Down Memory Lane

37 0 1
                                    

Chapter One

1998

Usual morning; drinking coffee sa veranda. The view is breath taking. Malaki na ang pinagbago ng siyudad, ang mga bundok na dati'y puno ng mga punong pino, ngayon ay halos mga kabahayan na ang makikita. Ang dati'y sariwang hangin ay napalitan na ng amoy mga naglipanang mga sasakyan.

“Sir, breakfast is ready.” Ang tinig ng anak ng katiwala ng mga O' Brien, si Tony.

“Okay. Thank you. Susunod na.” Si Dennis O'Brien, isang American veteran na piniling manirahan sa Baguio matapos ang WWII.

Isang malaking log house ang tirahan ng mga O'Brien. Naitayo ang bahay na ito nung nagsisimula pa lamang umusbong ang siyudad. Maganda ang disenyo ng bahay. Kitang kita ang American architechture influence nito.

Mula sa kinaroroonang veranda, tinahak ni Richard ang hallway papunta sa dining area. Naron nang naghihintay ang mga apo at tatlo nitong mga anak. Sina Racheal Alvarez; panganay at isang tanyag na chef na nakapangasawa ng isang textile company owner na si Edilberto Alvarez. May tatlong supling; iang babae at dalawang lalaki. Nandun din si Nathaniel O'Brien. Isang sa mga kinikilalang pinto sa kaniyang henerasyon. Biyudo at may dalawang lalaking anak. At si Howard O'Brien, bunso sa magkakapatid. Manager ng isang accounting firm sa bansa. Kasama ang asawang former beauty queen na si Ezperanza Filipina. May tatlo rin silang supling, puro lalaki. Bakas sa mukha ng magkakapatid ang dugong baniyaga. Bagama't isang Pilipina ang nasirang maybahay ni Dennis, kitang kita ang kagandahan ng pinagsanib na dugo nilang mag asawa.

Taun-taon pagsapit ng kapaskuhan, nagsisiakyatan ang mga magkakapatid upang dito magbakasyon. Malapit ang loob ng mag magkakapatid sa isa't isa; bagay na lubos na ikinatutuwa ng kanilang amang si Dennis.

“Dad. You should come visit us down in Manila sometimes. I can take you to places there.” Pagsumamo ni Nathaniel sa ama.

“Thank you.” “I am happy here. Besides, I think hindi na ako makakatagal sa mahabang biyahe. I'm old.” Patawang sagot ng matanda.

“We can always book a flight dad. Mas madali and mas convenient para sa inyo. Your grandchildren would love to spend time with you.” Dagdag naman ni Racheal.

Ilang taon na ring hindi lumuluwas si Dennis simula nang pumanaw si Rebecca, ang maybahay niya. Bakas kaniyang mga mata ang labis na kalungkutan simula nang siya'y mabiyudo. Isang mabuting maybahay at mapag arugang ina si Rebecca. Maasikaso at maunawain. Ni kailanman ay hindi naringgan ni Dennis ng kung anumang angal.

Masayang pinagsaluhan ng pamilya ang hapunang inihanda ni Racheal. Larawan ng isang matatag na pamilya ang mga O'Brien. Masasabing huwaran sila pagkat sa kanilang katayuan sa lipunan, marami silang natulungan at patuloy na tinutulungan.

Nakatitig sa fireplace si Dennis. Malalim ang iniisip, waring binabalikan ang mga alaalang naging bahagi na ng kaniyang buhay at ng kaniyang sinumulang pamilya. Aninag sa kaniyang mga mata ang bakas ng pagsusumamo at animo'y kislap ng mga bangungot ng nakaraan.

“Dad. Do you mind if I join?” Si Nathaniel na may dalang tasa ng mainit na kape. “Mukhang malalim ata iniisip mo dad.”

“ Nothing, really. I just miss your mom, that's all.” Isang buntung hininga ang pinakawalan ni Dennis.

Di alintana ang paglabas nina Racheal at Howard, binaling ni Nathenial ang isang pagaanyaya sa kanila.

“We're sitting by the fire. Join us.” may halong pilit na kagalakan sa kaniyang tinig.

“That would be nice. Nakakamiss ang ganito. We used to do this a lot when we were young.” wika ni Racheal habang humihigop sa isang tasa ng hot choco.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Down Memory LaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon