HRHG 45: Surprise

65K 1.3K 24
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Rissy's POV

"Mukhang masayang-masaya si Maxwell ah?" si Cheska saka nito inalis ang tingin sa papalayong likod ni Maxwell. Inignora ko nalang ito at pinigilang pumula ang aking pisngi.

"Mukhang glowing ang mommy," si Lindsey na sumandal sa sofa, at kumikislap ang mga mata nito tanda ng pang-aasar.

"Syempre," nakangiting sabi ko saka hinimas ang malaki ko ng tiyan. Parehong lumipad ang tingin ng dalawa sa aking tiyan.

"Ilang buwan nalang bago mo ilabas yan," si Cheska. Ngumiting tiningnan ko sila.

"Isa't kalahati nalang," sabi ko.

Tuwing naiisip ko ng malapit ang due ko, sobrang naeexcite ako and at the same time, natatakot.

"Basta ninang ako ha?" si Lindsey.

"Syempre, kaya dapat ihanda niyo na ang mga regalo niyo," natatawang sabi ko.

"Walang problema," si Cheska. "So what's your plan tonight?" si Cheska ulit.

Sumandal ako sa sofa. Honestly, simula ng makarecover si Max mula sa muntikan nitong pagkamatay, hindi pa ako lumalabas na hindi siya kasama. Most of the time, nasa bahay eskwela lang kami. Graduating narin si Max and I hope hindi ito magsabay sa panganganak ko.

"Nasaan na yung cutie mong bodyguard? Nanalo naba siya?" tanong ni Lindsey. kumislap ang mga mata nito. Natawa tuloy ako.

"As far as I remember, yes. There's a ninety percent chance they will win the case. And Aldrin just not a freak, but also an abusive." Huminga ako ng malalim. Hindi ko maisip kung siya ang nakatuluyan ni Daniela. Naninindig tuloy ang balahibo ko. Mabilis ko naman itong iniwaglit sa aking isip.

"Tama lang na pinatay siya, Hindi siya dapat mag-exist dito sa mundo," umiling-iling na sabi ni Lindsey.

Tiningnan ni Cheska si Lindsey. Iba ang ngiti nito. "What?" si Lindsey na nakaarko ang kilay.

"Admit it to me, leydi. You hev a kras on Artemio?" panggagaya ni Cheska sa accent ni Artie at bumunghalit ako ng tawa. Si Lindsey sumimangot. Panay naman ang tawa namin ni Cheska.

"Hoy, wag niyong ganya-ganyanin iyon. Ang balita ko, anak pala iyon ng amerikano," naiinis na depensa ni Lindsey na kumuha ng aming atensyon.

"Ah, kaya pala kahit payat, medyo magaspang ang kutis, may itsura parin naman. Minsan naisip ko, bakit matangos ang ilong niya, malalantik din ang pilik-mata. May lahi palang mestiso," si Cheska pero nakatawa parin.

"So gusto mo siya?" hindi maalis-alis ang ngiti ko sa aking labi.

"Hindi ah!" mabilis namang sagot nito at kita ko sa kanyang mga mata na may gusto ito.

"Paano na si Luis?" si Cheska.

"I broke up with him the other day," sumimangot na sabi ni Lindsey. Parang maiiyak na ito at biglang nag-alala naman kami.

"Ano bang nangyari?" tanong ko.

"Alam niyo na ang mga lalaki, iniwan mo lang, single na. Iba na ang kinakalantiri, huli na nga, nagpapalusot pa!" nanggigil na sabi nito at may kumislap na luha sa mga mata nito.

Bigla namang niyakap ito ni Cheska. "Di bale, mas maraming lalake ang makikilala mo pa, besides, nuon pa man nakita ko ng hindi kayo bagay," si Cheska. Ngumiti naman si Lindsey na parang naginhawaan sa sinabi nito.

Tumango lang naman ako. Gustuhin ko mang yakapin sila, hirap na akong makagalaw sa kinauupuan ko.

Hays, ba't naman kasi ang laki laki kona.

Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon