Twenty-eight

33.2K 869 13
                                    

Bored na bored si Ailee habang nanonood ng American series dito sa loob ng kwarto niya. She went home to her parents house dahil buryong-buryo na siya sa unit niya. Limang araw palang ang lumilipas nang matapos ang last show play nila. Ilang linggo pa ang hihintayin niya bago sila tumulak sa US para sa international shows nila.

She's so excited because it's their first international show and it only means that they have an audience abroad. Hindi naman siguro magsasayang ng pera ang administration kung wala namang bibili abroad.

Napabuntong-hininga siya nang mahuli yung bida sa pinapanood niya ng mga pulis. Ang boring naman ng araw niya! Kung nandito lang sana si Vaughn, sana may nabubulabog siya.

Vaughn is in Cebu for a business conference. Three days ito doon at mamaya pa ng gabi ang uwi nito. She called him earlier and asked if what time ito darating.

"I'll be at the airport at 7pm." he answered.

Tinignan niya ang wall clock at eleven palang ng tanghali. Nang maisip na lunch na pala, bigla siya nakaramdam ng gutom. Bumaba siya sa kusina at tinignan ang mga pagkain pero ni isa ay wala siyang nagustuhan. Siya lang din ang nasa bahay dahil nasa trabaho ang parents niya and may sariling condo na rin naman si Marky na malamang ay nasa school.

She grabbed her car keys and called Michelle while opening her car.

"Yes?" bungad nito.

"Busy?" tanong niya rito.

"Not so much. Why? What's up?"

"Bored as fuck. Let's eat. Daan ako sa office mo." sabi niya.

"Okay. Call me when you're downstairs."

Iyon lang at pinatay niya na ang tawag at dumiretso na sa office ni Michelle. Just like her brothers, Michelle is working at her family's company pero sa ngayon dahil kakagraduate lang ay sa mababang position muna ito nag-umpisa.

Hindi naman siya naghintay ng sobrang tagal at iilang minuto pagkatapos niya tawagan si Michelle ay nakita na niya ito palabas ng building. She honked and Michelle went her way and get inside her car.

"Long time no see, actress." sabi nito.

Inirapan niya lang ito na ikinatawa lang namam ng kaibigan niya. They agreed to eat at Kenny Rogers. Michelle said that she was craving for its muffin. Wala naman kaso sakanya since gusto rin niya ang muffins nito.

"How's work?" tanong niya nang makarating na ang order nila.

Nagkibit-balikat ito at kaagad na nilantakan ang pagkain sa harapan. "Mahirap pero sanayan nalang."

"Kamusta naman kayo ni Adam? He's in Cali right now?"

Tumango ito. "Yep. He'll be back by next week. Ewan ko ba diyan sa pinsan mo, napaka-abnoy. Tadtarin daw ba ako mg selfies sa messenger."

Tumawa naman siya. Adam is really quiet and more of an observer when they're together pero pagdating sa girlfriend nitong si Michelle, parang ibang Adam ang makikita mo. Makulit at pilyo. Ang hilig inisin si Michelle tapos kapag napikon ang huli ay todo umamo naman.

"Miss ka na kasi non. Pagtiyagaan mo nalang."

"Ano pa nga ba? Pasalamat siya hindi ko pa siya binebreak no!" pabirong sabi nito.

Siguro kung maririnig ito ni Adam ngayon baka ngumawa iyong pinsan niya. Patay na patay kasi ito kay Michelle. Since highschool palang silang lahat, pansin niya na na iba ang atensyong ibinibigay ni Adam kay Michelle. And then nung college nga ay umamin ito.

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon