HRHG 4: Ex

77K 1.6K 22
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Clarisse's POV

Nang tingnan ko ang pangahas na tumabi sa akin, biglang nanlaki ang ulo ko. And thinking of the devil and he shall appear. "Ikaw?" bwisit kong asik. Ngumiti ito ng matamis na lalong ikinabagsak ng panty ko ah este ng puso ko. Akalain mo ngumiti si Maxwell aka devil sa akin.

At bakit ba ako kinikilig?

Umayos ka Rissy! singhal ko sa aking sarili.

"You guys knew each other?" tanong ni Cheska na lumaki pa ang mga mata. Sasagutin ko sana ito ng biglang naramdaman kong uminit ang kabila kong pisngi. Hindi dahil sa blush kundi dahil sa mainit nitong labi.

"Hi, Ches," nangingiting bati ni Laurent at umupo ito sa tabi niya. Buti nalang naibaling sa iba ang atensyon ni Cheska, pati narin si Lindsey.

Magkakilala ang dalawa kasi ang nanay ni Laurent at daddy ni Cheska ay mag-asawa na. Kumbaga, iniwan ng daddy ni Cheska si mommy niya at ang mommy ni Laurent ang pinakasalan muli.

Kumuha ng upuan si Kristoff at tumabi kay Lindsey. "Hi, I'm Kristoff," sabi nito saka inilahad ang kamay kay Lindsey. Halatang kinikilig si Lindsey.

"I know," sabi nito na parang tanga lang. Lumapad lalo ang ngiti ni Kristoff.

Tatlo lang silang magkasama ngayon.

"Bakit ka narito?" bulong ko sa Maxwell. He smiled at lumabas ang pantay-pantay nitong ngipin at para naman akong nasilaw sa puti nito. Ang dimple nito sa kabila lumabas rin at lalo tuloy itong napakagwapo sa aking paningin. Kahit may konting balbas ito, hindi nakabawas sa kguwapuhan nito. Lalo tuloy itong kaakit-akit. Yung kaguwapuhan niya ay iba ang dating. Napadangerous, alarming, yet senswal. Kumbaga, mapanganib na kaguwapuhan. Basta kakaiba. Kaya nga marami ang gustong matikman siya.

At sya naman free taste lagi. Hays ang cheap niya lang, sa totoo lang.

"Didn't I tell you, you're mine? I just came to remind you that again," pabulong nitong usal sa aking tainga at para akong kinikiliti ngunit inignora ko lang ito. Sabi ko nga, hindi magandang balita si Maxwell.

At hindi ako handa sa anumang negative vibes na dala nito. Habang maaga pa, dapat itong iwasan.

"Please move, makita ka ng boyfriend ko!" asik ko rito sa naiinis na boses. Nagtatagis ngiping dinunggol ko ito sa tagiliran ng aking siko. Medyo napalakas pa ito sa inis ko.

"Don't worry, I won't be mad if someone is sitting beside you," sabi nito.

Akalain mo?

"Shit!" naibulalas ni Lindsey at napatingin ako sa gawi ng tinitingnan niya, sa may likuran namin.

Nakita ko si Aiden na madilim na madilim ang mukha nito, habang parating sa amin. Kasama nito ang dalawa niyang kaibigan na si Dwayne at Kenneth.

Prente lang na nakaupo si Maxwell sa tabi ko. Isinampay pa nito ang kamay sa inuupuan ko, at lalong dumikit sa akin. Tatayo sana ako ng pigilan niya ako gamit ng kamay nitong nakapatong sa likod ng upuan ko.

"SIT!" matigas nitong sabi habang kinuha nito ang tubig kong nangangalahati lamang, at saka tinungga lahat.

Ang kaninang dobleng bilis ng puso ko, parang hindi ko na maramdaman dahil sa sobrang bilis nito at pakiramdam ko, sasabog na. Hindi rin ako makahinga dahil sa tensyong lumalaki.

"Rissy!" matigas na tawag sa akin ni Aiden. Tatayo ulit sana ako kaso hinawakan ni Max ang hita ko kaya napaupo ulit ako.

"FUCK YOU, BOVARIN!" galit na galit na sigaw ni Aiden saka nito nilapitan kami at tumayo ito sa may gilid namin, malapit kay Maxwell.

Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon