#LostForWordsChapter 2
Alam ko naman sa sarili ko na may kasalanan rin ako sa mga nangyayari saming dalawa ngayon. Kung sana I controlled my feelings from the start, di sana kami ganito ka close to the extent na pinagdududahan na kami ng kung ano. Baka ma awkward na si Sebastian sa kakatukso nila. Ang hirap naman kung bigla nalang siyang lalayo.
"Kanina ka pa kaka-space out diyan. Ano na? Putolin ko nalang tong video call?" Si Sebastian ka video call ko kahit nasa same building lang kami. Ewan ko ba, biglang tumawag.
"Bakit ka nga kasi tumawag? Di tuloy ako nakapag yoga."
"Bored kasi ako dito. Tapos na lahat ng thesis revisions ko. Naka yoga pants ka? Pwede namang mag yoga ka diyan while nag vivideo call tayo ah. Papanoorin nalang kita." Sinabi niya habang taas baba sa kilay niya.
"Bwesit! Ang landi talaga nito oh! If you don't want anything then just leave me alone! Ang dami ko pang gagawin." Tumawa naman siya ng malakas sa kabilang linya.
"Ito naman hindi mabiro. Ang sungit naman ng favorite girl ko." Bwesit. Pano pigilan ang kilig? "Oh see, ang cute pang mag blush!"
"Tigilan mo ko Sebastian Gabriel Montecristo. Bye!"
"Uy wait lang naman! Samahan mo kasi ako. I have to pick some books sa Maritime library tapos kain tayo sa labas. Libre ko. Para di mo nako sungitan at saka makabawi ako sa nangyari kahapon. Please?" May magagawa pa ba ko?
"Hay naku Baste. Sige na nga. See you after 30 minutes."
Diretso kami sa mall ni Sebastian after niyang makuha sa Maritime library ang mga librong kailangan niya. Ewan ko ba, pwede naman niyang kunin yun pag Monday but he still insisted to get it today. Napatingin ako sa kanya ng bigla niyang kinurot ang pisngi ko.
"Aray! Bwesit! Ano ba Baste?!"
"Ang cute kasi nung baby oh. Look! Diba ang chubby tapos ang puti!" Sabay kurot na naman sa pisngi ko.
Pinag hahampas ko yung kamay niya. "Ano ba! Ang sakit!" Kinurot ko naman mukha niya. Para kaming baliw dalawa na nagkukurotan sa gitna ng mall.
"Ano ba yan. Ang liwanag pa para maglandian kayong dalawa! Tsk!" Nagulat nalang kami ng makita naming nasa harap na pala namin si Zach. Kasama naman ang isang babae na hindi namin kilala.
"Eto kasing kaibigan mo, napaka touchy! Tignan mo ginawa niya sa cheeks ko! Pulang pula nato tuloy. Bwesit!"
"Pag di ka tumigil sa kaka-bwesit mo diyan, kukurotin kita ulit." Sabi ni Sebastian.
"Sige subukan mo! Sisipain ko talaga yang–"
"Hoy kayong dalawa! Para kayong mga bata. Tignan niyo nga yung mga bata sa gilid, mas behave pa kaysa sa inyong dalawa. Behave!" Napabuntong hininga si Zach. And true to what he said, umuupo lang ang mga bata na nanonood saming dalawa.
Nakisabay si Zach at yung chix niya na mag late lunch samin. Nag Kuya J Restaurant kami due to the insistence of Sebastian. To die for daw kasi yung baked scallops nila. Ako naman, pumayag kasi I haven't tried there yet. Kaka open lang din nila last week dito sa mall.
BINABASA MO ANG
Lost for Words
RomanceWala naman sigurong taong ginusto maging option. Alam ko naman na kasalanan ko rin ang nangyari. Ginusto kong mahulog kahit alam ko na malaki ang risk na wala lang para sa kanya ang mga pinag-gagagawa niyang pagpapakilig saken. Pero as they say, na...