Chapter 2

5.9K 204 2
                                    

NAJINA Roxas Medina
Point of View

Hindi mawala-wala sa isip ko yung eksenang ginawa ko mismo kanina habang lakad ng lakad ako sa abandoned building sa CCABI. Is it my fault ba kasi na kusang nag-a-activate ang self-defense ng body ko?

Well, why naman kasi hindi ako na-inform na medyo crazy yung superstar na 'yon.

Lahat ng umiidolo sa lalaking 'yon ay kalaban ng bayan. Ems. Nanggigigil talaga ko sa mga taong sumisira sa world peace na binuo ko sa brain ko. 

Inayos ko agad ang sarili ko, at naupo ako sa isang sulok para kumalma. Inilabas ko ang cellphone ko at nag-open na lang ako ng Facebook.

|20 notifications, 1 chat message, no friend request.|

And yung message, ang nakalagay lang ay--

(You are now connected on messenger.)

Hindi ko alam kung bakit chinecheck ko pa palagi ang messenger ko kahit kulang na lang ay paglamayan ko ito dahil matagal ng patay.

Sakto online yung dummy account na yung Zykai ang profile.

*typing..*

Najina Roxas Medina
(I know all about that superstar, I mean your profile, Zy Kaishin Rasbels. He is trash, a wolf, a garbage, a jerk, and a playboy!)

Nag-iinit talagang skull ko sa lalaking 'yon, feeling main character talaga! Ganap na ganap!

Agad namang nag-reply itong wild zombie na fan ni Zykai.

Zydro Clarkson
(I expected that.. from a hater.)

Typing..
Najina Roxas Medina
(Believe me, screen and camera is a trap. Basura 'yang idol n'yo na feeling handsome and talented.)

Totoo naman, lahat ng pinapakita nila on screen ay peke at lahat ng shits nila nasa totoong buhay.

Zydro Clarkson
(I beg to disagree. Don't judge a person so easily just because you're angry or annoyed.)

Okay, aware pala s'ya sa tumatakbo sa isip ko. Maybe nakita na n'ya online ang about sa akin.

Typing..
Najina Roxas Medina
(Oh, for real ba? Hahaha.)

Zydro Clarkson
(Yeah, and let me remind you that a little lie is also a trap, and it can harm you.)
Seen.

Hindi na ako nag-reply dahil ako lang din ang nabanas sa ginawa ko.

Mga kanser!

Mga infected!

Mga zombies!

Ilang sandali lang ang pinalipas ko, at pumasok na ako sa sumunod na klase.

I failed to notice how I silently and unexpectedly entered the classroom.

Sa pagbalik nang isip ko sa sarili nitong ulirat, I saw a multicellular organisms (girls) peering through the front sliding windows of the classroom. So I simply reinserted my headphones into my ears.

Marami kasi sila, and multicellular organisms composed more than one cell according kay google.

Sumulyap muli ako sa bandang harapan, at doon nahagip nang mga mata ko ang pwesto nung parasitism na Zykai na 'yon.

Paanong hindi magiging parasitism eh s'ya lang naman ang nabe-benefits habang hina-harm n'ya yung mga fans n'yang nagiging wild.

Son of science!

Maya-maya ay isa namang luya ang umagaw sa atensiyon nang lahat. Si Jing-er Cross Buenavista, a living thing naman na naka-aligned sa toxicology, lason kasi s'ya.

S'ya lang naman ang nagpaintindi sa akin nang environment ng mga kagaya n'yang artist na basura ang ugali, at kung gaano kadelikado ang epekto at dulot niya sa mga fans.

Bukod sa luya kasi ang pangalan niya, ay bruhilda talaga s'ya sa totoong mundo. In short, toxic living thing na ambag lang sa mundo ay kaartehan.

Idinukdok ko na lang ang ulo ko sa armchair dahil baka makulta ang isip ko kaka-relate sa kanila sa science.

Ito na pala ang simula nang kalbaryo ng tahimik kong mundo.

My Facebook Boyfriend is a Superstar UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon