Call

3 0 0
                                    


Nasa Fiesta kami ngayon ng mga kaibigan ko, classmates ko din sila. Habang nag sasaya sila naisipan kong mag phone na muna upang icheck kung nag message ba sa akin si Harry (my boyfriend) napakunot ang aking kilay at bumilis ang tibok ng puso ko ng nakita kong may gumagamit ng account ko na nag rereply kay Harry. Ang sabi sa message ay

You: Babe, can we talk?
Harry:osige babe
You: I don't need you anymore, I'm sorry
Harry: okay fine! Seriously do you want to break up with me? Hindi din kita kailangan!

Wtffffff what's that?  Hindi ko alam ang gagawin ko, mahal ko siya but hindi sobra. I don't know why, dahil siguro bata pa ako para sa love or sadyang ganto lang talaga ang nararamdaman ko pero he's very important to me. He's my first boyfriend. Nag reply ako agad para sabihin sa kanya na hindi ako nakikipag break at may gumamit lang ng account ko para gawin 'yon but hindi siya nakikinig saakin. Whyyy? Ano ba ang nangyayari? So  I call him immediately pero ayaw niya sagutin so I decided to leave at my friend's house at sinamahan ako ng best friend kong si Austin at ng isa pa naming kaibigan na si Nikko. Madaling madali kami sa pag sakay sa kotse ni Austin para pumunta sa bahay nila Harry. Hindi kalayuan kaya't nakarating kami agad. Umiiyak ako dahil sa nangyari, nakausap ko ang mommy ni Harry pero di ko na ikinuwento ang nangyari agad ko lang itong tinanong kung nasaan si Harry at pinapasok ako sa kanilang bahay and then ayaw akong kausapin ni Harry, kung titignan mo siya sa kanyang mukha ay parang walang pakielam sa nangyari. Hindi ako tanga, naiisip ko din na baka siya ang gumamit ng account ko upang makipag break sa sarili niya pero mas nangingibabaw ang nararamdaman ko sa kanya. Nasa labas lang ako ng kwarto niya habang hinhintay siya but ayaw niya parin akong kausapin at halos 4 hours na ang nakalipas so ang kaibigan ko nalang na si Nikko ang kumausap sa kanya para sa pag hihiwalay namin, napaka bigat sa pakiramdam ko dahil walang dahilan upang mag break kami unless nilandi nanaman siya ni Patricia. Si Patricia ang babaeng pinag aawayan namin dahil lagi silang sweet neto kapag nag uusap and hello? Mahiya naman sila sa girlfriend. Palabas na kami ng bahay ni Harry at hinhintay ko siyang sumilip man lang sa bintana ngunit di niya yon ginawa kaya sumakay na ako agad sa kotse ni Austin, sa harap ako sumakay at si Nikko ang nasa likod habang si Austin mismo ang nag dadrive. Habang umiiyak ay tinitry nila akong pakalmahin, inaya nila akong kumain sa kung saan saan ngunit tinanggihan ko and inaya nila ako mag enchanted kingdom at napatingin lang ako sa kanila, I liked their idea dahil maisisigaw ko doon ang nararamdaman ko so pumunta nga kami, masayang nag maneho si Austin dahil sa excitement. Habang nasa byahe natulog na muna si Nikko habang ako ay kausap si Austin. Sabi niya, "okay ka lang? I mean mas okay ka ba ngayon kaysa kanina?" Habang tinatanong niya yon ay tulala parin akong nakatingin sa bintana at sumagot "hmm.. I don't think so, hindi lang ako makapaniwala na magagawa niya saakin 'yon"sumagot siya agad "magiging okay ka rin soon, Kristine" di ko na pinansin ang sinabi niya hanggang nakarating na kami sa pupuntahan namin. Nag ride all you can kami para maenjoy to' at di naman kami nag sisi. Habang nakasakay sa mga nakakalulanv rides sigaw lang ako ng sigaw upang lumabas ang galit sa puso ko. Salamat at may mga kaibigan akong tulad nila na nandyaan palagi sa tabi ko.

I want to introduce myself, I'm Kristine Gonzales. Now I'm a highschool student. I just want to share my story.

3 months later
Nakahiga lang sa kama habang nakikinig sa music at nag checheck sa aking facebook account. Nakita kong ang daming babae ang nagiging friend ng ex kong si Harry. After kasi nv break up naming walang kakwenta kwenta ay hindi na kami nag usap. Nakakainis kasi bat ganon siya parang wala lang sa kanya ang lahat so ang ginawa ko nag add lang din ako ng nag add ng lalake na ka schoolmates namin pero syempre pinipili ko lang ay yung mukhang matino, may isa akong nakita na nag ngangalang "Ethan Delos Reyes" may itsura at mukhang matino naman kaya't inadd ko na. Pagdating ng 10:00pm habang kumakain ako ay tumunog ang phone ko dahil may nag chat saakin at chineck ko rin to' agad at nakitang may nag message

Ethan Delos Reyes

Hi, kaano ano mo si Cherry?

Si Cherry ay kaapelyido ko lang naman at siguro kaya niya kilala si Cherry dahil siguro kaklase or kaibigan niya yon at pwede ding ka batch niya. Nag reply ako

Kristine Gonzales

My friend, why?

At doon niya nabanggit na kaapelyido ko daw kasi then he asked me kung bakit ko daw siya inadd and then ngulat ako kasi ginawa ko labg naman yon para gumanti sa ginagawa ng ex ko pero sinabi ko naman ang totoo na nakita ko siya sa facebook at inadd lang bigla. Humaba ang usap namin, he's good at magaan sa pakiramdam kapag kausap mo siya.  So hanggat sa bago matulog ay nakausap ko siya.

Kinabukasan nagkausap ulit kami at nabanggit niya na birthday pala ng mama niya, April 9 kayat summer ngayon. Binati ko lang mama niya kahit di kami close netong si Ethan pero ang weird kasi buong araw kami magkausap. Kinabukasan naman habang magkausap kami ay bigla siyang tumawag saakin. Nagulat ako kasi bat naman siya tatawag, binaba ko at tinanong kung bakit siya tumawag sabi niya napindot lang. Bigla sing nag voice message at pinagagawa niya din saakin 'yon, di naman ako kj kaya nag send din ako tas nag pasya siyang tumawag, kinakabahan ako ng una ag di ko alam kung bakit dahil ba stranger pa siya para saakin? Tumawag siya at hello ako ng hello, narinig ko sa kanya na sabi niya ay "teka lang" at sa background na parang inaasar siya dahil siguro nga't may katawagan siya. Pumunta siya sa kwarto nila para makaiwas sa ingay at doon na nagsimula ang papagi naming pag tatawagan.

An Inspiration Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon