1st

2 0 0
                                    


#LostForWords

Chapter 1


"Ibigay mo na kasi yan sakin! Last ka nalang ha!" Kanina pa kami naghahabulan ni Nadine dito sa field. Nakuha lang naman kasi niya yung grade slip ko for midterms.

"Sorry babe but this shit's so good! Papicturan mo lang sakin ng isang beses tapos isasauli ko na sayo. Please! Wag mo muna akong habulin! Isang picture lang naman hinihingi ko!" Sabi nya sakin habang tumatawa. Naiinis nako sa kakatakbo namin.

"Ano ba Nadine! Hindi yan good shit! Bweshit yan! Sige pagtawanan mo na yung 3.1 ko sa Accounting! Akala mo naman ang dali-dali lang ng subject na yan!" Nanlaki ang mata ko pagkatapos kong sumigaw nun. Napatingin ako sa paligid. Good thing wala masyadong tao. Kakahiya naman kung malaman nila na nabagsak ako sa Accounting.

"Okay! Eto na oh. Isasauli na po mahal na reyna!" Sabay tapon ni Nadine sa grade slip ko. Tawang-tawa pa rin ang gaga. I think she enjoys so much that for the first time in forever, I did something horrible relating to my studies. I may not be the Cum Laude type of student, but I have been in the Dean's List since first year. I guess it's gonna change this semester. Failing Accounting surely is something out of what's expected from me.

"Hindi ko talaga alam bakit ganito. Gusto kong umiyak kasi first time kong bumagsak, and at the same time tumawa kasi marami kaming bagsak. Get's mo?" I told Nadine as we sat down under the tree.

"Eh kasi naman, you've been rather busy preparing for your birthday. I mean, I guess it's an acceptable reason right? It's not like it's the end of the world. Total, midterms pa lang. Kayang-kaya mo pang bumawi. Ikaw pa!" Encouragement pa ni Nadine.

"Yes Nads, I know. But still this isn't me. I never fail. At anything."

"Weh? Eh kung isaksak ko sa lungs mo na you failed at getting him to like you?"

"Dami mong alam ha. Eh kung isubsub ko yung mukha mo sa kanal, you like? Ang traydor mo for a friend Nads." I said while smiling.

Tawang-tawa siya sa warning ko sa kanya. "Kasi naman napaka over melodramatic mo. And no, my face is very well pampered everyday para lang isubsub mo sa kanal! Yung feelings mo nalang for him ang isubsub mo sa kanal. Mas better yun!" Humalakhak siya ng malakas. Is she really the daughter of the Vice-President? Parang hindi kasi.

"Whatever. Let's eat nalang?"

Nasa parking lot na kami ng mall nang makita ni Nadine si Zach, isa sa mga kaibigan namin na Nautical. "Tignan mo Maine, sino na naman kasama ng harot na yan?"

I smiled. Of course, kailan paba nawalan ng chix yang mokong na yan? "Pabayan mo yan. Alam mo naman na dakilang fucboi ng UCLM yan eh. Tara na."

"Naku talagang Zacharias na yan, di na natuto the last time nabugbog siya. Tsk. Tara na nga." Natawa ako ng malakas. Sinong ba namang hindi tatawa? Lumaki yung mukha nya sa inabot nyang bugbog.

We had a hard time choosing on which resto to eat. Ang gusto ni Nadine, seafoods. Ako naman, pasta. 30 minutes din bago kaming ma settle na mag seafoods nalang. Mahirap ding makipagtalo kay Nads. Pagkatapos naming kumain ay napag-isipan naming mag libot-libot muna sa mall. Mga pasado two in the afternoon na rin nung bumalik kami sa UCLM.



Lost for WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon