Chapter 11
Eto nanaman tayo sa monday na ito eh, meaning coding nanaman kaya tiis muna mag commute.
Kala ko mawawala na problema ko sa monday dahil sa bago kong sasakyan pero hindi ko din pala ito magagamit kaya mag titiis muna ako sa bus, mahirap na agaw pansin yun panigurado.
Maaga ako ngayong nakarating sa klase. Halos wala pang tao sa room. Umupo na ako sa my likod para matulog sana pero bigla naman my pumasok ng room.
"Ui Rence, nabalitaan ko ung sa inyo ni Sean. Ingat ka dun, madaming barkada un dyan sa tabi tabi" bati sa akin nung dumating kong kaklase.
"Thanks sa paalala pre, pero hindi ako natatakot sa kanya" napakunot ang noo nito, malamang nalaman din niyang nasuntok ako ni Sean.
Hindi ko na siya pinansin, binaling ko nalang attention ko sa ipad ko at connect it sa wifi ng campus.
I check my facebook. Ang dami ng friend request at notification, kakaopen ko lang nito kahapon ah. usually hindi naman ganito.
Friend request..
Kathy Trinidad
Confirmed..
Maxine Lim
Confirmed..
Patricia Go
Confirmed..
Madami pang iba puro babae.. Pero ang kinagulat ko pagkatapos ko silang iaccept lahat lumabas ang another page of friend request.
Henry Fronteras added you as a friend
Abby Galvez added you as a friend
Halos mabitawan ko ung ipad ko sa nakita ko pero wala akong magawa kundi iaccept na din sila. Baka mapansin pa nilang hindi ko sila inadd eh.
At dahil madami akong bagong inadd, nag update na ng tuluyan ang news feed ko. Natawa nalang ako sa iba kong nakita obvious na ako pinag uusapan eh.
Patricia Go: I found him, sana iaccept niya friend request ko. Sayang nahuli lang ako ng ilang araw, hindi na sana siya nasaktan.
Halatang halata naman ang isang yun. Sinundan pa ng mga comment ng matatabil din na babae..
Quennie Dizon: Oh my.. buti nalang hindi siya si Sexy enigma, dadami kaagaw eh.
Cheska Ramos: Hindi ko siya napapansin before, but I must admit nanghinayang din ako, nasuntok pa siya.
Hay... yan ang hirap pag nadidikit sa pangalan ni Troy eh, instant sikat ka. Dumagdag pa yung incident sa bar, sumakit ulo ko sa mga un ah.
Madami pang ganong post galing sa iba't ibang tao. My mga nag post din sa wall ko. Ewan, mga epal lang. Naalala ko bigla ung dalawa, inadd nga pala nila ako. Agad kong pinuntahan ang wall ni Henry.
Wala naman masyadong bagong update, puro condolence post lang ang makikita mo sa wall niya eh. Bakit ko ba ito tinitingnan? Ngayon hinahalughog ko naman mga photos niya. As expected puro pictures nila sa iba't ibang lugar sa California. She's too beautiful..
Ano nanaman bang iniisip ko? I'm being stunned for this girl for almost 5 years. Grabe epekto niya sa sistema ko. Grabe pagsisi ko sa lahat ng nangyari noon. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko, pero alam kong ako ung gusto niya noon.
Naaalala ko sa kanya si Aileen, same scenario, we first met sa corridor ng school at nabunggo ko siya. Pero hindi tulad sa isang un, naging mabait pa si Abby sa akin, nagtanong pa siya pero sa kasamang palad sinungitan ko siya.