Chapter 1

36 1 0
                                    

Ang sakit ng balakang ko. Grabe nakakapagod mag trabaho dito sa bukid pero kailangan para sa ikabubuhay naming mag-ina.

"Idia, nahatid mo na ba si Caden sa school ha? " tanong sakin ni auntie Saleng. Siya na ang tumayong ina ko simula nung napadpad ako dito sa Greenville Valley, kapatid siya ng yumao kong ina. Mabait si auntie nung baby pa lang si Caden siya nag aalaga kapag kailangan ko mag trabaho dito sa bukid.

"Oho auntie" sagot ko habang nagtatanim ng mga gulay. Amoy araw at pawis na ko pero kailangan mag tiis. Masaya naman mag trabo dito sa bukid eh kasi mababait yung mga kasama ko.

"Mabuti naman, oh siya tigil mo muna yan at sumalo ka na dun sa amin sa hapag" tawag sakin ni auntie, simple lang ang pamumuhay dito sa amin. May mailapag lang na kanin at gulay o isda para sa tanghalian masaya na kami. Ganto talaga ang buhay probinsiya.

Tinigil ko muna ang aking ginagawa at lumapit sa aking mga kasamahan para makidalo na rin sa hapag kainan.

"Bukas dadating na yung abogado na pinadala ng gobyerno para matulungan tayo sa lupain na ito" sabi ni mang Domeng. Siya ang aming kapitan dito sa lugar na ito. Gusto na kasi kuhain ng may-ari ang aming sakahan pero wala naman maipakitang documento o titulo na nabili niya na ito at isa pa hindi talaga kami papayag dahil ito na lang ang ikinabubuhay ng bawat pamilyang nakatira dito.

"Sana naman magaling yung abogado na ibinigay sa atin, dahil kawawa naman tayo kapag nakuha to ng masamang tao na yun! " sabi ni aling Seda. Masama talaga yung tao na gusto kumuha nito, biruin mo nung isang araw gusto kami ipabugbog duon sa mga tauhan niya.

"Balita ko gwapo daw at magaling talaga yung abogado na yun, galing syudad daw yun" kinikilig na sambit ni Riffy.

"Nakakaloka ka Riffy, pagdating talaga sa mga ganyan unang-una ka" sabi ko habang tumatawa, at nag tawanan naman yung iba. Hay simula nung dumating ako dito sa Greenville Valley hindi na ako bumalik ng syudad, dahil aminin ko man o hindi ibang-iba talaga yung mga tao dito sa bukid kesa sa syudad. Sa pananamit, sa pagsasalita at higit sa lahat kung paano sila makipag kapwa kaya kahit anong mangyari hinding-hindi na ako babalik ng syudad.

"Idia, asan na nga pala yung ama ni Caden? Tinakasan ka ba? " nabigla ako sa tanong ni aling Seda. Bigla akong napatigil sa pagkain at ramdam ko ang pagtitig nila sakin na para bang hinihintay nila ang aking pag sagot.

"Uh-uh patay na po eh" sabi ko na lang. Dahil hindi ko kayang maglahad ng kahit anong kwento.

"Ah ganun ba, sorry ha" sabi ni aling Seda.

"Hindi ko naman sinasadya eh" narinig kong bulong ni aling Seda.

"Uh sige po, mauna na po ako" sabi ko at umalis duon, dahil ramdam ko na malapit nang tumulo ang luha sa aking mga mata. Ramdam ko pa rin yung sakit. Yung sakit na wala akong karapatang mag reklamo kasi ito ang pinili ko. Aaminin ko pinagsisihan ko ang desisyon na ginawa ko pero hindi rin ako nagsisi kasi alam kong ito ang makakabuti sa kaniya. Pumasok ako sa aming bahay at dito ko binuhos lahat ng luha. 7 taon na ang nakakalipas simula nung iwan ko si Terrence pero andito parin yung sakit. Labis na kong nangungulila sa kaniya pero kailangan ko nang panindigan to dahil ito ang ginusto ko. Bakit ba kasi kung kailan malapit na maging okay ang lahat. Kala ko magiging masaya na kami kasi malapit na kaming ikasal.

Inaalalayan ako ni Terrence habang naglalakad at may piring ang aking mga mata. Kinakaban ako dahil hindi ko alam kung ano nanaman ang pakana ng isang to. May naririnig akong pagtugtog ng malamyos na musika. Huminto na kami ni Terrence.

"Close your eyes muna kapag tinanggal ko yung piring sa mata mo ah mahal" bulong ni Terrence sa akin at tumango naman ako. Pag tanggal ng piring sa mata ko.

"Will you marry me Arkidia Dela Torre? " sabi ni Terrence habang nakaluhod. Hindi ko alam pero may buhay ata ang mga luha sa mata ko kasi bigla na lang silang nagsituluan. Sa sobrang galak hindi ako nakasagot kay Terrence at tumango na lang ako. Sinuot ni Terrence ang singsing sa akin at biglang niyakap.

"I love you Arkidia" sabi ni Terrence habang may mumunting luha sa mga mata.

"Terrence may sasabihin din ako" sabi ko habang patuloy pa rin ang pag luha. Nagulat na lang ako nang biglang bumagsak si Terrence.

At yun yung araw na na-hospital siya at nalaman ko na may brain cancer siya. Para bang gumuho ang mundo ko ng mga araw na yun.

Naramdaman ko na lang na may yumakapap sakin.

"Bakit ka umiiyak mama? " tanong ni Caden sakin, nakauwi na pala tong bata na to.

"Wala, napuwing lang si mama, kain ka na tapos tulog ka na ah"sabi ko at tumango naman siya.

Habang pinagmamasdan kong matulog si Caden nakikita ko si Terrence sa kaniya. Halos lahat nakuha niya kay Terrence, yung bibig lang ata sakin haha. Hinaplos ko ang mukha ni Caden.
"Anak, sorry ha, kung walang maipakilalang papa sayo si mama" sabi ko at hindi ko mapigilang mapahikbi. Pinunasan ko na ang luha sa aking mata at tumabi na kay Caden. Sana dumating yung oras na kaya ko nang harapin ang realidad pero sa ngayon susulitin ko muna ang bawat oras na masaya ako kasama ang anak ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AMARANTHINE LOVEWhere stories live. Discover now