Friendship over

7 1 0
                                    

Inunawa kita.. namin.

Naalala mo pa ba noong magkakasama tayo diba ang saya saya pa natin noon? kompleto tayo at walang awayan at inaayos kung may tampuhan man dahil importante tong samahan natin.

Hindi mo ba naalala nangako tayo sa bawat isa na "Walang iwanan"? pero sa isang hindi namin inaasahan na magagawa mong kaming saktan.

Lahat tayo'y may mga kasintahan noon. Pero hindi ako nag kulang ng oras sa inyo dahil mas mahalaga kayo saakin..

Dumating sa oras na nag away away kayo at naiipit ako.
Dahil sa lalaki na wala namang kwenta at sumira lang sa pag kakaibigan natin..

Tinusok mo patalikod ang isa satin..
Nagalit kami OO,
Hindi kami nasaktan sa lalaki bagkus na saktan kami dahil niloko mo ang isa satin.
Isang "Sorry" lang galing sayo ang hinintay namin.

Pero wala wala kaming narinig mula sayo na ng hihingi ka ng paumanhin..

Pilit ka naming kinausap pero lagi mo kaming tinatalikuran at iniiwan.
At umaabot na sa puntong halos mag makaawa na kami para lang maayos lahat,
Umabot na sa puntong kami ang nag pakumbaba.
Umabot pa din na kami pa ang hihingi ng pasensya na ikaw naman ang gumawa.

Nagpatawad kami. Nagkaayos tayo naging OK na lahat ulit. Noong iyong kaarawan inayos natin lahat..

At umabot nanaman sa puntong Ako naman ang iniwan mo. Isang araw iba na ang kasama mo. Hinayaan kita kasi kailangan mo naman mag karoon ng kaibigan na hindi lang kami. Ngunit kinakalimutan mo na ang lahat. Tila ba ay sa tuwing datirati tayo mag kasama ngayon ay iba na. Datirati na hinihintay moko ngayon ay papaunahin mo na ako. Hanggang sa nag iisa na lang ako lagi. Nakisama ako sa inyo ngunit nakita ko ang ugali nila agad at hindi maganda pilit kitang hiniram nun pero hinila ka nila papunta sa kanila at nag pahila ka. Hindi mo alam kung gaano kasakit yung ginawa mo.

Pag talikod ko ay hindi ko napigilan ang kirot sa aking dibdib at bumuhos na ang aking mga luha na pilit kong pinigilan at tumakbo.. At isang mahigpit ang na akap mula sa mga ating kaibigan ang aking nadama na maski sila ay nag pipigil ng luha sa ginawa mo sakin dahil sa nakita nilang pangyayari..

Pangyayari na sinasabi mo sakin na wala na akong halaga na may iba kana.. na pilit kong inaalala lahat na umaasa akong mag kakaayos pa tayong lahat pilit at pilit kong binabalikan lahat ng alaala natin pero wala aa isang iglap nag desisyon kana iwan mo kami..

Pero kahit ganito nag papasalamat pa din ako naging parte ka ng buhay ko. Mahal na mahal kita. Oo tanga ko ba? Sadyang mahalaga ka talaga sakin sa isang sorry mo lang ok na ako sa isang sorry mo lang wala lahat ng galit na nararamdaman ko sayo sa isang sorry mo lannngg..

SPOKEN Where stories live. Discover now