Chapter 4

895 22 0
                                    

Someone's POV
       It's been a year since I left. Haaaay I really miss my country, my family, I miss everything, even her *sighs*

*Calling Chuchay*

[Hello?] -me

[Kuya? Omg kuya how are you na?!] Tiling sambit ng kapatid ko.

[Arrrgh! Tone down your voice! You're really noisy even before!] Naiinis na sabi ko.

[tsss sungit! Bat kaba napatawag?! Bwisit na to] reklamo niya

[I just want to ask if ahm.. ano... ahm..] di mapakaling sabi ko

[Ano ba yun? Para kang tanga jan. Kakamustahin mo ba sya? Okay lang sya kuya don't worry, masungit parin sya haaays] sambit niya

[Hoy! Ano.. ahm.. sino ba nagsabing kinakamusta ko sya? Di ko naman sya kinakamusta ah!] Sambit ko

[Nye nye nye! Whatever you say. Kilala na kita kuya. By the way, kelan ba balik mo dito? It's been 5 years, wala ka parin balak umuwi? Ang corny naman kasi ng dahilan ng pag alis mo kuya kadiri ka] nandidiring sambit niya.

Tignan motong batang toh, ang sabihin mo lang miss moko eh tch.

[Sige na sige na! I'll hang up na wala kang kwenta kausap tss, wala pang exact date ang pag uwi ko jan pero baka this year makakauwi ako] pagpapaalam ko sa kapatid ko.

[Really kuya!? Omg I can't wait! I really miss you na kuya, kahit si mom. Nakikita ko sya minsan sa kwarto mo nag iikot ikot, uwi kana kasi panget!] Sambit niya

[Oo na! Oo na! Basta hintayin mo nalang tss]

*Call ended*

Jae-Michelle's POV
      It's our second day of school at ginawa ko na ang morning routine ko.

After ko mag prepare, agad na kong bumaba to eat.

"Good morning hija" bati ni yaya meling

Si yaya Meling ang pinakamatagal naming kasambahay, for me pangalawang nanay ko na sya.

Sya kasi ang nakakasama ko tuwing busy si mom and dad sa business.

I have a sister at wala sya dito. She's living in France, and she's five years older than me.

She have to live their because of her career, because she's a famous Fashion Designer.

Magkasundo kami sa lahat ng bagay at mga hilig. Kaya I want to be like her too, but she's always refusing everytime I say na I want to be a Fashion Designer since I love fashions.

She says that, di daw bagay sakin ang pagiging Designer. Gusto niya daw akong mag model at sya ang magdedesign ng mga damit na isusuot ko.

I miss you ate :(

"By the way Ya, where's mom and dad?" Tanong ko.

"Nasa business trip sila sa London princess, di na sila nakapagpaalam dahil marami silang inaasikaso. Babawi nalang daw sila pag uwi nila" paliwanag ni yaya

"Haaaay, okey then. Bye ya! I need to go na" paalam ko

"Mag iingat ka :)"

"I will" sabay halik ko sa pisngi ni Yaya.

Agad akong lumabas at sumakay na sa kotse.

"Goodmorning manong, padaan naman po muna sa Cafe malapit sa school" magalang na sambit ko.

"Sige po ma'am"

Mahigit kalahating oras ang byahe ko. At agad na akong bumaba.

"Manong wag niyo na po ako hintayin, maglalakad nalang po ako papuntang school" sambit ko

"Di na po ma'am, hihintayin ko nalang po kayo. Mapapagod po kayo pag naglakad kayo"

Agad naman akong nainis. Mabilis lang ako mainis, gusto ko maging mabait pero di ko kinaya dahil kay manong.

"Manong pag sinabi ko pong maglalakad ako, maglalakad ako. Wag mo na akong hintayin dahil magtatagal ako -_-" inis na sambit ko

Di ko na pinatapos magsalita si manong dahil naglakad na ako agad papasok sa loob.

Ayoko ng makipagsagutan kay manong dahil umagang umaga ayoko masira ang araw ko.

Agad naman akong nag order at uup na sana ng biglang...

"Aba hoy! Ang kapal naman ng mukha mong agawin ang pwesto ko!?" Mahina ngunit galit na sambit ko.

Napatingin sya sakin ng may bakas ng pagkainis sa mukha ng biglang nag iba ang expression nito.

"B-bakit?" Nauutal na tanong ko

Nakatitig kasi ito sakin kaya baka may dumi ako sa mukha.

What the hell!? Wait pupunta muna akong Wash area, I need to check my face.

"M-may d-umi ba a-ako sa mukha?" Takang tanong ko

Bigla naman syang nabalik sa ulirat at agad ding nagbago ang expression ng mukha niya. Bumalik ito sa pagkainis

"May pangalan mo ba?" Nakangising tanong niya

"Wala pero lagi akong umuupo jan!" naiinis na sabi ko sakanya

"Oh really? Lagi din ako umuupo dito eh. Aalis ako dito kapag napatunayan mong iyo itong upuan" nakangisi niya paring sambit.

Napangisi din ako sa sinabi niya

"Okey ;)"

"Huh?" Nagtatakang sagot niya

Umalis ako sa harap niya at biglang lumapit sa counter.

"Miss can I talk to the manager?" Nakangiting sabi ko sakanya

"Ahm bakit po ma'am? May problema po ba sa mga drinks namin?" Kinakabahang sabi niya.

"Wala naman, I just want to talk to him/her" muli kong sabi

"Wait here ma'am" paalam niya.

Tinignan ko naman si kumag at nakita ko syang nagtatakang nakatingin na tila di mag sink in sa utak niya kung anong ginagawa ko.

Hahaha mukha syang tanga.
Agad namang lumapit sakin ang babaeng may katandaan. Siguro nasa 40s na toh?

"What can I do for you miss?" -manager

"Miss Felizardo :) By the way, gusto ko lang po sanang bilhin yung seat banda don *itinuro yung inuupuan ng lalaki* favorite spot ko po don dahil natatanaw ko ang labas, at gusto ko pong wala ng iba pang uupo don" nakangiting sabi ko

"Ok miss Felizardo, aasikasuhin namin yan" sabi ng manager

"Thank you po" sabay abot ko ng calling card ko.

Pumunta na ko sa kinauupuan ng lalaki at tumayo sa harap niya ng nakangiti.

"Aalis na ko, pagbibigyan muna kita jan sa upuan ko. Enjoy!"

At iniwan ko sya dun na naiinis.

Ha-ha-ha ganyan nga, mainis ka.

Badboy meets Ms. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon