BULLET'S POV
It was only for a split second. It wasn't even half the time you spend when you blink your eyes. But it was enough for me to feel his lips...pressed on mine.
The sudden "thing" gave me extreme adrenaline rush, and I could almost swear I felt my blood rushing to my head.
Agad kong tinulak si Theo, with the strength that was left in me. After all, the "thing" caused me weak in the knees.
"How dare you!!!" Sa sobrang gulat ko, yun na lang ang naisip kong sabihin.
"I..I just...I...I.....I...."
"You're filthy! Buwisit ka!!! Kadiri!!! Hayop!!!"
Gustong gusto ko siyang sampalin, sipain, suntukin at ibaon sa lupa. Nagngingitngit ako sa galit, sa inis, sa pandidiri. Hindi ko magawa dahil unang pumasok sa isip ko yung consequences: na pag binugbog ko siya ngayon, masisira ang play, magagalit ang adviser namin, at masasayang ang efforts ng lahat ng classmates namin. Pwede ko namang isisi kay Theo ang lahat but it will still put me into a bind, one way or another I would still share half of the blame.
"Pasalamat ka nakacostume ka na dahil kung hindi baka inupakan na kitang unggoy ka!! Magkikita tayo mamayang pagkatapos ng play. Humanda ka unggoy ka." Banta ko. Bago ko pa man tuluyang mawala ang pagtitimpi ko, nagwalk-out na ako.
Lakas ng loob ng unggoy na yun. Ghaaaa!!! Konti na lang baka makasuntok na ako ng ibang taong makakasalubog ko!!
"San ka galing? Magsisimula na tayo. Si Theo? Sabi nila sabay daw kayo umalis." Tanong ni Page.
"Huwag mo ngang banggitin yang pangalan ng unggoy na yun. Isa pa hindi ako Lost and Found." Sagot ko.
"Highblood teh? San ka ba nanggaling?" Tanong ni Kensie.
"Wala. Just don't mind me for now, I'm pissed."
"Oy ano yan, muscle ba talaga yan o dinaan lang sa contour powder?" Tukso ni Kensie kay Milo nang makitang papalapit ito.
"Ano ako bakla para magcontour? Tsaka totoong muscles ito. Hawakan mo para maniwala ka." Sagot naman nung isa.
"Like hell I would. Baka masmudge pa yang contour ng muscles mo. Tsaka kadiri ka ano."
"Okay form a circle everyone. Let's pray na for the success of this play. After this get ready we'll start." Announce ng advicer namin kaya sumunod kaming lahat. Dumating na rin si Theo pero I don't want to see his face.
The more I get aware of his presence, the angrier I get.
After ng prayer namin, kanya kanyang mundo na. Nagperform na yung mga nasa scene 1. Habang yung iba, on standby at isa na ako doon. Si Page nasa tabi lang ng curtain, in case raw na may makalimot ng lines. Si Sean naman nasa may audio and lighting team, ginagabayan sa mga sound effects and spotlights. Si Kensie naman nasa may entrance papuntang backstage na, isa na kasi siya sa mga papasok after ng scene.
"You look like you could kill anyone. Something wrong?" Tanong ni Milo sabay upo sa tabi ko.
"I don't look like one. I really do want to kill someone." And of course I meant that figuratively.
BINABASA MO ANG
Doomsday High : Girls vs Boys (Teen Disputes)
Teen FictionAll hell broke lose nang magkrus ang landas ng tatlong Femme Fatale at ng tatlong alpha boys sa iisang school. Ang inaakala nilang "taas kamay with confidence" sa kanilang mala-first day eh naging DOOMSDAY high pala. Ang Suplado at Vain na si Theo V...