Ikaw Lang Talaga

49 6 0
                                    

[Aisha POV]

“Best,nililigawan na ako ni Aidan!!"tuwang tuwa na sabi ni Sarri.Si Sarri nga pala best friend ko.Sobrang saya nya.Note the sarcasm.Hindi naman sa plastik ako eh yung crush ko yung nanliligaw sa kanya.

“Talaga?"di makapaniwala kong tanong.Hindi naman sa di ako naniniwala eh sakin nagpatulong si Aidan kung paano ligawan si Sarri.Tapos gusto rin naman nya si Aidan.

“Yup."ngumiti ako sa kanya.Pinapakita ko na masaya ako kahit deep inside ay nasasaktan ako.Bakit kasi sa dinami rami ng tao sa mundo,bestriend ko pa ang gusto nya?

“Best okay ka lang?"nag-aalala nyang tanong sakin.Yeah,di pa nya alam na crush ko ang manliligaw nya.

“Oo naman.Bakit hindi ako magiging okay?"feeling ko ang sama sama kong tao para hindi sabihin sa bestfriend kong pinagkatiwalaan ako,ng feelings ko.Yung totoo kong feelings.

Feeling ko any time babagsak ang luha ko.Sampung taon.Sampung taon ko syang minahal tapos sa best friend ko lang ang bagsak nya?Unfair naman yun.

“Tara Sarri.Kain na tayo."biglang may umakbay kay Sarri.Si Aidan.Nice naman oh!Mang inggit daw ba?

“Pero si Aisha...."

“Ano ba?Okay lang ako.Sige umalis na kayo.Huwag na rin kayong bumalik."syenpre pabulong ko lang sinabi yung sa dulo.

“Ano?"

“Sabi ko umalis na kayo.Kay Austin na lang ako sasabay kumain."Ay shet!Bakit si Austin pa ang nasabi ko?Sino si Austin?Siya lang naman ang ‘napaka bait' na bestfriend ni Aidan.

“Sige,ayan na pala si Austin."may biglang umakbay sakin kaya pinilipit ko yung kamay nya.

“A-aray!Sakit!Bitaw na!!"sigaw nya habang sila Sarri ay tawa ng tawa.May nakakatawa ba?Binitawan ko na rin yung kamay nya.

“Paano mo nalaman na ako yun?"

“Ikaw lang naman ang walang hiyang umaakbay sakin."

“Alis na kami.Bye!"umalis na sila Sarri at naiwan kami ni Austin.

“Gusto mo pala akong kasabay kumain ah!"nakangisi nyang tanong.

“Ano ka?Peymus?"naglakad na ako palayo pero hinabol nya ako.

“Aisha wait lang!!"

*Garden*

“Ikaw na bahala sa pagkain natin"

“Bakit ako?Maglakad ka para tumangkad ka!"tumingin ako ng masama sa kanya.

“Matangkad naman kasi ako.Sadyang mas matangkad ka lang sakin!"tumawa lang sya.Bwiset to!Yung pagbili ng pagkain napunta sa height ko.Oo ‘napaka-tangkad' ko kasi eh!

“Tumigil ka na nga kundi tatanggalan kita ng laman loob"hindi pa rin sya tumitigil kaya akmang aalis na ako ng hawakan nya ang kamay ko.

“Huwag kang aalis......"tumingin ako sa kanya.Di na ang malokong Austin na nakasanayan ko ang nakikita ko kundi isang seryosong lalaki ang nakatingin sakin,deretso sa mata ko.

“Oy Austin anong gin-AYIEE!!Nagmo moment sila!!"binitawan ni Austin yung kamay ko at nag iwas ng tingin.Feeling ko namula ng sobra ang mukha ko.Shet!!Bakit ba ako......kinikilig?

“Yihee!!"

“Ano ba Aidan,patigilin mo nga yang si Sarri!"sabi ni Austin na pulang pula ang mukha,pati nga ang tenga nya.

“Yihee!Pulang pula na kayo parehasAalis na muna kami ah!TYT!"umalis na sila at naiwan kami.

“S-sorry!"
“Pasensya na!"

Shet!Ang awkward na lalo!Gusto ko ng lumubog sa lupa.

“Sorry!"tumakbo na sya palayo.Ano ba yun?Yung tiponglahat ng galit ko,nag fade away.Ano ba nangyari sakin?Hinanap ko si Austin sa buong university pero di ko sya mahanap.Di daw rin sya pumasok ng klase.Napunta ako sa garden kung nasaan kami kanina.May napansin akong naghahalikan sa gilid ng puno.

“Kadiri naman!Dito pa naglalandian!"nang tumigil sila ay napanganga ako ng sobra.

“Austin..."

Eh si Austin may kahalikang babae....

Nilapitan ko sya at sinampal ng malakas.

“I HATE YOU!"tumakbo na ako palayo habang patuloy na umaagos ang luha ko.Ang sakit kasi eh!

Nakita ko na lang ang sarili ko sa likod ng building namin.Umiiyak at patuloy na nasasaktan.

“Bakit....."

“A-aisha!"narinig ko ang boses ni Austin.Naku naman Aisha,nagha hallucinate na naman ako.

“Aisha..."napasabunot ako sa buhok ko.Baliw na ako.

“Huwag mong saktan ang sarilu mo.Nasasaktan ako"mas lumakas pa ang pag-iyak ko.Naramdaman ko na lang na may yumakap sakin.

“Ano ba?Bitiwan mo ako!"sigaw ko pero di pa rin sya natitinag.

“Nakakainis ka!Bakit mo ako sinasaktan?"pinagpapalo ko sya sa likod at ng mapagod ako ay napayakap na lang din ako.

“Hinding,hindi sasaktan."

“Anong hindi?Eh ang kapal rin ng mukha mo na iwan ako sa garden eh!"kumalas na ako sa pagkayakap nya.

“Binalikan naman kita.Kukuha dapat ako ng panyo dahil umiiyak ka.Tapos pagbalik ko wala ka na!"

“Iniwan mo ako!"

“Hinding,hindi na nga!"

“Sige na nga!"

Lumapit ang mukha nya sa mukha ko.Isang galaw na lang ay magdidikit na ang mga labi ng may maalala ako.

“Hoy may kasalanan ka pa sakin!"dumilat sya at tumingin ng mariin sakin.

“Anong kasalanan?"

“Nakita kita sa garden na may kahalikan.Peste ka may germs na yung labi mo tapos hahalikan mo ko?Mamaya may AIDS yun eh!!"sigaw ko.

“Huh?Kahalikan?"yung mata nya parang nag form ng question mark.

“Maang-maangan huh?"

“BRO!!"biglang may sumigaw kaya napatingin kung saan nanggaling ang boses

“The hell!!"napamura ako ng mahina.Kamukha sya ni Austin.

“Andito na ang may sala!!"nakalapit na siya samin.

“Bro,di mo ko na miss?Hi Ms.Beautiful,ikaw yung sumampal sakin kanina diba?Nagmo-moment kami ng chikababes ko eh!Axel nga pala.Kambal ni Austin."sabi nya.

“Ikaw pala may kasalanan eh!"binato ko sya ng unang bagay na nadampot ko.

“Brutal naman ng girlfriend mo,bro"

“Girlfriend?"tanong ko.

“Hindi pa ba kita girlfriend?"tumingin ako kay Austin.

“Hindi,matuto kang manligaw!"masungit kong sabi.

“Opo!"

“Under ka pala bro eh!"umakbay si Axel kay Austin.Nahihilo ako sa kanila dahil parehas lang ang mukha nila.

“Lul!"

Dumating rin sila Aidan at Sarri.Thanks to Aidan kung hindi nya ako pinapasok sa buhay nya ay di ko makikilala at mamahalin si Austin.

-end-

One-Shot Stories[Compilation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon