Marami ng nagpakatanga rito,marami ang nagpakabobo basta kung saan ka masaya,don ka.Yung tipong wala kang pakialam sa sasabihin ng iba.Minsan Ay nauuntog ka at gusto mo na wakasan,gusto mo ng kalimutan at talikuran,Gusto mo ng mag-move on ngunit heto ka nanaman bumabalik sa kanyang kanlungan.
Ako nga pala si Jolina o jols. 15 anyos palang ako ng akong nagkaroon ng unang pag-ibig.Pag-ibig na hanggang ngayon ay naririto parin,Si Revin o Rj ang unang kinabaliwan ko na halos araw-araw gabi-gabi Ay inaabangan sa kanyang paglabas sa kanilang bahay. Isang gabi ay naglalakad ako na biglang may tumawag sa akin at si Rj nga ito hindi pa ako nakakaupo at bigla nya akong tinanong "may gusto ka daw sakin?" Medyo nagulat ako noon dahil ang pagkakaaalam ko Ay wala siyang alam sa nararamandaman ko para sakanya."Oo,gusto kita" sagot ko.Lumipas ang mga araw Ay walang oras na hindi kami magkasama sa mga habulan.Nang mga panahong yan ay naglalaro pa kami ng habulan,patintero at iba pang larong kalye.Simula noon Ay lagi na kaming magkasama,sumapit ang gabi nang siya'y nagtext "Hi. may aaminin sana ako sayo"sa pagkatext nyang yan ay medyo kinakabahan ako ."ano yun" sabi ko. "Pwedi ba kitang ligawan?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya dahil nag-iisip ako kung handa na ba ako na makipagrelasyon,masaktan,umiyak, at iiwan? Makalipas ang ilang minuto ay sumagot na ako" pwedi q" .Isang buwan din niya akong niligawan at sinagot ko na siya dahil sa isang buwan napatunayan naming mahal talaga namin ang isa't isa,nagpatuloy ang aming magandang samahan ngunit patago lamang kaming nagkikita pagkat hindi pa panahon para ipakilala ang bawat isa sa sari-sarili naming pamilay.Takot na takot ako sa tuwing kami Ay nagkikita dahil sa pamilya ko,sa oras na malaman ito ng aking Ama ay paghihiwalayin kami ni Rj. Lumipas ang maraming araw at hanggang humatong kami sa walong buwan na pagsasama na akala koy madaragdagan pa. Sa kasamaang palad kami ay naghiwalay sa dahilang pagkasawa hanggang sa iniwan na lamang niya ako. Oo masakit,masakit kasi pagkatapos ng walong buwan naming pagsasama bigla na lamang siyang nangiwan sa napakababaw niyang dahilan.Lumipas na ang isang taon bago ko siya nakalimutan nang nalaman kong ang lalaking hinahangaan ko simula grade 8 ako ay kamag-aral ko pala.Nagulat ako at sumaya nang makita ko siya na naglalakad,walang araw na hindi ako nagpapapansin sakanya hanggang sa humantong na napapabayaan ko na pala ang aking pag-aaral.Isang araw pumasok ako at sa wakas napansin din ako ng crush ko na si Lester simula nung kilala nanamin ang isa't isa ay lagi narin kaming magkausap kasama pa ang iba naming kaklase hanggang sa naging magbebestfriend kami.Dumaan ang mga ilang araw na nagkagusto narin siya Saakin,hanggang sa niligawan ako at isang linggo Lang nang siyay aking sinagot.Iba ang nararamdam ko para sakanya kumpara sa una kong kasintahan,Hindi ko alam kung bakit pero ang tanging alam ko lamang Ay Mahal ko talaga siya. Tumagal ang ang aming pagsasama hanggang isang araw ay lilipat na ako ng skwelahan sa susunod na pasukan . Simula non lagi nalang siyang tahimik sa tuwing kami magkasama,kung ako Lang sana ang masusunod mas gugustuhin ko siyang makasama ngunit may takot din ako sa magulang ko hindi ko sila kayang suwayin. Dumating yung araw na sa maynila na Talaga ako mag-aaral at maninirahan.Walang araw na Hindi ko siya iniisip,halos siya narin ang maisagot ko sa aming pagsusulit sa skwelahan. Gabi gabi magkausap at nagkakamustahan,sobra akong nangungulila sa mga halik at yakap niya,Hanggang tumagal tagal pa ang aming pag-iibigan na kahit nag-aaway Ay hindi parin naghihiwalay. Sa kasamaang palad humantong kami sa away na akala koy masusulusyonan pa,nang mabalitaan ko na may babaeng umaaligid sakanya sobra akong nanggigigil noong mabalitaan ko iyon. Nakipaghiwalay ako sakanya at Hindi nagparamdam ng ilang araw at nang malaman kong wala pala siyang kasalanan nalaman ko kung gaano ako kahalaga para sakanya at para gawin yun.Lahat ng nabalitaan ko Ay pawang kasinungalingan lamang pala,sobra akong nagsisi at nag-iiyak na nang dahil sa maling akala nagwakas ang aming pagmamahalan. Araw araw akong umaasa na sana mapatawad pa Niya ako sa lahat ng nagawa ko . Umaasa ako na kami muling magsasama at ibalik ang dating tayo,at lagi ko siyang kinukulit ngunit huli na nang biglang nyang sabihin na "Tigilan mo na ako dahil Hindi na kita Mahal" Sobrang sakit ang binitawan niyang salita simula nun lagi akong umiiyak at nagkukulong sa kwarto at halos pabayaan na ang sarili. Makalipas ang 2 taon bago ko nakalimutan lahat ng sakit na pinaramdam Nita sakin simula nun itinuon ko ang akin pansin sa pag-aaral magkaroon ng mga kaibigan at nagagawa nang tumawa.Pagkatapos kong makalimot sa lahat ng sakit na dulot niya nakatanggap ako ng mensahe galing sakanya "Gusto ko sana magsorry sa lahat ng nagawa ko sayo :( sana mapatawad mo ako sa mga nasabi ko",ako naman si Tanga "wala na yun pinapatawad na kita". Simula nagparamdam siya sakin unti unting bumabalik ung pagmamahal ko sakanya,Oo Mali,Oo sinaktan niya ako pero mahal ko parin pala siya at wala naman siguro masama kung tatanggapin ko ulit siya.Simula non unti unti kaming bumabangon sa madilim na nakaraan at nagsisimula sa panibagong simula ng aming pagmamahalan.