DS - FANFIC

590 16 10
                                    

A fanfic for Sadist Lover Saga :))

Congrats to eydi :) and to all to the operators and readers of DS , naks!!! Malapit ng mag 1k ang DS!!!!

_________________________________________________

Miyuki Sharlot Parco Mariano P.O.V

"Bah! Gusto ko ng rambutan"

Nagugutom na kami ni Baby.

"Sharlot kakain mo lang ng mangga, rambutan naman?"

Sinusungitan na naman ako ni Lance >_<

Kanina ko pa kasi siya pinabibili ng kung anu-ano.

Late kasi ang pag lilihi ko.

"Lance naman >_< Nagugutom na kami ni baby"

"Tataba ka na niyan Bah, Darating na sila Gail. May dalang pagkain yun"

"Hmmp"

Nataba na ba talaga Ako?

Ang takaw kasi ni baby.

Baby shower ko na nga pala.

5months na si baby at lalaki ang anak namin.

Sabi nga ni Gail ay ipagkasundo na daw ang mga anak namin.

Nanganak na si Gail.

Babae ang anak nila kaso ni isa sa kanila walang kamukha.

Ewan ko ba kay Bessy kung sino pinaglihian.

Basta ako gusto ko si JL ngayon.

Siya nga ata ang pinaglilihian ko >_<

Pero maganda naman siya, wag lang sana mamana ng anak namin ang kamalditahan niya.

*poot poot*

"Bah, sila Bessy na ata yan"

"Bah ikaw na ang magbukas, nagluluto pa Ako"

Sigaw ni Bah yan, nagluluto kasi siya ng pagkain.

Ayoko nga >_< tinatamad Ako.

"Bah, mapapagod si baby pag tumayo kami"

Saka ang ganda kaya ng pinapanood ko.

Spongebob.

"Hahahahhaha------"

"Humanda ka sa akin bah pag nakapanganak ka na"

Si Bah talaga >/////<

Bakit kasi kailangan pang bumulong?

Tapos ang husky pa ng boses niya.

"Bessy!!!!! Ay, bakit naman Spongebob ang pinapanood mo?"

"Ang cute kasi niya Bessy"

"Mas cute ang baby namin dyan"

TToTT

Pinatay ni Bessy yung TV

"Oh, Hawakan mo siya ng matuto ka na, tulungan ko lang si Lance sa kusina"

"Bess---"

Iniwan na ako ni Gail,

Marunong naman akong mag-alaga ng bata. Ako pa nga nag aalaga kay Aki.

Miss ko na si Aki at Seiji, Nasa Japan sila ngayon.

"Gosh, ang layo pala ng Bahay niyo Mariano"

Si JL ^o^

"Hi Miyuki"

Si Erick. Binigay ko sa Kanya yung anak ni Bessy.

"Hawakan mo muna"

"Gosh, ang taba mo na Miyuki, hahahaha"

Ang ganda talaga ni JL.

Tinititigan ko lang siya.

"Nagagandahan ka sa akin noh?"

Nilapitan ko siya.

"Ahh! Ouch"

"O, anong nangyari?"

"Sinong tumili?"

Biglang sumulpot sila bah at Bessy.

"Ilayo niyo nga sa akin si Miyuki, nanakit siya"

"JL, ang Ganda mo kasi. OA ka, parang kinurot lang kita"

Oo kinurot ko sa pisngi si JL.

"Kaninong tili yun? Abot hanggang labas"

"Oo nga ang tinis pa"

Si Ales at Kysler dumating na.

"JL"

"Layo ka nga Miyuki, ang weird mo"

"Pakurot kasi" ToT

"Ate JL! Ikaw ba yung tumili?"

Si Celina, bakit siya nandito? >_>

"Miyuki, malakas ka bang kumain ngayon?"

Pati ba naman si Jake?

"Malakas kasi kumain si baby"

Nagsidatingan na din yung iba.

Si Dennis kasama niya si Louisa. Si kuya Shizu kasama niya si ate AJ. Pati si Xyla at yung boyfriend niyang si Louie.

Wala pa yung dalawa kong kuya, yung pinabibili ko sa kanila wala pa din.

"I did it my waaaaaaaay~~~"

Ang ingay ni Dennis. Kinakanta niya yung my way. Wala naman siya sa tono.

"Andito na kami"

"Kuyaaa!"

"Hime, pakainin mo na yang si Lavi pumapangit na. Ang hirap kasi ng pinapabili mo, buti na lang gwapo ko"

"Asan na?"

"Bah anu yung pinabili mo?"

"Nagpabili lang naman siya ng hilaw na mangga at ketchup pati mayo"

"Ha? Eh di ba Lance--"

"Shhhh"

Ano yun? Bakit ganyan itsura ni Lance, Ales, Kysler at Xyla.

May Mali ba sa mga pinabili ko?

________________________________________________________________________________

Congrats eydi :))

Ang dami kong natutunan sa SL saga ,na-I-comment ko na ang mga sasabihin ko :)))

Salamat sa mga sinulat mo eydi ^^

Naalala ko ang fave kong FL nung ginagawa ko Ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FanFicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon