May isa pa akong completed na story, MATURE CONTENT na talaga. :)
Title: ADDICTED TO YOU (Click the external Link)
==========================================Secret 10
KYLER’S POV
Wait. Is she crying?
“Mom.. I miss you..” hala nagdadrama. We’re making out tapos ganito. She’s really crying now.
Nasapo ko nalang ang noo ko. I have to restrict myself from touching her. Tinulak ko siya ng marahan para mapahiga sa tabi ko. Isinuot ko na rin sakanya yung tshirt na nadampot ko. This isn’t the right thing to do. Especially kung hindi naman niya alam ang ginagawa niya.
So pag hindi siya lasing push lang?
Damn. Ang weird na consensya ko!
Kinumutan ko nalang siya at hinalikan sa noo bago lumabas ng kwarto ko.
Matulog ka ng mahimbing.
----------------------------------------------
EMERALD’S POV
Hngggggg! Nag-unat unat ako. Medyo masakit ang ulo ko. Paano kaya ako nakauwi?
-___-
O___-
-____O
O________O
*tingin sa paligid* o(<_< ) ( >_>)o
*tingin sa ilalim ng kumot*
Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng kwarto. Sinilip ko din ang sarili ko sa ilalim ng kumot. Tshirt lang ang suot ko tapos nasa kwarto ako ni Kyler?
“KYAAAAAA!”
Agad namang bumukas yung pinto ng CR at iniluwa nito ang isang nakatapis na Greek God. Hala!
Binato ko siya agad ng unan. “ANONG GINAWA MO SAKIN!?” para akong nakalunok ng megaphone dahil sa lakas ng boses ko.
Nagulat naman ako at napatakip ng sarili gamit yung kumot nang biglang lumapit sa akin si Kyler at umupo sa tabi ko. Di lang yun! Hinawakan niya pa yung pisngi ko.
“You forgot what we did last night? “ sabakan niya pa ng malungkot na ichura.
O______O
The next thing I knew, HE’S LAUGHING OUT LOUD.
“HAHAHA you should’ve seen your face!” he managed to say habang hawak hawak niya yung tiyan niyang namimilipit.
Agad akong tumayo sa kama at hinampas yung noo niya. “CHE! LECHUGAS KA SA BUHAY!”
Hindi pa rin tumitigil sa pagtawa si Kyler ng umalis ako. NAKAKAINIS TALAGA SIYA! Nagpunta nalang ako sa kwarto ko para maligo at magbihis. Kanina ramdam ko yung hangover pero nung makita ko yung pagmumukha niyang nakakainis nawala yung sakit ng ulo ko! Gusto ko ng lumabas at pumasok sa school! UGHHH!
Pagkalabas ko ng kwarto ko, naabutan ko pa sa may pintuan si Kyler.
“Pumunta ka sa clinic mamaya. Hindi pa tayo tapos.” Seryoso niyang sabi sabay alis.
“Pumunta ka sa clinic mamaya. Hindi pa tayo tapos.”
“Pumunta ka sa clinic mamaya. Hindi pa tayo tapos.”
“Pumunta ka sa clinic mamaya. Hindi pa tayo tapos.”
Hindi pa tapos saan? Erase that dirty thoughts Emerald.
BINABASA MO ANG
My Secret Love Master (completed)
General Fiction[Warning : Rated MILD SPG] BOOK 1 What if may biglang dumating na package sa bahay niyo tapos hindi ka prepared kasi T-SHIRT lang ang suot mo?! Ano kayang maaaring mangyari pag nagsama ang isang secretly extreme pervert at isang sexy model sa iisan...