Thanks to you, Fever!

29 1 0
                                    

Thanks to you, Fever

by: myraein

Copyright (c) 2013

All Rights Reserved

---------- ---------- ---------- ----------

"Get 1/2 lenghtwise. We will have a quiz."  grabe, quiz agad bungad ni Ma'am

"Awwww!"

Ayan tuloy, nagreklamo na ang buong class. Pero syempre, wala naman kaming magagawa eh, alangan naman na hindi kami sumunod, edi bagsak kami. Hahaha!

"Maylourd!"

Huh! Napalingon ako sa right side ko ng may tumawag sakin. Pero yung boses nya, parang nanghihina. Sino yun -.-?

0_0!  Omoo! Ang my labs ko, tinawag ako. Pero syempre, isang malupit na secret ko lang yun. Hehe!

Oo. Matagal ko ng gusto tong ugok na to. Pero alam ko naman, maliwanag pa sa sikat ng araw na isang classmate, rowmate at groupmate lang ang tingin nito sakin. Tss :(

Kawawa naman si ako.  Hahaha! Ang dami kong alam. Bakit ba ako tinawag nito? Ah, baka manghihingi lang ng papel.

Isa nga rin pala akong dakilang supplier ng papel sa row namin. Yaman ko noh ;)

Pero syempre joke lang yung mayaman na part :P

"Bakit? Kailangan mo ng papel?"  sabi ko ng hindi lumilingon sa kanya. Pero pag lingon ko...

O_____O Si Nelson! Amputla. My gosh! Anong gagawin ko?

Agad akong lumipat sa upuan na nakapagitan samin.

"Uy Nelson! Anong nangyari sayo?"  hinawakan ko yung noo nya, POTEK!! Ang taas ng lagnat nya. Waaaahh! What to do?! What to do?!

Hinawakan nya yung kamay ko na nakalagay sa noo nya 0///0 sh*t Pers taym!!!

Pero wait! May lagnat sya?

Oo na nga eh, may lagnat na nga sya. Kailangan paulit-ulit? --.--

Lumingon ako sa paligid. Di pa nila napapansin. Lahat sila busy sa pagsagot sa Trigo. Hindi rin naman kasi kapansin-pansin yung pwesto namin eh, andito kami sa last row tapos malapit pa sa window.

"Maylourd *cough cough* *sniff*"  napalingon ako sa kanya,hawak parin nya yung kamay ko, mas humigpit nga lang. Hala! Kinakabahan ako.

Wala na! Kailangan madala na agad sya sa clinic.

"MA'AAAAMM!"  sigaw habang nakataas yung kamay ko

"Ano ba, Maylourd! Kung makasigaw ka ah!"  nagalit si Ma'am. Pati yung classmates namin napatingin. Aaah! Wala na akong pake kung magalit sya, kailangan madala si my labs sa clinic.

"MA'AM, SI NELSON PO, SOBRANG TAAS NG LAGNAT! KAILANGAN PO NYANG DALHIN SA CLINIC!!"

Bigla namang nataranta si Ma'am ng makitang nanghihina si Nelson na nakasandal sa balikat ko.

Hohoho 0/////0 Ako ay kinikilig ^//^

Psht! Tama na muna ang landi, Maylourd!

"ANO PANG GINAGAWA MO, MAYLOURD! DALHIN MO NA SYA SA CLINIC! Samahan mo sa Sheena!"

Tss. Panira naman to si Ma'am oh! Imbes na kami lang dalawa magkasama, papasamahin nya patong Sheena na to. Eh isa rin tong may gusto kay Nelson eh. Ang pagkaka-iba nga lang namin, sya bulgaran ako, patago.

Tatayo na sana si Sheena nung bigla rin tumayo si Nelson, hawak parin yung kamay ko.

"Hindi na kailangan si Sheena, Ma'am. Sapat na sakin si Maylourd."

Thanks to you, Fever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon