I

5 0 0
                                    

🌻✨🍂✨🌻✨🍂
LIANNA'S POV
🌻✨🍂✨🌻✨🍂

"Huy! Antahimik mo naman diyan. Ano nasa isip mo ha? Ha?" pangungulit niya sa akin.

"Ang ingay mo naman Ciara! Para kang bata dyan!" wala sa mood na sabi ko.

"Ang init na naman ng ulo nito eh! Meron ka ba ngayon?——" tumahimik siya kaya bigla akong napatingin sa kanya at bigla niyang tinakpan ang bibig niya. Ano ba trip nito?  "——O. M. G!!! Huwag mong sabihin na nag-me-menopause ka na? Sabi na nga ba, gurang ka na talaga!"

Tinulak ko siya at tawa lang siya ng tawa. Gaga talaga 'to.

Umupo ulit ako ng ayos at bumalik sa pag-iisip.

"Pero yung seryoso nga, ano ba talaga iniisip mo at parang anlalim-lalim? " tanong niya ulit.

"Oo nga! Ano ba kasi yun ha? Ayaw pa mag-share parang 'di naman tayo magkakaibigan niyan eh!" sabi pa ni Lysse.

Tumingin ako sa kanila at sobrang curious talaga sila. It's not bad to share some thoughts naman diba?  Lalo na kapag friends mo naman yung sasabihan mo.

"Well, I'm thinking about my ex and—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita si Ciara.

"Ay! Ayan na naman tayo sa magaling mong ex? Omg Lia! It's been almost 6 months. Fucking 6 months! Move-on, Move-on rin 'pag may time ateng ha?" sabi niya.

"Iniisip mo yung ex mo? Eh ang tanong iniisip ka rin ba niya? Hindi siya deserving na isipin pa! Gumising ka nga Lia, nahihibang ka na yata." sabi pa ni Luine.

"Tsaka bakit ba ayaw mo mag-sabi ng mga info about your ex? Even his name hindi namin alam. Paano natin siya makaka-usap about dyan sa problema mo na matagal mo ng prinoproblema na hindi naman kapro-kaproblema." dagdag pa ni Hanne.

"Hell no! Tapos ano? Igagaya niyo ako sa ginawa niyo sa ex ni Angie? No way! AS IN NO!" pasigaw na sabi ko at tumayo.

"Oh fuck Lia! 'Wag mo na ipaalala! Ano ba!" sigaw rin ni Angie.

Lahat kami nagtawanan. Para kasi kay Angie yun ang pinaka-worst event sa buhay niya. Like tf, kahit sa akin nangyari yun mahihiya rin ako.

"Alin ba dun? Yung binuhusan namin siya ng putik or yung binutasan mo yung gulong ng kotse niya pero hindi pala kanya yun? HAHAHAHAHA" pang-aasar ko sa kanya.

"HAHAHAHAHAHAHA" sabay-sabay namin pagtawa.

Tumayo sila at nagulat ako ng yakapin nila ako.

"Ayan! O diba mas okay kapag masaya ka. 'Di bagay sayo ang malungkot, nagmumukha kang unggoy. HAHAHAHA!" sabi ni Ciara.

"I really love you girls!" sabi ko sa kanila at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanila.

"We love you too!"

Till We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon