Iana's Wish

9 2 0
                                    

*Play I can't cry hard enough*

Therese POV

Papasok na ako nang makita ko sila mama at papa na busy'ng busy sa pag aalaga sa kapatid kong si Iana.

"Ma gusto ko po ng bagong cellphone. "sabi ni Iana

"Anong cellphone anak? Sige bibilhan ka namin ng papa mo pero promise mong magpapagaling ka ha?! "sagot naman ni mama na ikinatuwa ni Iana.
"Ma ako din po. Kailangang kailangan ko po ngayon eh. Nagtitiis na ngalang po ako sa keypad na cellphone Ma eh. "sabi ko kay Mama

"Anak sa susunod nalang yung sayo ha?! Si Iana muna, kasi alam mo naman ang kalagayan ng kapatid mo. Kailangan nya ng mapag lilibangan ng hindi sya napapagod"sabi ni papa.

"Ano ba naman yan! Puro nalang si Iana. Pano naman po ako. Tsk! "padabog kong sabi sabay alis.

Bago ako umalis narinig kong may binulong si Iana kay papa na ikinatuwa nila.Siguro magpapabili nanaman ng kung ano ano yun.Palibhasa may sakit siya sa puso kaya't lahat ng gusto nya ibinibigay nila, habang ako di nila maibigay yung gusto ko. Antagal ko nang hinihiling kila mama na bilhan ako ng cellphone eh di pa nila ako binibilhan,habang sya!Isang sabi nya lang oo na agad sila mama!

Pumasok nalang ako.At kung sinuswerte ka nga naman!Walang pasok,tsk!Ayokong umuwi dahil pag babantayin lang nila ako kay Iana!Pero wala akong magagawa kundi ang umuwi na lang -_- Sayang yung pamasahe!

Pagdating ko sa bahay inaatake nanaman si Iana.Di ko nalang pinansin dahil wala din naman silang pakealam sakin.Dumiretso ako sa kwarto ko at umidlip sandali.Pagkagising ko nasa tabi ko si Iana,naka ngiti sya sakin habang sinasabi nyang bibilhan daw sya ng cellphone ni mama.Dahil sa hindi na ako makapagtimpi sinigawan ko na sya.

"Iana!Narinig ko kanina!Oo!Lagi namang ikaw ang sinusunod nila diba?Lahat ng gusto mo binibigay nila!Eh habang ako?Wala Iana wala!Sana nga natuluyan ka na kanina eh para wala na akong kaagaw kila mama at papa!Para ako naman ang bigyan nila ng atensyon!Bat ka pa kasi nabuhay huh?Puro lang naman paghihirap ang naabot namin sayo!Wala ka na ngang silbi,pinapahirapan mo pa kami!"Sigaw ko sakanya.

Umiiyak lang siya at tumakbo sa labas.Tsk!Pake ko ba!Dapat lang yun sakanya!Nakaka asar!Gagala nga muna ako,ayokong makita si Iana.Nag paalam ako kay mama,siguro di nagsumbong si Iana kaya di galit si mama.Nakita ko si Iana na nagsusulat sa kwarto nya.Ano nanaman kaya yun?Listahan ng mga ipapabili nya.Tsk!Maka alis na nga.

Lakad dito.Lakad doon.Tingin tingin.Window Shopping.Bili ng pagkain.Umupo sa swing sa may park at hinintay kong lumubog ang araw at umuwi na rin ako.

Matutulog ako ng maaga dahil kaarawan ko na bukas.Siguro naman maghahanda sila mama ng sorpresa para sakin.Tuwing birthday ko lang naman sila naghahanda at nag eeffort para sakin.Kaya gusto ko ng matulog at ayaw kong makita si Iana.

Pag gising ko angsaya saya kong bumaba,inaasahan kong may sisigaw ng Happy Birthday!Kaso wala eh,walang tao sa bahay.May nakita akong sulat sa ibabaw ng study table ko.

"Anak inatake nanaman ang kapatid mo,pupunta kaming hospital dahil lumalala na sya nak.Hintayin mo nalang kami.Pag uwe namin saka nalang tayo mag cecelebrate ng Birthday mo."

Yun ang sabi sa sulat.Nakaka inis naman!Ngayon pa!Ngayon pa na kaarawan ko.Wala akong nagawa kundi maghintay nalamang.Nag sususlat ako ng biglang tumawag si mama.

"An-ak"bungad sakin ni mama na basag ang boses

"Ma?Bakit po?Bat ganyan boses nyo?"

"Anak!Wala na si Iana!"sabi ni mama sa kabilang linya sabay hagulgol.

Bigla kong nabitawan ang cellphone na hawak ko at nakaramdam ng kirot sa aking puso.Nag flashback ang ginawa ko sa kanya kagabi,ang pag iyak nya,at bigla nalamang tumulo ang aking luha.

Agad agad akong tumakbo at pumunta sa hospital kung nasan ang kapatid ko.Pagkadating ko patakbo akong pumunta kila mama habang umiiyak.

"Iana" umiiyak kong sabi habang nasa harapan ko ang wala ng buhay na kapatid ko.Naalala ko lahat ng pinag gagawa at pinag sasabi ko sakanya na sya pang dahilan ng pagtulo lalo ng aking luha.Mahigpit ko syang niyakap.

Habang si mama may iniabot na kahon sa akin.Kahon ng cellphone na may kasamang sulat.

"Yan yung pinapabili ni Iana nak,ibibigay nya dapat sayo yan ngayon"sabi ni mama na patuloy parin sa pag iyak.

"Yan yung ibinulong nya sakin.Sabi nya secret lang daw namin na ibibigay nya yan sayo"sabi naman ni papa na di narin napigil ang pag luha.

Agad kong binasa ang sulat.

"Dear Ate,
Ate sayo ko po talaga ibibigay ang ipinabibili kong cellphone kila mama.Alam ko po kasing pag ikaw ang humingi hindi ka nila pag bibigyan kaya naisip ko pong ako nalang humingi pero sayo ko po talaga ibibigay.Sorry ate at nabuhay pa ako,sorry din at naging pabigat ako sa inyo.Pero hayaan mo ate huli na po ito.Mahal na mahal kita ate kayo po nila mama at papa.HAPPY BIRTHDAY ATE!
Iana ^_^"

Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak at umiyak nalamang.Nag sisisi ako sa aking mga nasabi.Ngunit sabi nga nila nasa huli ang pag sisisi.
Iana kung nasaan ka man.Mahal na mahal ka ni ate :'(

THE END.

--------
A/N:Salamat kay Jhezarie sa pag gawa ng cover.😘😍
Hope you like it😊
Vote.Comment.Share
Ciao*le wave*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Iana's Wish(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon