X - The Guardian

6.1K 113 1
                                    


(Author)

*BLAG!*

Hindi pinansin ni Earin ang marahas na pagbukas ng pinto ng kaniyang kuwarto at nanatili lang na nakahiga sa kaniyang kama habang nakatulala sa kisame.

Isang galit na galit na babae ang pumasok doon at hinarap siya.

“ANO BANG PROBLEMA MO?!” nilingon lang ito ni Earin na gaya ng dati ay walang mababakas na emsoyon.

“Nadalaw ka, Henra” tipid na sabi niya habang ang babaeng tinawag nitong Henra ay pinipigil ang sariling masaktan si Earin.

Inis na sinipa na lang nito ang table sa gilid ng kama ng dalaga at agad na nasaira ‘yon.

“Alam ko kung bakit ka nagkakaganyan, Katherin. Ang---” napatigil sa pagsasalita si Henra ng biglang siyang sakalin ni Earin.

Nagsukatan ng tingin ang dalawa. Parehong galit ang makikita sa kanilang mga mata.

“Tandaam mo KATHERIN, isa akong Guardian. Mas mataas ako kaysa sayo kahit ikaw pa ang nagiisang apo ng Supreme Guardian. Matuto kang irespeto ang trabaho ko, dahil isang beses pang makialam ka at guluhin ang mga nakatakdang mangyari. Ako ang mismo ang gagawa ng paraan para matuloy ang seremonya ng Chosen Bond. ” puno ng pangigigil na sabi ni Henra at marahas na inalis ang kamay ni Earin sa leeg niya.

“Isa pa Katheri----”

“EARIN! Hindi naman mahirap tandaan ‘yon, diba? Hindi ako si Katherin!” puno ng inis na sabi ni Earin. Hindi naman napigilan ni Henra na matawa dahil doon.

“Akalain mo ‘yon! Nagawa kitang inisin dahil lang sa pagsasabi ng totoo mong pangalan. Hindi ko akalain na may kakayahan ka pa palang maglabas ng emosyon.” natatawa pa ring sabi ni Henra.

Masama ang tinging ibinigay rito ni Earin. Hindi nagustuhan na nawalan siya ng control sa sarili.

“Umalis kana.” mahinahon ngunit puno ng diing sabi niya. Naging siryoso ang mukha ni Henra bago nagsalita.

“Inuulit ko, wag na wag mong guguluhin ang trabaho ko. Kung gusto mong pigilan ang seremonya gawin mo sa alam mong paraan, may dalawa kang pagpipilian; patayin ang taong nakatakda o gawin mo ang ginawa ng ina mo noon. Hindi kita pipigilan na gawin ang mga ‘yan dahil ilan lang yan sa mga nakatakdang mangyari o maaaring hindi rin kung matutuloy ang seremonya.” naglakad si Henra palabas ng kuwarto ni Earin. Pero tumigil ito ilang hakbang ang layo sa pintuan.

“Pero kung ako sayo… hinding hindi ko na uulitin ang pagkakamali ng puno. Marami na ang namatay at nahihirapan nang dahil sa pagkakamaling ‘yon.” Napabuntong hininga si Henra bago bahagyang nilingon si Earin. “Paalam. Sana’y sa muling pagkikita natin ikaw na ulit si Katherin.” tuluyan na itong lumabas ng silid.

Muling bumalik si Earin sa pagkakahiga sa kama habang ang kanang braso ay nakapatong sa kaniyang noo habang mariing nakapikit. Naiinis siya dahil kahit anong pilit niya ay hindi niya parin maitago ang mga emosyong pilit niyang kinakalimutan.

Tuwa. Lungkot. Galak. Takot.

Ang mga emosyong sumira sa pagkatao niya. Mga emosyong naging dahilan para mawala sa kaniya ang pinaka mahalagang tao sa buong buhay niya.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Earin. Ang isa pang nakakapagpainis sa kaniya ng mga sandaling ‘yon ay ang pakikialam ni Henra sa mga plano niya.

Kanina ng nasa presinto siya at pinapanuod ang pakikipaglaban ng mga Wolf88 ay bigla na lang itong sumulpot upang pigilan ang mga nangyayari.

Nang mga oras na ‘yon ay kasalukuyang naglalaban ang grupo ng mga mafia assassins at ang sumpang dragon na si Arako. Planado niya ang lahat mula sa pagbibigay ng impormasyon sa mafia tungkol sa plano ng Wolf88 na pagkuha sa mga droga at ang mga nangyari sa hide out ng Black Cheetah.

She's a Living DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon