sikot sa laro na ito. Tingin mo po ba ay may maniniwala sa kakayahan mo?

P: Kaya nga ako andito, sa harapan mo, ginugugol ang aking oras upang ipaintindi sa mundo ang aking adbokasiya. Ikaw, sa sarili mo, bilang isang estudyante ng K-12, ay makakapansin sa sarili mo nang kakulangan ng preparasyon ng programang ito. Diba?

M: Opo. Sa halos aming 2 semestre nga ay isang subject lang kami nagkaroon ng libro. Hindi pa 1:1 ang ratio. Ngayo'y nakikipagsiksikan pa kami sa mga Junior High, dahil wala kaming maayos na silid-aralan at baka mapilitan pang ilipat sa pang-gabi na klase dahil kinakapos rin kami sa mga guro.

P: Kayo -- mga unang batch ng K-12, ang nagsilbing mga guinea pigs nitong programang ito. At kitang-kita naman ang resulta, diba? Hindi na dapat pang maulit ang pagkakamaling nagawa na nung una. Dapat matuto tayo sa isang pagkakamali lang upang mas konti ang madamay sa kapalpakang nagawa at mangyayari pa (kung sakali man).

*knock knock

Sekretarya: Sir, 5 minuto na lang po bago ang susunod niyong meeting.

P: O, pano ba iyan, iho?

M: Maraming salamat po, Ginoong Clifford. Mauuna na po ako, maraming salamat sa iyong oras na binahagi. Naantig niyo po aking puso sa kagustuhan at debosyon mo para sa hinahangad nating pagbabago sa ating bansa. Ngayo'y mas nalinawan na ako sa mga bagay na naging sunod-sunuran ako. Mabuhay po, kayo! Para sa aki'y kayo ang Pangulo ko -- manalo man kayo o matalo sa paparating na eleksyon. Hanggang sa muli, Sir!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dayalogo: Presidente at Mag-aaralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon