v(^_____~)v
May program ngayon sa school, kung hindi lang require ang attendance sa hindi na ako dadalo sa mga ganito. Wala naman akong mapapala dito. At ang isa pa sa nakakainis ako lang ang naka uniform, hindi man lang ako na inform na nakafree style pala. Anu pa ba ang ineexpect ko eh wala naman ako kaibigan dito. Pinagtatawanan tuloy ako ng mga nakakakita sa akin. Out of place ang suot ko. Walanjek! Gusto ko na ngang umuwi isinarado na yung gate nung security guard.
Hindi ka kasi basta-basta makakalabas ng school pag walang pahintulot ng teacher. Mahigpit ang school namin, baka kasi kung saan pumunta ang nga studyante at mapahamak or accidente.
Pumunta ako sa laboratory, atleast masosolo ko itong lugar, andami pang makikita na project na pang science. Napatingin ako sa isang garapon na may nakalagay sa loob na fetus ng isang aso yata pero mukhang chimera na nasa anime nakakatakot. Naalala ko bigla si Rod. Mukha talagang aso ang isang yun. Makalait naman akala mo ang ganda ko.
At napansin ko rin na napapalapit ako sa Rod na yun. Sa tuwing nag-iisa ako eh lagi siyang dumadating kahit bubwisitin niya lang ako. Malakas ang pakiramdam kong pinagtitripan niya lang ako. Pampalipas oras at katuwaan lang. Juice ko po, bakit ba kasi ganito ang face ko kaya nabubully ako.
Panget is real....
"Hoy Panget sinong kausap mo dyan."
"AY KABAYO!" pagtingin ko sa gumulat sa akin. Speaking of the Bwi!
"Letche ka! Bakit ka ba nanggugulat buti hindi ko nabitawan itong garapon."
"Haha para ka kasing ewan. Anu bang ginagawa mo dito sa lab?"
"Dinadalaw ko lang yung bestfriend ko."
"Meron ka pala nun? Sino naman ang malas na yun."
"Walanjeck ka, anung tingin mo sa akin hindi tao. Yung model ng skeletal na si bonny ang best friend ko"
"Bonny say 'hi' to Rod ang kabute sa buhay." Ginalaw ko pa yung kamay ni bonny para magwave. Pandi-iling naman siya habang iniikot-ikot yung isang daliri sa may bandang ulo niya.
"Malala ka na, panget na nga nabaliw pa." Sabi niya habang tumatawa, wala na nga yung mata dahil sa kasingkitan... parang ang sarap kumanta ng.....Oh chinito~ chinito~
"Walang pakielaman, alis nga."
"Pero okay lang kung baliw ka, masaya ako dahil parte na pala ako ng buhay mo. Ikaw hah crush mo ko noh?"
"Kelan ko naman sinabi yun, ang kapal nito! "
"Kasasabi mo lang na kabute ako ng buhay mo."
"Ay susko day, negative kaya yun."
"Aray ko nasaktan ang pagkalalaki ko. Pero matanong ko lang wala ka ba talagang kaibigan pati yang kalansay na yan pinagtatyigaan mo?"
"Hindi ko alam kong maiinis ako sa tanong mo eh, para kasing nang aasar lang. And obvious naman diba kita mo ng wala."
"Oh sige dahil mabait ako pwede mo na akong maging kaibigan."
"No thanks kung ikaw lang." Actually ngayon lang may nag offer sa akin ng pagkakaibigan. And knowing Rod, genuine ba ang offer nito?
"Aba choosy pa. Bahala ka nga pagsinagot ka ng skeletal na yan goodluck." Tapos umalis na siya sa laboratory, pinagpatayan pa niya ako ng ilaw. Tae nanakot pa eh.
Simula nung nag offer siyang maging kaibigan ko eh lagi na siyang nakasunod sa akin para lang asarin ako. Inuotusan niya akong bumili ng pagkain niya at gumawa ng assignment niya ang dahilan pa niya pag nagrereklamo ako eh ganun daw ang magkakaibigan. At sinasabi ko ngayon pa lang nagsisisi na ako. Madalas din siyang napunta sa amin, feeling close sa mga magulang ko. Makakain pa sa amin wagas. Akala mo PG (Patay-Gutom) eh ang yaman naman nila. Binobola pa ang luto ni mama. Atsaka pacham lang naman yung luto ni mama. Pachamba-chamba lang. Pagpinuna pa yung luto niya nagagalit may kasama pang lumilipad na sandok. Yan na yata yung tinatawag na frustrated kusinera. Kaya siguro favorite niya si Rod eh, pinagtatiyagaan ang luto ni mama.
"Anak, ano ng status ninyo ni Rod?" Napatingin ako kay mama na nakakunot noo. Seriously minsan hindi ko magets ang nanay ko. Madalas pa niyang tanungin si Rod, kala mo naman eh nakatago sa may bulsa ko. May crush yata itong magaling kung ina kay Rod eh...
"Err friend." Alin langang sagot ko.
"Anung klaseng friend?"
"Friend as in friend, may iba pa bang uri nun?"
"Oo naman, napaka anti-social mo kasi....friend na, bestfriend, close friend, boyfriend ect..."
"Ow, I guess frienemy?"
"Bakit kasi lagi mong inaaway yung tao, buti nga at napakabait ni Rod at nagtityaga sa iyo." Grabe wala ako masabi sa sinabi ni mama. Nakakahiya naman dahil napakabait pala ng lalaking yun.
"Hindi pa ba nanliligaw sayo si Rod?"
"Anu ba naman tanong yan Ma, mukha bang kaligaw-ligaw itong si Pola." Hindi na nga ako nag react paratunigil na ng kadadada si mama, epal naman nitong si kuya Paolo.
"Oo naman, ang ganda kaya ng unica hija ko mana sa akin, Ahmm madami nga lang pimples. Anak naman kasi binili kita ng mga panlagay sa mukha, hindi mo naman ginagamit."
"Tsk, hindi ko kelangan ng ganun ma!"
"Kaya hindi ka naliligawan kasi ganyan ka anak. Mag effort ka naman para sa sarili mo. Hindi ka man lang marunong makinig sa mga payo ko." Tinakpan ko na ang dalwa kong tenga. Nakakaymay na kaya ang sermon niyang blah blah blah.
"Pa, patigilin mo na nga si Mama." Buti pa si papa tahimik lang walang reklamo. Saludo na talaga ako kay papa at napagtatiyagaan niya si mama.
"Honey tigilan mo na nga yang kapupush kay Pola na magkaboyfriend, bata pa naman ang anak mo."
"Hay naku ewan ko sa inyong mag ama, bahala ka anak pag naagaw ng iba si Rodmir." Nilantakan ko na lang yung kinakain ko. Aysus as if naman may care ako. Edi maagaw siya kung maaagaw. Buhay niya yun so bahala siya.
Kaso bigla kong naramdaman na may parang tumutusok sa dibdib ko. Parang taliwas yung nararamdaman ko sa iniisip ko. Hindi ko yata gusto ito.
TBC
BINABASA MO ANG
LOVE LIFE NG NOT SO POPULAR GIRL!
HumorRoyal Brotherhood Series: RODMIR UCHIDA This is a Highschool (Love) life story na pwede kang makarelate...lalo na kung isang studyante ka. Thank you for Reading!!! (^_______________^)v