HRHG 22: Broken

58.5K 1.4K 32
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

(Maxwell's POV)

Wala sa sariling nagmamaneho ako, at saka ko narealized, nasa harapan na ako ng mansyon ng aking mga magulang. Dali-dali akong bumaba at dumiretso sa kwarto ni Daniela.

Siya naman lagi ang rason ng pagpunta ko sa mansyon ng aking mga magulang. Kung hindi dahil sa kanya, hindi na ako babalik sa walang kwentang mansyon na ito.

"Kuya, ayaw kong sumama. Ayaw kong aalis dito. Gusto ko kasama kita. Please, wag mo akong ibigay kay mommy ..." umiiyak na nagmamakaawa ang kapatid ko pagbungat ko palang sa kwarto niya. Ang mga mata nito, mugtong-mugto at namumula pati ilong dahil sa kakaiyak.

Napag-alaman kong bukas na bukas din ang pag-alis nila ni mommy at wala na akong magagawa. Ang tanging magawa ko nalang ay sumama at siguraduhing nasa magandang kamay ang mag-aalaga sa kanya.

"I will come with you. Hindi ka hahayaan ni kuya na mag-isang sasama kay mommy. I will make sure you're in good hands," pagkokonsola ko rito.

"Kuya, bakit kailangan ko pang umalis? Dito nalang ako," parang batang nangunyapit sa akin ang aking kapatid at parang tinarak naman ang aking dibdib.

"Mas magiging mapadali ang paggaling mo sa Greece, Daniela. Mas makabago ang teknolohiya dun at maraming espesyalistang tutulong sa iyo," pangungumbinsi ko kahit na hindi ako sigurado kung tama nga ba ako.

"Kuya, magaling naman na ako eh!" medyo nagtatampong sagot nito na siyang tahimik na ikinaiyak na naman ng aking puso. Tuwing sinasabihang magpagaling siya, nagtatampo ito. "Ano bang mali sa akin? Ni ayaw niyo pa akong lumabas," nag-umpisa na naman itong magreklamo.

"Kasi kailangan mong magpataba at para bumalik ang dating masiglang Daniela. Ayaw mo ba nun? Yung dating seksing Daniela?" tanong ko rito, pilit pinapagaan ang boses ko kahit na nagsisikip ito habang nakatitig ako sa kanya.

Pinipiga ang puso ko sa nakikita kong pagkakaiba ng Daniela nuon sa ngayon.

"Magugustuhan na kaya ako ni Luciano?" nangingiting tanong nito na ikinatahimik ko bigla at wala sa sariling naikuyom ko ang aking mga kamao. Binitawan ko siya saka umupo sa pang-isahang upuan sa kanyang kwarto. Nakatayo ito na parang batang nakatitig sa akin, ang ngiti nakapagkit parin sa maputla at humpak na mukha.

"Kuya," malambing at mahinang tawag nito na ikinatingin ko sa kanya ulit. "Kagabi, nakapanaginip ako. May nakita akong lalaking nagmamakaawa sa akin. Ang gwapo-gwapo niya at parang kilala ko pero hindi ko matandaan kung saan ko nakita," ngumuso ito saka nagpakawala ng malungkot na buntunghininga.

Bigla naman akong nalito. "Alam mo ba ang pangalan niya?" tanong ko. Umiling ito saka ngumuso. Tinitigan ko lang ito ng biglang natahimik ito na parang nag-iisip.

"Hindi ko talaga maalala eh," biglang sabi nito pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"Siguro, dati kong mga kakklase," sabi nito na ikinatango ko nalang.

"Bakit pala hindi ako pumupunta ng eskwelahan, kuya? At ang dati kong mga kaibigan? Bakit walang pumupuntang bumibisita sa akin?" biglang tanong nito na ikinatahimik ko.

"I'm sure you don't want them to see you in this stare, Daniela. Would you?" Sumimangot lang ito.

Simula ng madisgrasya siya at nalaman naming buntis at nalaglag ang bata, pinagbawalan na ni mommy siyang makipagkita sa mga kaibigan nito at lumabas. Simula nun, lalong naging miserable ang buhay ng kapatid ko. At sa sumunod na pagkadisgrasya niya, unconscious ito ng almost dalawang linggo, at ng nagising, puro nalang Luciano ang sinasabi nito, nagmamakaawa sa aking hanapin si Luciano, na siya ang ama ng kanyang anak. Gusto niyang makita ito, ngunit nalaman kong iba-ibang babae ang ka fling nito at wala itong karelasyong matagalan, ang babae dumadaan lang sa kanyang palad. Para lang siyang nagpapalit ng damit. Kaya naman sobrang galit ko.

Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon