Happy 111k+ reads! Salamat talaga!! =)))))))) Love lots <3<3
Maikli lang po ito. Sorry :*
--
I managed to talk.
"Pero Kier..alam mo namang--"
"I know, I know you really love Josh. I just want you to know this. Wala kasi akong mapaglabasan at wala namang ibang dapat maka-alam nito kundi ikaw. Kung hindi ko pa 'to nasabi sayo, feeling ko sasabog ako. Im sorry.." yumuko siya.
"Kier.." niyakap ko siya dahil feeling ko, yun nalang ang magagawa ko. Wala akong maibibigay na kahit ano sa kanya. Kay Josh lang ako. "Makakahanap ka din ng mamahalin mo. Sorry.."
Yumakap naman siya pabalik. Mga ilang minuto din kaming magkayakapan tapos kumalas siya.
"Dont worry, I wont bother you two. Sorry for those stupid acts of mine. Im desperate to get you but.. I realized that I might hurt you and my brother. You know I love you, right? But for you and Josh, I'll bury this feeling of mine. I still got your back. If you need me, I'm just one call away. And dont feel guilty, Aliyah. I'll be okay, though it hurts. Be happy for me. I hope you and Josh will last forever. But when he hurt you, Im still here. BUT! I doubt it'll happen. Haha!" he awkwardly laugh.--
We're on our way to school. Yes, WE. Kasama ko si Kier. Actually, kotse niya itong gamit namin. Kukunin ko pa kasi yung mga gamit kong naiwan sa school. Alas-singko pa lang ng hapon. Private jet ang sinakyan namin pauwi dito para mabilis.
Pagkatapos ng sinabi niya kanina, di na ako nagsalita. Ngumiti lang siya nun tapos binigay sa akin ang cellphone at wallet ko. Lumabas siya ng kwarto at bumalik ulit para sabihin na uuwi na kami.
Pagtingin ko naman sa cellphone ko kanina, 97 missed calls at 189 message. Karamihan galing kay Josh, yung iba kay Trixy at Rachel. Di ko na binasa dahil kinabahan ako bigla. Siguradong nag-aalala na talaga yun sakin.
"Sorry talaga Aliyah, baka mag-away pa kayo ni Josh dahil sakin. Gusto mo ba, ako nalang magpaliwanag sa kanya?" Kier said.
"No, no. I can manage." I smiled at him. Mas naging gwapo at matured si Kier sa paningin ko. Hindi ko alam kung bakit, basta bigla na lang.
"Im sorry.." he said again.
I just smiled.
Pagkapark niya sa school ay bababa na sana ako kaso pinigilan niya ako. Ngumiti lang siya at naunang bumaba. Yun pala ay pagbubuksan niya ako ng pinto. Nginitian ko lang din siya at bumaba.
"Thank you." I said.
"Always welcome. Samahan kita?" tanong niya.
"Ha? Ah, wag na. Ako nalang. Kaya ko naman." sabi ko at naglakad na papapunta sa room.
May mga iilang tao pa ang nandito. Ang ipinagtataka ko lang, bakit nakatingin sila sakin? Yung parang... ewan! Basta. Nagkibit-balikat nalang ako.
Habang naglalakad, napahinto ako at napatingin ako sa garden. Yung garden kasi ay madadaanan mo papunta sa room namin. May ilang estudyante dun na nagliligpit ng mga kalat at kung anu-anong mga bagay. Napatingin sila sa gawi ko at parang nagulat sila. Nagbulungan sila habang nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
Neighbors With Benefits (COMPLETED)
Ficción GeneralThe genre of this story is General Fiction. Contains mature scenes and words that are not suitable for your conservative mind. Ps. UNDER REVISION. Tadtad ng grammatical and typo errors. Napost nadin yung mga BS na nawala. Enjoy reading. :) AliyahxJ...