All rights reserved ©2016 by LoveMishap
⚜⚜⚜
(Maxwell's POV)
"Where is he going?" tanong ko. Hindi sa interesado ako sa kanya, kung hindi kung saan ito pupunta at kung dadalhin nito si Rissy.
"Sa Italy. Dinala daw sa ospital ang lolo niya," mabilis namang sagot ni Kristoff saka ito umikot sa counter at pumasok sa loob ng bar. Kinausap nito si Alan bago ulit ako nilapita, ang counter nalang ang pagitan namin.
He leaned over and whispered. "It's your time to win her back. I don't think Laurent loves her anyway. Alam mo naman yun, bitter parin sa first girl na minahal kaya hindi naniniwala sa love. I'm sure, gusto lang nun ng heir, and of course, nagiguilty din siya kay Rissy. I don't know what exactly happened between them, to be honest, shocked parin ako, but I think, something is fishy. Maybe asked Wes and Vincent," saka ito tumayo ulit ng tuwid.
Bigla naman akong nagkaroon ng pag-asa.
How about the baby?
Ilang linggo na kaya yung baby niya? O buwan ba?
Heir?
Kaya mabilis siyang binuntis ni Laurent?
Mabilis naman akong tumayo ng maalala kong may dinner pala kami ni Electra. "I gotta go, thanks bro. Just put it on my tab," saka ako nagmamadaling umalis. Medyo tipsy narin ako pero kaya ko pang magmaneho.
Natapos ang date namin na wala ako sa aking sarili. Panay lang ang kwento nito, at pigil na pigil na wag itong iwanan. Kanina pa ako naririndi sa kakadaldal nito.
Sa sumunod na araw, katatapos lang ng huling subject ko sa Law 4, bandang alas dos at nagmamadaling sinundo ko si Electra. Mabuti nalang malapit lang sa mall kung saan ang shoot nila sa bagong product na iniiendorso nito.
Ipinakilala na niya ako kay Lucifer pero parang wala lang naman sa lalake. I don't see any recognition na ini-stalk nito si Electra, or baka marunong lang itong magtago ng sinasaloob.
Balak ko sanang ihatid din ito agad sa condo niya ng bigla itong nagsuhestyon na sasama sa akin pabalik sa school. I don't want to bring her to my school lalo na kalat na sa social media na kami na nga and not only that, baka pati si Rissy nalaman narin ito.
Speaking of her, nagselos kaya ito?
Biglang may nabuo sa aking isip.
Why not find out?
I haven't seen her after that night.
"Alam mo bang tinigilan na ako ni Lucifer," maarteng umabrisyete si Electra sa akin habang naglalakad kami sa grounds ng BLLS. Hindi ito tumitingin sa dinaraanan niya. Lumiko kami sa Administration building papuntang canteen habang panay parin ang dakdak nito about Lucifer.
Napansin ko ang nag-uumpukang grupo ng mga kalalakihan. One of them is Hektor Andrade, pinakamatalino sa Engineering.
Rinig na rinig ko ang usapan ng mga ito. "Huwag ka ng umapela, pre." Ang isang matangkad na lalake na nakahawak pa ng raketa ng tennis. I have no idea who he was. "You're out of Cheska's league," sabay tawanan ng mga ito. Ang inaalaska nila, binatukan nito ang kaibigan.
Nagtatawanan ang mga ito at ang iba nagtutulakan. Samantala, hindi parin tumitigila ng bunganga ni Electra. "How about her bestfriend, Clarisse Montevarra. She's hot, dude!" parang biglang nagdilim ang paningin ko. "Balita ko, break na sila ni Maxwell," saka nag-apiran si Hektor at ang maliit na katabi nito. Lalong nagdilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)
RomanceCOMPLETED WARNING: CONTAINS MATURE SCENES, EXPLICIT LANGUAGES, INTENSE SEXUAL OR GRAPHIC VIOLENCE, NOT SUITABLE FOR MINOR READERS. Except: Sinisiguro ko sayo, zaya. Pag ikaw sumuko sa kamanyakan ko, hanap-hanapin mo ako. Parang gusto ko tuloy...