Elemental Guardians Of Misca: Chapter 02

4 0 0
                                    


EGOM: Chapter 02: The History Battle

3rd person's POV

Hinugot agad ng dark king ang kanyang espada at sinugod ang apat.

Naghanda ang apat at sumugod na rin. Nagpalabas sila ng kani kanilang kapangyarihan.

Tumigil sa pagtakbo pasugod ang dark king at tumigil sa gitna. Napatigil rin ang apat sa pagsugod.

"Hindi naman ata patas ang labanan kung apat laban sa isa. Masyado ata kayong madaya" sarkastikong saad ng dark king.

Pagkatapos sabihin iyon ng dark king bigla na lang naging apat ang katawan ng dark king.

"Now the battle is equal, lets begin the battle" sabay sabay na sabi ng apat na dark king.

"Apat na dark king.. Ang creepy ha.." Sabi ni agua.

Terra's POV

Nang humarap ang dark king sa akun agad siyang umatake. Hawak ang isang espada nasa tansya ko ay isang metro ang haba.


Iwinasiwas nya ang espada nya pahaba sa akin. Naiwasan ko ang atake nya. Then he is trying to attack me again with his sword. Alam kong gagawin nya ulit ang atakeng iyon kaya nagpalabas ako ng earth sword.

Pinagpatuloy nya ang pagwasiwas sa akin gamit ang kanyang espada. Hindi ako nakakasugod dahil tuloy tuloy ito sa pagsugod. Ilang saglit lang ay nagkaron ng bitak ang espada ko. Nawala ang konsentrasyon ko at hindi ko namalayan na iwawasiwas na nya ang espada nito. Pero nagawa kong isangga ang earth sword ko ngunit nabasag na ito.

Mabilis akong umatras ng dalawang hakbang at nagpakawala ng earth wall sa harapan nya para masangga ang atake nya.

Kasabay nun ay mga earth daggers na ipapatama ko sa kanya. Pero imbis na ilagan nya sinalubong nya ang mga ito at pinagtataga isa isa.
Nakita ko syang ngumisi

Nainis ako sa ginawa nya kaya hindi ako tumigil sa pag atake. Gumawa ako ng earth spikes sa ilalim ng lupa patungo sa kanya.

"Too slow.."saad ng dark king na may pangungutyang tono habang abalang iniiwasan ang mga earth spikes ko.

Pagkatapos nun, sya muli ang umatake sa akin. Hiniwa nya muli ang espada nya sa hangin at may mga itim na blades na bigla na lang lumitaw. Ito ay patungo sa direksyon ko.

Mabilisan akong gumawa ng earth wall sa harap ko para sanggain ang atake pero ang panangga kong ginawa ang nasira. Sa pagkasira nito, tumambad sa harapan ko ang Dark King na nakaposisyon na para itaga ang espada sa akin.

Umilag ako pero nagawa parin nya akong patamaan sa kaliwang braso. Ngayon ay tumutulo sa aking braso ang sariwang dugo.

Paano ko matatalo, ni hindi ako makalapit sa kanya. Think terra think. Arghh, bahala na nga.

Tiningna ko ang mga kasama kong sina Aero at Agua. Natalo na nila ang kllaban nila. Si Pyro ay mukhang nahihirapan. Siguro ang kaharap nya ang totoong Dark King.

Hinarap ko ulit ang kalaban ko, natayo lang ito at pinapanood ako na nahihirapan. "Tatanggalin ko ang ngisi sa labi mo." Sa isip ko.

"Terra, let me heal your wound. And Aero help Pyro mukhang nahihirapan na sya" agua said.

Then while Agua is healing my wounds. Gumawa ako ng mga Rock Golems at Rock Ogres para abalahin ang atensyon ng Dark King.

"Mukhang nahirapan ka sa isang impostor na yan ah" pang aasar ni Agua kay Terra. Magrereact na sana ako nang makarinig kami ng pagsabog. Paglingon namin ay may papuntang dark blades sa direksyon namin. Sakto at natapos na ni Agua ang panggagamot nya sa akin at nailagan namin ang atake nya.

Elemental Guardians Of MiscaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon