Being The Only Child

251 2 5
                                    

                                            BeingTheOnly Child

Bata pa lang ako, marami na ang naiinggit saakin.

Kesyo raw kasi only child ako, kaya nakukuha ko lahat ng gusto ko.

Kesyo raw kasi only child ako, nasa akin na lahat ng atensyon.

Blah, blah, blah.... Ang dami pa nilang sinasabi, pero ang pinaka gusto nila sa pagiging one and only, ay yung

-W-A-L-A-N-G- -K-A-A-G-A-W-

Nasa akin na nga raw ang lahat-lahat eh, kaya perpekto na raw ang buhay ko.

PERO.....

Diyan sila nagkakamali, hindi perpekto ang buhay ko noh.

At kahit kailan, hinding-hindi ito magiging perpekto.

Diba nga walang perpekto?

Siguro, mga almost perfect lang.

Sa mundong ito, walang perpekto.

Minsan ko nang naitanong sa daddy ko ang bagay na iyan, kung bakit walang perpekto sa mundo.

Alam niyo ba kung ano ang isinagot niya?

"Alam mo anak, tanging ang Maykapal lamang ang perpekto. Isipin mo nalang kung ang lahat ng bagay sa mundo ay perpekto, hindi ba't napakapangit. Mawawalan nang balanse ang mundo, ang mga tao ay titigil nang mangarap."

Iyan ang isinagot nya sa tanong ko.

Pinag-isipan ko ang sinabi nya, tama nga naman siya. Mawawalan ng balanse ang mundo kapag ganoon.

Siguro akala ng mga taong nakapaligid sa akin na masaya maging only child.

Siguro akala nila madali, siguro nga ganoon para sa kanila.

Pero sinasabi ko sa inyo, hindi masaya at madali.

MAHIRAP!!

Sobrang hirap

Bakit ko nasabi?

Simula palang kasi noong nabuhay ako sa mundong ito, nakadikit na sa akin ang mga responsibilities and matataas na expectations.

Kesyo raw kailangan kong gawin ito, gawin iyan.

Kailangan mong sundin ito, sundin iyan.

At maraaaaami pang iba.

Syempre, ako naman itong si mabait na palaging sinusunod ang gusto nila.

Alam mo yung natatakot kang masira ang tiwala at paniniwala nila sa iyo?

Nakakainis lang eh noh.

Haaaaaaaaaaayy....

Buhay nga naman oh.

Ako nga pala si Mikhayla Micana, 16 years old at 4th year high school sa isang private school.

Gaya nga ng sinabi ko, only child lang ako and I am not happy about it.

~~~~~~~~~~~~~

Authors Note: 

Hi po!! ^o^ 2nd story ko po ito and sana po magustohan niyo.

God Bless!!

Being The Only ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon