Hindi ako makapaniwalang pumayag ang magulang ko na mag-summer school ako! Nakakairita talaga! Sayang lang oras ko dito, grabe. Mas trip ko pang magswimming kasama mga kaibigan ko't mga kaklase ko pero stuck ako dito sa classroom na'to kasama ang ilan pang batchmates ko't ang akala-mo-kung-sino-gwapo na teacher ko.
Pakalma-kalma pa siya sa upuan niya.
"Alvrin, hindi ka ba magtatake down ng notes?" tanong niya sa akin. Siya si sir Austin Manzano, ang inaakalang pinaka-gwapong teacher sa buong campus, pinagkakaguluhan ng ibang mga teacher at syempre bet na bet ng mga babaeng estudyante.
"Hindi na, hindi ko naman magagamit din." sabi ko. "Baka mamaya bumagsak ka sa quiz bukas." paalala niya. "Okay lang. Wala naman akong paki-elam dun eh." bigkas ko. "Talaga lang? Edi sayang naman kung babagsak ka sa final exam, edi hindi ka makakasama sa resort." bigkas niya na nakakuha ng aking atensyon.
Bigla akong nagtanong, "Anong resort?" tanong ko. "Itong summer school ay magtatagal ng isang buwan, sa huling araw may test, at sa susunod na linggo, kung sino ang mga nakapasa ay magkakaroon ng one-night stay sa La Cluzette, libre lahat kasama pagkain, except syempre ang mga ibang services." palinawang ni sir.
"Talaga, sir? Oy dali, Alvrin, kumopya ka na!" sigaw ni Karin, isang kasabwat ko sa summer school.
Pito kami na magkakasabwat ngayong summer school. Ako, si Karin, Viel, Stef, Jayra, Francis, at Grenaldo. "Hindi mo na'ko kailangan sabihan." bigkas ko ng sunod akong kumopya ng nasa board. "Ganyan na talaga kabataan ngayon no? Talagang kinakailangang may reward o kaya parusa para lang mapilitan sila." komento niya.
"Hindi naman po siguro." komento ni Viel. "At tsaka sir, punishment and reward talaga? Yung iba nga gusto lang naman talaga nila eh." komento naman ni Stef. "Talaga ba? Eh parang naman na may paraan pa para ganahan kayong mag-aral. Hindi na rin naman siguro gumagana sa inyo yung mga kasabihan na para sa inyo 'tong ginagawa niyo eh." bigkas niya.
"Napakaluma na nun, nakakasawa na pakinggan..." sabi ko. "Tama. Kaya dapat maging creative, punishment and reward." sagot niya.
Hindi ko ba alam kung dahil sa naisahan niya kami ay maiinis ako o sadyang gusto ko siyang tapakan talaga eh. Yung pagngisi niya sa amin tsaka yung kalmadong ere dahil sa kanya, lahat nakakainis talaga, hindi ko kasi magets kung bakit napaka-chill niya.
Ang hirap hirap ng buhay eh pangiti-ngiti nalang siya basta basta, pero parang wala naman akong magagawa para pagalitin siya, hindi ko pa siyang nakikita na magalit.
Pagkatapos namin kumopya ng notes ay, "Okay, tomorrow quiz ah. Class dismissed. Ah- except ikaw Al. Usap muna tayo." sabi ni sir, ba naman, ako pa talaga..
"Sige, una na kami, Alvrin. Kitakits bukas." pagpapaalam ni Viel. Kumaway ako ng sila'y umalis ng silid. Pinaupo ako sa harap ni sir at nagtanong, "Bakit nung una, ayaw mong mag-summer school?" tanong niya. "Gastos lang po sa pera, naghihirap na nga kami tapos gagastos pa si dad." paliwanag ko.
"Ano ba trabaho ng magulang mo?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Teacher's Unexpected Move: Summer School [COMPLETE]
Teen FictionKilala si Alvrin (Al) sa kanilang paaralan dahil sa kanyang napakatapang at rumerebeldeng kaugalian. Napapabayaan niya ang kanyang pag-aaral dahil dito, kaya naman siya ay binigyan ng pangangailangang kumuha ng summer school kasama ang pinaka-iniini...