All rights reserved ©2016 by LoveMishap
⚜⚜⚜
(Maxwell's POV)
Naka baluktot ito at ang mukha nito nakaharap sa direksyon ko. Naka sando lang ito at maiksing silk na short na kapareha ng sando niya.
Nakapakaseksi nitong tingnan at bigla namana kong nag-init. Inignora ko ang reaksyon ng aking katawan at mabilis na nilapitan ito. Binuhay ko ang lampshade nito para may konting liwanag at hindi naman ito nagising.
Mabilis kong binalot siya ng roba niyang nakapatong sa settee na nasa isang gilid saka siya binuhat. Alam kong magtataka ang lahat pag wala siya bukas. Tatawag nalang ito paggising niya bukas.
Naginhawaan ako ng hindi ito nagising at isiniksik pa nito lalo ang katawan sa aking dibdib. Ingat na ingat akong bumaba para hindi magising ang mga tao saka maingat ding binuksan ang pintuan. Hirap na hirap ko itong abutin dahil sa karga-karga ko siya, at nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas bumukas din ito.
Medyo namanhid narin ang isang kamay ko lalo na ng hirap kong binuksan ang likod na pintuan ng sasakyan, saka ko siya pinahiga rito.
Hindi naman nakita ng guwardiya ang bulto ng katawan ni Rissy dahil tinted nga ang bintana ko saka madilim pa ito.
"Salamat," sabi ko sa may edad ng gwardiya at sumaludo pa ito.
Nangingiting dahan dahan akong nagmamaneho para hindi ito mayugyog masyado hanggang sa makarating ako sa bahay. Binuksan ko muna ang pintuan bago ko siya binuhat muli at sa wakas, nasa kama ko na ito at himbing na himbing parin ang tulog nito.
Mag-aalas tres na ng madaling araw ng nagpasya akong maligo saka tinabihan siya sa malaking kama ko. Naghihilik pa ito ng mahina at walang kasingsaya ang nararamdaman ko na matatabihan ko na ulit ito at mayakap. Magising na mukha niya ang una kong masilayan.
Malakas na doorbell ang nagpagising sa akin. Nang maalala kong nasa kama ko si Rissy, tulog mantika parin ito. Nangingiting hinila ko ang kumot saka siya kinumutan. Mabilis kong tiningnan ang screen ng camera na nakatapat sa pintuan ko.
Matangkad na lalake ang nakatayo dun at mukhang bouncer din ito sa laki. Naisip ko, siguro ito na yung body guard na pinapakuha ko kay Vincent.
Kaibigan kasi nito ang may-ari ng malaking security agency at kasosyo din nito, pero hindi siya ang may control sa agency.
Mabilis naman akong nagbihis short tsaka puting t-shirt at maingat na lumbas ng aking kwarto.
"Good morning, Mr. Bovarin," bati ng lalaki ng mapagbuksan ko ito. May itsura ito at malakas ang appeal. There's no way siya ang magbabantay sa magiging misis ko.
Biglang nalukot ang mukha ko. "I'm guessing Vincent sent you here?" sabi ko na ikinatango naman niya.
"Lambert Singco, sir" pakilala nito sa sarili.
"My wife is still sleeping. I'll call you when I need you," sabi ko na ikinatango naman nito saka umalis.
Naiinis na bumalik ako sa aking kwarto saka tinawagan si Vincent.
"Nang-aasar kaba?" inis kong bungad ng pagkasagot nito ng tawag. Nasa sala ako ngayon para hindi ko magising si Rissy.
"Anong nangyari?" naguguluhang tanong ni Vincent.
"Bakit kailangan pang kamukhan ni Matt Damon ang magiging bodyguard ni Rissy?" inis kong sagot.
Tumawa naman ng malakas si Vincent. "Ayaw mo nun? Lahat ng nakikita ni Rissy gwapo at maganda. Siguradong gwapo or maganda ang magiging anak," dire-diretsong sabi nito sa nang-iinis na tono.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)
RomansaCOMPLETED WARNING: CONTAINS MATURE SCENES, EXPLICIT LANGUAGES, INTENSE SEXUAL OR GRAPHIC VIOLENCE, NOT SUITABLE FOR MINOR READERS. Except: Sinisiguro ko sayo, zaya. Pag ikaw sumuko sa kamanyakan ko, hanap-hanapin mo ako. Parang gusto ko tuloy...