Hilig (One Shot)

293 5 2
  • Dedicated kay Yzabel Gawat
                                    

HILIG (One Shot)

written by: gleekchix

COPYRIGHT 2014 © gleekchix

ALLRIGHTSRESERVED.

No part of this document may be reproduce or transmitted in any form, without the permission from the author.

---------

Dedicated to my friend, Yzabel! Haha :D

Wag mo akong sasapakin pag nabasa mo 'to!

(^_^v)

---------

**Yza's Point of View**

"Araaaaay!!!" napadaing ako dahil super sakit ng ulo ko. Napuyat ako kagabi sa kakareview para sa Midterm namin at ngayon, kailangan ko pang bumangon ng maaga para pumasok.

"Anak, gising ka na ba? Nakagayak na ang almusal." sabi ni mama.

"Opo. Bababa na!"

Pumunta ako sa banyo para maghilamos muna. Napatingin ako sa orasan. "Hala! 6:30 na!"

Ginayak ko na ang susuotin ko at bumaba na para mag-almusal. Maliligo na lang ako pagkakain.

~~~

Matagal ako sa sakayan ng bus. Tss... ang tagal naman! Malelate na ako at... "Haaaaahhh..." napahikab pa ako dahil sa sobrang antok.

After 5 minutes of waiting, nakapara na rin ako ng bus na masasakyan ko.

Pagkaupo ko, kinuha ko muna yung earphone ko at nagsoundtrip muna. Hindi ko namamalayan, nakatulog na pala ako sa biyahe...

"Miss..."

"Hah!" nagising ako dahil mayroong yumuyugyog sa hita ko. Nakahilig yung ulo ko sa isang lalaki.

"You're here." sabi nya, "Ako na pumara para sa 'yo. Masyado kang busy matulog eh."

"Ah s-salamat ha? Paano mo nalaman na dito ako bababa?"

"Sa uniform mo. Sa CCU ka nag-aaral right?"

"Yeah. Salamat ulit ah?" tumayo na ako at bumaba ng bus.

"Binayaran ko yung pamasahe mo!" nakangiti nyang sigaw sa may bintana nung makababa ako.

"T-thank you..." saka ako tumakbo. Dyahe! Nakatulog na nga ako sa balikat nya, sya pa nagbayad ng pamasahe ko. Tss... sana naman di ko sya natuluan ng laway habang natutulog! >__<

~~~

"Ano hitsura nung lalaki?" atat na tanong ni Leila sa akin. Naikwento ko yung nangyari kanina sa kanya at hitsura kaagad nung lalaki yung unang tanong nya. Yung totoo?

"Ahm, okay lang. Hindi gaanong maputi pero ayos lang yung kulay nya. Gwapo sya lalo na pag nakangiti." sabi ko habang tinatadtad ng tinidor yung ulam kong pork chop. Dito ko na lang ibubunton ang pagkapahiya ko kanina.

"Talaga? May pagka-tall, dark and handsome ba?"

"Ewan ko kung tall... Di naman tumayo eh."

"Ayiiee!!! Baka si Destiny mo na yan, mare!" kinikilig nyang sabi.

"Alam mo? May pagka-hopeless romantic ka talaga! Wag mo ngang bigyan ng malisya yung nangyari!"

"Whatever you say, Y! Binigay mo ba yung cellphone number mo?"

Hilig (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon