Sarri 's POV" Riri! Tara na! First day na first day Oh! Baka malate tayo! Alam mo? Parang pag ibig lang---- "
" Sh#t ka Arcie! Wag ka nang humugot! Oo na eto na! Kukunin ko lang bag ko " Pagpuputol ko sakanya saka kinuha yung bag ko. Tsss, umagang umaga kasi humuhugot nanaman ee.
" Ok lang ba itchura ko Riri? Para kasing may kulang pa ee " tanong niya sakin habang naghihintay ng jeep. Tinignan ko naman siya.
" Ehh? Wala naman . Anu pa bang kulang jan? Ahhh alam ko na kung ano ang kulang " sabi ko
" Ano? Dali sabihin mo na!! "
" Tela. Kulang ng tela yang damit mo. Tignan mo naman yang suot mo? High waist na shorts at off shoulder. Buti nakaya mo pa "
Komento ko inirapan lang ako" Wala ka talagang alam sa fashion Riri. Tsk! "
" Aanhin ko namn ang pumorma kung lalamigin ako Diba? Tsaka wala ako sa mood "
" Baduy ka lang talaga sabihin mo " aniya ni Arcie
" Duh! Hndi to baduy. They called it simple . Ngayon lang to kaya wag ka " sabi ko. Anong baduy sa suot ko ? E tanging Sponge Bob na T-shirt at Jeans na hndi Fit at Backpack. Siya ata ang walang taste sa fashion ee.
Di nalang siya umimik at napailing nalang. Dumating na din yung jeep kaya sumakay na kami.
Habang nakaupo sa jeep tumingin ako sa may bintana. Yung parang ginagawa ng mga bata? Yung parang igno ka lang? Yung ganun. Bigla akong nakakita ng babae at lalaki na magkaakbayan. Nilabas ko yung kamay ko saka sila pinakyuhan. Napangisi nalang ako sa utak ko.
" Ading yang kamay mo wag mo ilabas kung ayaw mong paputol " sabi nung driver. Inirapan ko nalang yung driver. Pagbaba namin ni Arcie, pinakyuhan ko sa huling pagkakataon yung driver saka inayos ang sarili ko ..
" Katarantadahan mo Ri ! Kung ano ano ginagawa mo " aniya ni Arcie
" Sus. Tara na di pa nasanay " aya ko sakanya saka pumasok na sa gate.
Habang naglalakad ako may bigla akong nakabunggong babae, napaupo kami sa sobrang lakas nung bungguan.
" Ugh. Shit! Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Ugh.Such a waste of time " sabi nung babae saka tumayo na wala manlang ni isang sorry.Inirapan pa ako ng mga kasama niya. Si Arcie naman mukhan nagulat.
" Ugh . Shit di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Ugh . Such a waste of time " i mimic the girl wearing a red tube na naunang nakabunggo sakin .
" What the hell? What did you just --- Aaargghh !! Omy! What's this? " tanong niya nung may naramdaman siyang basa sa ulo niya. Agad ko namng nakita yung ipot sa ulo niya. Paghawak niya sa ulo niya nagsisisigaw siya na parang tanga . Gusto ko sanang humalakhak kaso wala ako sa mood masakit din ang balikat ko dahil sa gagang to.
" Ano pa bang ginagawa niyo? Arghh. Mga walang kwenta! " sigaw niya dun sa mga kasama niya. Wow may alalay.
" Tsk . Karma " sabi ko saka muling tumalikod at hinawakan yung braso ni Arcie
" Tara na -- ay pota!" Maguumpisa na dapat akong maglakad ng mauntog ako sa matigas . Ewan ko kung ano ito pag kakita ko may lalaki sa harap ko . Alam kong lalaki to kasi matangkad at yung buhok niya. Hindi ko lang maaninag yung mukha niya. Kasi masyado siyang matangkad tapos maaraw pa kaya nakakasilaw . Hindi ko nalang siya pinansin saka lumakad sa gilid niya.
" Oh my god! Ang wafu bess! Anong amoy niya? " kilig na tanong ni Arcie. Kinanang to! Talandi.
" Sus! Kung ikaw lang nakaamoy? Mandidiri ka. Amoy putok . Tsk! "
Pagsisinungaling ko kahit sobrang bango. Pamilyar yung amoy sakin , parang naamoy ko na to. Parang kumirot din yung puso ko dahil dun. Tsk! Dedma nalang.
YOU ARE READING
Falling For That Jerk Again
Random" Sus! Walang pagi - pagibig sakin! Sakit lang sa ulo at Puso yan ! Masasaktan ka lang kung magmamahal ka. " Iyan ang pinanghahawakan ni Sarri Sarmiento pag dating sa pag ibig. Sabihin nating may pagkabitter din siya at minsan ng nakasira ng rel...