Chapter 5

4.1K 181 18
                                    

NAJINA Roxas Medina
Point of View

"Your name is Naji, so let me call you Naji." Pagbasag niya sa katahikan habang naglalakad kami. Bakit ba parang lumayo ang stage?

"You know what Naji, dreams ko 'to noon, popularity. Pero today, I realized na may new dreams na ako. Your life, Naji. I mean maging kagaya mo."

Napatingin ako sa kanya, habang naglalakad kami, ang over share ha.

Aaminin kong na-curious ako sa mga sinabi n'ya.

"What do you mean sa maging kagaya ko?" Hindi ko alam kung bakit ko s'ya kinakausap, kainis.

"Alam ko na uncomfortable ka sa maraming tao, and gusto ko ulit ma-feel 'yung ganyan." Maikli niyang sagot.

Nilalaro n'ya lang ako for sure. Fine, laro well.

"Ang eme mo, hindi mo 'ko madadaan sa drama. Ang cringed mo kayang umarte." Sabi ko na ikinahinto ng paghakbang niya, ganoon din ako.

"To be honest, never mo akong magiging fan. Ang toxic ng mundo mo, tama ka. Saka pwede ba, stay away from me?"

Nang makakuha ko ng tiyempo ay agad kong kinuha ang kahon sa mga kamay n'ya.

"Sa bibig mo na nanggaling, Mr. Superstar na uncomfortable ako sa attention. Kaya pwede ba layuan mo 'ko?"

Makapal na kung sa makapal ang mukha, pero sa ganitong paraan lang ako makagagawa ng rason para tumahimik ang mundo ko.

Iniwanan ko na siya, at itinuon ko na ang oras ko sa pagde-decorate sa stage. May ilan naman akong katulong kaya hindi ako nahirapan masyado.

Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking superstar na 'yon, kung bakit parang nagiging trip n'ya guluhin ang buhay ko? Hanggang sa panaginip ko ay napapadpad siya na akala mo ba nakatadhana na siyang maging sanhi ng mga kaguluhan sa life ko.

Universe ano ba?

Ganito na ba kahirap hingin sa 'yo ang katahimikan ng mundo ko?

Gusto ko lang naman ng peace of mind!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Facebook Boyfriend is a Superstar UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon