Yapos...

44 1 0
                                    

Harot Huwebes Entry
Prompt: Hands

***

Magkadaupang palad...
Habang mga labi mo'y sumasadsad
Dito sa katawang hubad
Sa magkabilang bundok
na tanging ikaw lang ang makakaarok.

Dalang init ay hindi matupok.
Maging tubig sa talon na bumubulusok.
Labi mong mapupusok.
Gigil na pagsabunot sa iyong buhok.
Paglagok..

Lalamuna'y nanunuyot
unti-unting pagkalimot.
Mga hita sa leeg ay nakapulupot.
habang ninanamnam ang mumunting bubot.
Kilabot...

Dumadaloy sa gulugod.
Sanhi sa pag-arko ng likod.
Sabay sa panginginig ng mga tuhod.
Kasunod ay banayad na paghagod
ng bawat balakang.

Pasulong..pasalang..
Mabilis..marahan.
Mga daing na salitan.
Bibig na nakaawang
Pagkuyom ng laman
Pagtatapos ng laban.

Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon