Si Maddie ay isang mag-aaral sa senior high school na mula sa isang mahirap na pamilya. Dahil silaý salat sa buhay, nais niyang tulungan ang kanyang mga magulang upang maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya. Ang hangarin niyang ito ang nag-udyok sakanya upang lumapit sa isang kandidato sa pagka-pangulo at ilabas ang kanyang mga hinaing.
*Sa opisina ng kandidato*
Maddie: Magandang umaga ho, Ginoong Rex!
Kandidato: Magandang umaga rin hija. Ano ang iyong sadya?
Maddie: Ako ho ay nagpunta rito upang konsultahin kayo ukol sa kalagayan ng edukasyon sa ating bansa sa kasalukuyan at upang malaman kung anong mga plataporma ang nais niyong ipatupad upang mapaunlad ito sakaling manalo kayo sa eleksiyon.
Kandidato: Ah, magandang usapan iyan, hija! Alam mo, baguhan palang ako sa larangan ng politika pero kapag nanalo ako, nais ko munang tutukan ang edukasyon sa ating bansa. Kayoong mga kabataan ang pag-asa ng bayan, ika nga ng mga matatanda kaya naman nais kong paunlarin ang ating edukasyon upang kayo ay maging marangal at maipagmamayabang sa buong mundo. Nais kong bigyan ng malaking pondo ang edukasyon upang kayo ay magkaroon ng sapat na pasilidad at silid-aralan na magagamit sa inyong pag-aaral.
Maddie: Magandang plano ho iyan upang hindi na ho kami magsiksikan sa mga paaralan!
Kandidato: Bukod pa diyan, nais ko ring taasan ang sahod ng mga huwarang guro dahil sa kanilang sipag at tiyaga na kayo ay turuan.
Maddie: Pero ginoo, paano po kaming mga mahihirap? May mga scholarship po bang nakalaan para saamin?
Kandidato: Magandang tanong iyan, hija. Maglalaan ako ng malaking pera para sa mga scholarship nang sa gayon ang mga katulad ninyo ay makaranas rin na pumasok sa isang magandang unibersidad. Kailangan niyo lang mag-aral nang mabuti upang mas malaking oportunidad ang maibigay sainyo. Binabalik ko rin na gawing libre ang pag-aaral sa lahat ng mahihirap na pamilya nang sa gayon ay hindi na kayo mahirapan sa mga gastusin sa paaralan.
Maddie: Wow! Magandang balita ho iyan para sa aking mga magulang! Hindi na sila mahihirapan.
Kandidato: Natutuwa rin akong isiping matutuwa ang mga magulang mo. Pero hindi lang iyon, meron na rin kayong allowance para naman kayo ay ganahan sa pag-aaral ngunit makukuha lamang ninyo iyon kapag kayo ay mag-aaral nang mabuti.
Maddie: Sigurado ho na gaganahan kaming mag-aral dahil diyan!
Kandidato: Maaari rin kayong magkaroon ng pagkakataon na mag-aral sa ibang bansa kung inyong nanaisin. Susuportahan kayo ng gobyerno.
Maddie: Magandang balita ho iyan! Tiyak na maraming magsisipag dahil sa hangarin na makapag-aral sa ibang bansa. Siguradong gagalingan po namin sa paaralan!
Kandidato: Magandang pakinggan iyan, hija! Ang tanging hangad ko lamang ay ang mapagtapos kayong mga kabataan nang sa gayon ay matulungan ninyo ang inyong mga pamilya. Kung sakaling may suhestiyon ka, wag kang mahihiyang lumapit saakin dahil tutulungan kitang matupad iyon basta't para sa ikabubuti ninyo.
Maddie: Opo ginoo, makakaasa ho kayo! Maraming salamat ho sa inyong tulong! Karapatdapat ho na kayo ang maging lider dahil sa magagandang plano ninyo. Sana ho maipatupad iyon kung sakaling kayo ang manalo.
Kandidato: Walang anuman, hija. Makakaasa kayong lahat na uunlad ang ating bansa sa aking mga plataporma. Oh siya, mag-aral kang mabuti ha.
Maddie: Opo, ginoo. Hanggang sa muli!