HRHG 24: Proposal

56.9K 1.3K 23
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

(Rissy's POV)

Parang biglang nagbara ang lalamunan ko. Mabilis kong kinuha ang ice tea na inorder nito para sa akin at ininom ito. Ayaw niya akong painumin ng kahit na anong softdrinks pero gusto ko ng ice tea kaya wala narin itong nagawa.

"Pwede bigyan mo ako ng panahon para pag-isipan ito?" habang inilalapag ko ang baso ng nangalahating ice tea.

"Don't take it too long. In a month, mahahalata na ang tiyan mo," Laurent reminded me and he's right. "I don't want you to face the cruel society alone." Nag-aalalang sabi nito and I nodded.

I agree with him. In a month, mahahalata na nga ang tiyan ko. Kahit nga ngayon, medyo may umbok na, nagdadamit lang kasi ako ng mga loose kaya hindi halata pa. Dati kasi super flat ang tiyan ko, dahil narin sa paminsan-minsan kaming naggygym ni Cheska at Lindsey, at dahil narin sa genes ng magulang ko.

"Why are you doing this, Laurent. I still don't understand." Nakatitig ako sa mga mata nitong medyo lumambot na. "You're handsome, only heir to the Canelli conglomerate, bakit gusto mong matali sa isang relasyong walang pagmamahalan? And added to the humiliation, I'm carrying a child?" I furrowed deeply.

Laurent drank the last content of his beer, then he let out a loud breathed. He stared at me, hard, at parang akong sinilihan sa puwit. "You know I came from a broken family. I saw how dad was hurt when my mother cheated on him. Nuong bata palang ako, their story was very inspiring. Pero habang lumalaki ako, the love between them faded, hanggang sa isang gabi, nag-aaway na sila, then I found out, my mother was fucking her own driver.

I realized, love doesn't exist. There's nothing that's permanent in this world. Kung may love man, it will never last. Parang damit lang yan, pag worn out na, palitan na. Minsan pa, konting damage lang, papalitan na agad. Marami na akong nakitang masaya, super kilig sa umpisa, after a few years, maghihiwalay na."

Ramdam na ramdam ko ang bitterness sa bawat katagang binitawan nito. Kung iisipin naman, may tama siya.

Ganun din kaya ako? Makakalimutan ko din kaya siya?

Pero pakiramdam ko, parang mas namimiss ko siya. Pakiramdam ko, parang mas minahal ko siya, imbes na kasuklaman ko siya. Dapat nga, galit ako dahil sa paggamit nito sa akin.

Bigla na naman nanikip ang dibdib ko. Parang sasabog na naman ito sa galit at sakit. "You get my point, Rissy?" tanong ni Laurent. Titig na titig ito sa akin, hindi kumukurap.

"I understand you, Laurent. You are traumatized, but I don't think it will do good for you. Matatali ka sa akin." Umiiling-iling kong sagot. "Paano pag dumating yung panahong nahanap mo pala ang totoong nagmamahal sayo at mahal mo?" tanong ko sa kanya saka sinalubong ang mga titig nito.

Ngumiti ito, confident na confident. "I don't think she'll ever come," he smirks. "I told you, I don't believe in love. I've known you already, Rissy. I like you. I think, we could be perfect together. I know, I can stay in this marriage, and who knows maybe we learn to love each other, if there such thing. At least now, we have that respects for each other. It's a good foundation." Pahayag nito na parang nakikipagnegotiate lang na parang negosyo.

"Then give me some time," naguguluhang sagot ko.

I'm torn between taking advantage of it and for his own good.

Tumango lang ito at hindi na ako kinulit. Panay ang pagpapatawa nito sa akin pagkatapos, at kahit papano, nawala ang isip ko sa aking problema. Siya narin ang naghatid sa akin sa bahay pagkatapos ng aking klase.

Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon