A MILLION I LOVE YOU

48 1 3
                                    

'May nagsasabi na sa buhay, isang beses lang natin makikita ang taong nakatakda para sa atin. isang taong pupuno sa buhay mo, magbibigay na sigla at saya, isang taong handang dumamay sa kung anu man ang nararanasan mo. Yung tipong andyan sa lahat ng oras para tanggapin kung sino ka at taong aalalay sayo sa lahat ng bagay. isang taong matatawag mong true love at ang taong hindi mo pagsasawaan na sabihan ng I LOVE YOU kahit ISANG MILYUNG beses na ulit pa'

CLAIRE's POV

Ang tagal kong nawala dito sa lugar namin mula nung grumaduate ako ng high school ay lumuwas na ako ng Manila para dun mag-aral. Sobrang na miss ko yong probinsya naming. Habang naglalakad ako, Nakasalubong ko ang isang pamilyar na tao, at tama nga ako sya nga!! Ang high school crush ko.. hanggang ngayon gwapo pa rin sya, mali pala mas lalo syang naging gwapo sa paningin ko. Naramdaman ko nanaman yung kilig, parang bumalik ako sa high school. Syempre dirediretso lang ako sa paglalakad na parang hindi ko sya nakita, para mas effective tumingin ako sa kabilang direksyon. Tuloy tuloy lang sa paglalakad. At ayun nilampasan lang nya ako na parang hindi na nya ako kilala. Nagdahandahan ako sa paglalakad at unti unti akong lumingon sa likod ko at sakto naman nakatingin din pala sya skin na parang inaalala kung sino ako...Nakakahiya kasi nagkasalubong ang mga mata naming.. tapos bigla syang ngumiti at nagsalita.

"kumusta? Long time no see ah" bati nya sakin

Sa sobrang kaba ko hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko..

Naglakad sya papalapit sa akin.

"Hindi mo na ako kilala??"

"ahh.. ehh.. para ngang natatandaan kita" yun ang biglang lumabas sa bibig ko.

"Hans remember? batch mate tayo nung high school di ba?" nakangiti nyang sagot sakin.

Hindi ko alam kung bakit pero may naaalala ako sa mga mata nya habang nakatingin sya sa akin.

"Ou nga! Hans Garcia, magkatabi lang Room natin nun." Sagot ko na parang ngayon lang naalala.

"Musta ka na rin?" sunod kong sagot.

"Eto, medyo sinwerte sa trabaho. Manager na ako ng isang company dito rin lang sa atin."

"Wow! Talaga?, Good for you" (Pero parang hindi kapani paniwala yung sinabi nya dahil sa suot nya mukha syang tambay. naka Shorts, sando at tsinelas lang)

"Ikaw? Saan ka na ngayon? Kadarating mo lang ba dito? Di ba sa Manila ka nag tatrabaho ngayon?"

"Teka lang, isa isa lang, mahina kalaban. Dito na ako mag ta-trabaho sa lugar natin, kinuha ako bilang Accountant ng JCO Advertising Company."

"Dun din ako nagta-trabaho ngayon, What a coincidence."

"Really? Indeed it is. It only means you're going to be my Boss starting on Monday." Alanganing ngiti kung sagot sa kanya.

"Dapat na pala akong masanay na tawagin kang Sir."

"Hahaha! And as your future Boss, I'll instruct you to call me sir only in the office. Hindi naman kailangang pormal tayo lagi, What are friends are for."

"ahh. O-u nga. Magkaibigan tayo." Nauutal kong sambit...

Kung alam nyo lang kung anu ang nangyari back in high school....

10 years ago...

I was 2nd year high school and as usual classmate ko parin ang aking bestfriends na sina Sarah and James. Kami lagi ang magkakasama. Magkababata kami ni James we're classmate since kinder years, nagkahiwalay lang kami ng room nung elementary but for some reason laging magkatabi ang classroom naming kaya sobrang close kami. While sarah is a transferee nung grade six and we're classmates since then until now.

Isang taong kalokohan nanaman ang mangyayari ngayong sophomore na kami. Pero dahil sa dalawang kaibigan ko, puno ng magagandang memories ang aking childhood years.

"ui Maria!" narinig kong boses sa aking likuran, isa lang naman ang tumatawag saking Maria at si James yun. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko nga sya kasama nya si Sarah. Maria tawag ni James sakin dahil kay Maria Clara. Dahil Claire ang aking pangalan. Maria daw dapat ang nick name ko para kahit papaano ay mukhang mahinhin daw sa pandinig kahit hindi naman talaga totoo.. Boyish daw kasi ang kilos at pananamit ko. Hindi ko naman tinatanggi na boyish ako, kasi dun ako comportable, I love wearing rubber shoes jeans and t-shirt and that's my fashion trend.

"ui Claire? Tumingin ka sa Quadrangle" narinig kong sigaw nila Sarah habang naglalakad kami sa pathway. Napatingin ako sa direction na sinasabi ni Sarah, bigla akong nag blush kasi ang tinutukoy ni sarah ay si Hans ang taong nag iisang crush ko sa buong buhay ko.

"tumahimik ka nga jan baka may makarinig sayo" nahihiya kong bulong sa kanya.

"tahi-tahimik eh alam na ng buong campus kung ganu mo ka crush yang Hans Garcia na yan, kaya bakit kailangang itago doh!" maarteng sagot sakin ni Sarah.

"kahit na nakakahiya parin noh!" mejo malakas kong sabi sa kanya.

"ooyyy! Kinikilig si Maria! Ligawan mo na kasi, sakto bagay kayo mukha syang bakla at mukha kang tomboy. Hahaha!" nang aasar na gatung ni James

"Tumigil ka nga jan James, Hindi sya bakla noh, He's just neat kaya nagmumukha syang bakla but he's totally a hunk" pagtatanggol ko.

Krrrriiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnngggggggggggggg!!!!!

Nakakabinging tunog na sign na time na, at mahuhuli na kami sa first subject namin..

"bilisan nyo na, late nanaman tayo" Si James na patakbo na

"tara na nga Claire" aya ni Sarah...

patakbo narin akong sumunod sa dalawa kong kaibigan para maabutan namin ang first subject. Pero bago yun tumingin muna ako sa kinaroroonan ni Hans, pero wala na sya. Naisip ko baka nasa classroom na sya. Kaya ipinagpatuloy ko na ang pagmamadali...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A MILLION I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon