PROLOGO
Itaas ang sandata, sa pananampalataya'y umalunsina. Ilaban ang karapatan, kumilos sa kinalulugdan. Huwag matimbuwang ni sumalansang. Pagningasin ang apoy, na sa puso'y lumalangoy.
Kung sinu-sino ang kinakapitan, sa oras ng pangangailangan. Tugon na hindi mahapuhap, hindi alam kung kailan malalasap. Kapag kasakiman ay sumidhi, kawawa ang naturang lipi. May pag-asa pa nga ba? O masasadlak na lang sa dusa?