Mandy's pov
Hala! Start na pala ng story namin. Hi. 😉
Ang pangalan ko ay Mandy Gonzales. Nagtapos ako sa isang culinary school. Mahilig kasi akong magluto eh. Nasasarapan naman sila sa luto ko kaya confident ako sa mga nililuluto ko. May kakambal pala ako, si Mavy. Close na close kami ng kambal ko na ito. Kahit ako ang pilya love na love parin niya ako at syempre love ko din siya. Yes! Twin brother ko si Mavy. Hindi niyo naitanong, maganda at gwapo kami. Ahw. Hehe. Kambal kami pero ang opposite ng character namin. Ako kasi yung bubbly na medyo pasaway at siya naman yung tipong seryoso palagi. Hindi na ako nagtaka na ang kinuha niya ay ang Theology. Gusto niya magpari talaga. Para daw pag maging pari na siya ay babait na daw ako. Haha. Ewan. Mabait naman talaga ako eh. Diba Ms. Author? 😇 Pretty please. *[Hmm. Let me think.]
Ahy grabe, pinag-iisipan pa ba yan?"Kambal, bakit hindi pweding dumalaw sayo sa seminary na pinapasukan mo?"
"Bawal kasi ang bisita doon. Maliban nalang kung may meeting o di kaya'y activity na kailangan ng parents o guardian. Bakit mo naitanong?"
"Paano kasi pag-namimiss kita diba, hindi pala basta basta na makakadalaw sayo doon"
"Ay sos. Ang kambal kong oa."
"Ahy, grabe siya. Magpasalamat ka nga dapat kasi may kakambal ka ng ubod ng ganda at ubod ng bait. Hehe"
"Okay na ako sa ang ubod na ganda eh, kasi gwapo naman ako. Alangan naman pangit tayo. Hindi ko naman kequestyunin yun kasi pag ginawa ko para ko naring sinabi sa sarili ko na pangit ako. Haha. Pero questionable yung ubod ng bait eh. Pwedi paki-explain?"
"Minsan talaga nagtatanong ako kung bakit gusto mong mag-pari. Hindi mo kayang suportahan ang pagiging mabait ng kambal mo."
"Hindi kasi namin kayang magsinungaling kambal. Ang lumalabas sa bibig namin ay puro katotohanan lamang."
"Ahy, ewan ko sayo kambal. I hate you."
"I love you too kambal. Hehe"Oo na. Talo talaga ako sa kambal kong seminarista. Dalawang taon nalang ay matatapos na siya sa theology. Magkakaroon na ako ng kambal na pari. Naku! Seryoso na talaga siya? Ayaw niya talaga magkaroon ng lahi. Pinapaubaya nalang daw niya sa akin ang lahi na sinasabi ko. Haha😜
Pero seryoso talaga si kambal sa pagpapari niya. Kaya suportado siya ng pamilya namin.Meron kasing restaurant sina Mommy at Daddy. Dahil nagtapos ako ng culinary, ako na ang namamahala sa resto namin. Ang M2 Restaurant. Ang pagbasa niyan, M squared. Dahil sa initials ng name namin ni kambal ay M.
Pumunta na ako sa M2.
"Kamusta kayo dito Ava?"
Si Ava ang right hand ko sa resto. Pagwala ako, siya ang namamahala. She is a friend of mine.
"Mandy, okay naman dito. Ikaw kamusta na?"
"I am fine Ava. Bumisita ang kambal ko sa bahay namin. At umalis na rin siya pagkatapos."
"Si Mavy, o my gosh! Ang sayang talaga kasi magpapari siya. Hindi man lang niya makikita ang magiging lahi niya. Ang gwapo pa naman niya."
"Hahaha. Ewan ko sayo Ava. Alam mo kasi nakatadhana na sa kanya ang pagsilbihan ang Diyos. Sa paraan ng pagiging pari. Suportado naman namin siya sa desisyon niya."
"Pero sayang talaga Mandy. Sos. Kung di lang talaga nagpapari yang si Mavy, naku inakit ko na yan. Haha"
"Hala! Iba ka rin Ava. Hahaha"
"Pero sabi mo nga destined na siya na maging pari, kaya support nalang ako dun. Ayaw ko namang maging dahilan ng hindi pagtupad ng pangarap ng isang tao. Nakakasama sa loob yun."
"Well, tama ka dun. Pangarap niya kasi talaga yun eh. Gusto ko na matupad niya yun. At kung kailangan niya ng tulong, me and our family will always be there for him. 24/7. "
"Ahhhyy. You really love your kambal noh?"
"Super! I want him to be happy always. I will do everything to make him happy."
"You're so sweet, Mandy."
"^____^"Ganyan ko ka-love si kambal. Gagawin ko lahat for him. At alam ko naman na siya rin para sa akin.
Ring📱🎵
"Hello! Namiss mo ako agad?"
"Haha. Oo eh. Namiss ko ang kambal ko na maingay."
"Ahy, grabe ka. I miss you too kambal."
"Nandito na ako sa seminary. Mag-ingat ka palagi dyan kambal."
"Oo. Ikaw din dyan kambal."
"I love you kambal ko."
"I love you too kambal. Uwi ka next weekend ha."
"I'll try. Sige. Bye na muna. Mwah"
"Mwah. Bye."

YOU ARE READING
Like I'm Gonna Lose You
Teen FictionA different kind of story of man for God and a woman who love her twin so much. Pagmahal mo ang isang tao, gagawin at gagawin mo talaga ang lahat para sa kanya kahit kapalit nito ay masasaktan ka. Dahil ang love, napakalakas na force sa universe. Ma...