HRHG 28: Hurt

58.9K 1.1K 25
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

(Maxwell's POV)

"LAURENT!" malakas na sigaw ni Rissy ang nagpabalik sa akin. Bagsak si Laurent at kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Rissy.

Nagkakagulo na pero ang mga mata ko nakatutok kay Rissy na parang iiyak habang pilit nitong ginigisin si Laurent. Dumudugo ang ilong nito.

"Masaya kana?" galit na galit nitong sabi, at ang tinging binigay nito sa akin, parang lalong sinaksak ang puso ko.

Madaling nilisan ko ang bar at mabilis na pinuntahan ang aking sasakyan. Sa loob nito inilabas ko ang lahat ng sama ng aking loob. Pinagsusuntok ko ang manibela, walang pakialam sa mga luhang nag-unahang tumulo.

Ang mga kamay ko, nakakuyom ng mahigpit, ang dibdib ko, parang drum sa lakas. Nagsisikip ito, at parang hindi ako makahinga. Mabilis kong pinahid ang aking mga luha at mabilis na lumabas ng aking sasakyan.

Parang may dalawang palad na pumipiga sa aking puso, sobrang sikip nito at hindi ako makahinga. Paglabas na paglabas ko ng sasakyan, mabilis akong huminga ng malalim, at pilit na iwinawaksi ang mga titig ni Rissy sa akin. Pilit kong wag isipin habang kinakalma ko ang aking puso at galit.

Pinagtatadyakan ko ang aking gulong sa sama ng loob, pati ang aking sasakyan hindi rin nakaligtas sa aking kamao sa sobrang sama ng loob ko. Hindi ko narin alintana ang tingin ng ibang andun na mga kalalakihan na nagkukwentuhan at naninigarilyo sa harap ng kotse nila.

Mabilis akong pumasok sa loob ng aking kotse. Hinanap ko sa aking console ang sigarilyong matagal ko ng di ginagamit. Naninigarilyo lang ako pag sobra akong stress, kapag hindi ako nakakapag-isip ng maayos, tulad ng sa oras na ito.

Mabilis kong kinuha ang gold flakes na nakabaon sa console ng aking sasakyan at ang zippo lighter na binili ko pa sa Canada. Sinindihan ko ito saka ako sumandal sa aking sasakyan.

Medyo nahimasmasan naman ako ng mangalahati na ako. Matatapos na ako sa isa ng makita ko sina Wesley at Kristoff na bitbit si Laurent. Napansin kong tumingin si Rissy sa akin pero inignora ko ito. Tinapon ko ang upos ng sigarilyo sa paanan ko saka ito inapakan. Kumuha ulit ako ng isa saka sinindihan ito. Hindi ko pinansin ang mga kaibigan ko.

"Can we talk?" boses ni Rissy. Malamig ito at walang kaemo-emosyon.

"We have nothing to talk about!" malamig kong sagot. Medyo nakayukong humihit ulit ako sa sigarilyo habang ang isa kong kamay nakapamulsa, nilalaro ang lighter ko mula sa loob. Iniiwasan kong tingnan ito.

"What do you want, Maxwell?" pumiyok ito. Humihit ulit ako saka ako tumingin sa kanya sabay buga, kahit sa usok ng sigarilyo, malinaw parin ang kagandahan nito sa aking paningin. Tanging babaeng nakapukaw sa buong atensyon ko.

Siya lang ang tanging nakakapagpagalit sa akin ng husto, nakakapagpatawa sa akin, at nakakapagpaiyak sa akin na ni minsan sa tanang buhay ko, hindi ko naranasan, na akala ko, wala akong puso, na wala akong pakiramdam.

Bigla itong umubo, na biglang ikinatigil ko sa paghithit ulit. Pinapaypayan nito ang usok palayo sa kanya.

"Pwede ba, tumigil ka sa kakasigarilyo. Hindi maganda sa baby—" bigla nitong tinutop ang bibig.

Mabilis ko namang itinapon ang hindi pa nangangalahating sigarilyo ng marinig ko ang sinabi nito.

Baby?

Is she pregnant?

Mabilis namang bumaba ang tingin ko sa tiyan nito. Saka ko lang napansin na medyo maumbok na ito. Hindi na ito kasingpipis dati.

Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon