Sayawan, hiyawan at kantahan. Ganito palagi ang mga gabi ni Jovel. High School Student palang kung ituring ngunit kapansin-pansing sa murang edad na 16 ay marunong na siyang mag-clubbing.
"El, ano na? Matagal pa ba??" tanong ni Jovel sa kanyang kaibigan.
"Saglit lang at tatapusin ko lang 'to," sabi ng kanyang butihing kaibigan habang nilalagok ang kahuli-hulihang baso ng kanilang inumin.
"Hahanapin na ako ni Kuya. Paniguradong sermon na naman ito kung saka-sakali." sagot nya dito sabay tingin sa kanyang relo, "oh tingnan mo at mag-aalas onse na ng gabi.".
"Hindi ka pa ba nasanay? Parang baguhan ka palang kung makapunta dito ah! Tsaka yung panenermon nya, di ka pa ba na-iimmune?" litanya ni El.
"Huli na daw 'to. 'Pag nalaman nya na namang nagpupupunta ako rito, grounded na nga ako, eh i-kacut nya rin ang baon ko. Kaya tara na!" sabay hila sa kanyang kaibigan.
"Saglit lang! Saglit lang! Ang bag ko nakalimutan sa upuan natin, kukunin ko lang. Hintayin mo ako rito ha!" sabi ni El sabay dali-daling alis.
"Bilisan mo naman." sigaw nya rito.
"Ano ba naman 'to. Naiihi na ako."maktol niya. "Ah bahala na muna siya. Pupunta na lang ako saglit sa banyo." himutok nya.Habang papunta siya sa banyo eh may nakasalubong siyang limang lalaki. Puro lasing at amoy alak na ang mga hininga.
"Uyy! Ganda naman. Halika ka, upo ka rito sa kandungan ko at mag-iinuman tayo." sabay turo ng lalaking may katabaan sa may bandang lap niya. Tinutudyo rin siya ng mga kasamahan nito.
"Pasensya na po kayo. Hindi po ako ganyang klase ng babae. Mag-siCR lang po ako. Makikiraan lang po." bakas ang takot sa mukha ni Jovel habang tinatahak ang daan papuntang CR.
"Wag ka munang umalis. Saktong sakto ka. Bata, makinis at balingkintan ang maputi mong katawan." sabi naman ng may kapayatang lalaki na siyang nagharang ng kantang daanan at humablot sa kanyang kamay. Akmang hahalikan na sana siya ng lalaki kaya napasigaw na siya.
"'WAG PO! 'WAAAAGGG!!!" pagmamakaawa niya at napapikit na lang sya ng kanyang mata. Habang nakapikit, nakaramdam na lang siya ng mga tunog na waring may nagsusuntukan. Pagmulat niya ng kanyang mata ay nakita na lang nya na ang kanyang Kuya Niño na nakikipagsuntukan sa mga lalaking nangbastos sa kanya.
Pagkatapos ng mga nangyari ay hinila siya eeng kanyang kuya palabas ng club. Nakita nya si El sa may labasan na malungkot at parang nahihiyang tingnan ang kanyang mata.
"Sorry." bulong ng kaibigan nya sa kanya at naghiwalay na sila ng landas.
"Kuya, sorry po talaga." hinging paumanhin niya rito.
"Huwag ka ng magsalita at maglakad ka na lang. Sa bahay nalang tayo mag-uusap." puno ng awtoridad na sabi ng kanyang kuya.
Maiyak-iyak siyang naglakad lakad. Nakatawid na ang kanyang kuya at siya naman ay nakayuko lang habang tumatawid kaya't hindi nya napansin ang paparating na rumagasang truck.
*Beep* *Beep*
Tiningnan niya ito at napasigaw.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!" sa muling pagkakataon ay napapikit siya.
Hindi niya namalayan na parang may tumulak sa kanya at naupo sa gilid ng kalsada.
*Booooogshhh*
Tumayo siya at napatayo. Napatakip na lang siya ng kanyang baba ng makita nya ang kanyang duguang kuya, nakahilata sa malamig na kalsada..
"Hindiiiiiiii!! KUYAAAAAAAA!!" hagulhol niyang iyak..
=====
Hello po dear readers. Please po paki VOTE, COMMENT and SHARE... Follow nyo rin po ako.The Accountant😇
BINABASA MO ANG
A Brother's Sacrifice
RomancePagmamahal... Paano nasusukat ang pagmamahal? Sa pagbibigay ng mamahaling bagay? O sa mga pagkakataong nakakatulong ka at napapasaya mo ang isang tao kahit na walang binibigay na kahit anumang materyal na bagay.. Pagsasakripisyo... Hanggang saan aab...