"Huy,Okay ka lang ba?!" Inangat ko yung ulo ko at tiningnan kung sino yung nagsalita..
"Jed.." Sabi ko tapos niyakap siya. Tama, si Jed nga. Mukhang nabigla naman siya sa ginawa ko pero niyakap niya rin ako pabalik. Humiwalay siya sa yakap para buksan ulit yung ilaw.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin.
"Naglilinis." Sabi ko.
"Naglilinis ka? ng walang kasama?" Tanong niya. Tinanguan ko lang siya.
"Di mo ba alam ang mga sinasabi nila tungkol sa kwartong 'to?" Tanong niya sakin. Bakas sa mukha niya ang paga-alala at pagpapahalaga. Napangiti ako.
"Alam ko. Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Bigla naman siyang napayuko.
"W-wala.." Nauutal-utal na sabi niya.
"C'mon! spill it out!" Pangungulit ko sakanya, at sa huli ako parin ang panalo.
"Ganito kasi yun.. everytime na 'di ko nakikita yung taong mahal ko,dito ako pumupunta at natutulog. Eh hindi ko naman alam na nandito yung mahal ko.." Napakunot noo ako sa huling sinabi niya. Di ko kasi ganong narinig.
"Ano?Paki-ulit. Nabibingi na ako eh. Hehe." Sabi ko tapos kumamot ng batok. Bago siya magsalita,pinahid niya yung luha ko na kanina umaagos gamit ang thumb niya.
"Wala.. secret ko na yun." Sabi niya sabay gulo ng buhok ko.
"Tsk. Ang damot mo!" Sabi ko. Kinulit ko siya ng kinulit pero ayaw pa rin niyang sabihin!
"Tama na nga, tulungan na kita?" Tanong niya sakin. Nanliwanag naman ang mata ko.
"Talagaaaaaaa? Waaaaaaaaaaaah. Thank youuuuuuuuuu!" Sabi ko sabay yakap sakanya. Natauhan ako sa ginawa ko kaya agad akong humiwalay sa yakap. Kanina pa ko nakaka-chansing ah! Hehe. Naging awkward tuloy ang atmosphere. Walang nagsasalita samin..
"China? Chinaaaaaaaaaaaaaa!" Narinig kong sigaw nung tao sa pinto. Si Louie! Lumapit siya sakin tapos niyakap ako.
"Ba't nandito ka?" Tanong ko kay Louie.
"Pagkadating ko kasi sa room wala ka. Kaya tinanong ko sa prof kung nasan ka.. ang sabi naman pinapunta ka niya sa Detention Office kasi natutulog ka sa klase niya! Sinabi naman nung tagabantay sa D.O. in-assign ka niya dito para maglinis. Ano bang lilinisin mo?" Bigla siyang napatingin kay Jed.
"..itong kwarto o itong lalaking 'to?" Pagpatuloy niya sa sinabi niya. Nakaramdam naman ako ng boltahe sa tinginan nilang dalawa. Sa tingin nila sa isa't isa parang gusto nilang magpatayan! Para akong isang dyosa na pinag-aagawan ng dalawang demi-god. Haha.
"Tsk. Tama na nga, Okay?" Sabi ko at pumagitna sa kanila. Napatingin naman sila sakin.
"Louie, alis ka muna okay? maglilinis pa ako ng kwarto na 'to kasama si Jed eh." Sabi kay Louie.
"Teka, ba't pati siya maglilinis?" Tanong niya.
"He'll help me." Sabi 'ko.
"Kung ganun,tutulungan nalang rin kita!" Sabi niya.
"Wag na..baka nakaka distorbo pa ako sa'yo." Sabi ko kay Louie. Sa totoo lang, ayaw ko munang makasama siya! I want some quality time to be with Jed and to know him more.
"Kahit kailan hindi ka naging istorbo sakin. Tutulong ako. I insist." Tuloy tuloy na sabi niya. Ano pa bang magagawa ko?
"Sige na nga!" Sabi ko, tapos kinuha yung hawak kong walis.
"Ako na mag wawalis,pare." Sabi ni Jed tapos kinuha yung walis kay Louie.
"No. Ako ang naunang kumuha kaya ako ang gagawa." Sabi naman ni Louie kay Jed. Tsk, nararamdaman ko nanaman ang boltahe sa pagitan nilang dalawa!
"Ako na sabi pare, eh." Sabi ni Jed sabay kuha ulit nung walis kay Louie.
"Sabi nang ako na eh! Ang angas mo ah!" Sabi ni Louie at inambaan si Jed.
"Hep!" sabi ko.
"Wag na nga kayong tumulong!" Sabi ko ulit. Tapos kinuha ko yung walis sa kanilang dalawa. Hawak kasi nilang pareho. Pumunta ako sa dulo at nagwalis. Di na ko natatakot kasi may mga kasama na ako.
*screech*
Shoot! Nagsara yung pinto! Pumunta ako sa tapat ng pintuan at tinry na buksan yun.
Tonta! na-lock!
"Cheng, bakit?" Tanong ni Jed.
"Na-lock-an tayo ng pinto!"
"Ano?!" Sigaw ni Louie
"Anong oras na?!" Tanong ko sa kanilang dalawa. Tiningnan naman ni Jed yung orasan niya.
"7:45pm na." Sabi ni Jed. Ganun na ba kami katagal dito?!
"Louie! May mga tao pa ba sa school niyo sa oras na 7:45?" Tanong ko. Tumango tango siya. Ba't ba kalmado silang dalawa? Di ba nila gets na na-lock kami?! Nagsisigaw ako ng nagsisigaw.. pero syete kalmado parin silang dalawa!
"Huy, tulungan niyong magsisigaw dito!" Sabi ko at patuloy na sumigaw at kinalampag-kalampag yung pinto.
"Wala na tayong magagawa, we need to stay here for the night. Kahit mag sisigaw ka dyan,hindi ka nila maririnig. Sound proof ang bawat kwarto ng school diba? panigurado kanina pa tayo nadaanan ng guard dito pero di tayo napansin o nakita pati narin narinig. Kaya panigurado rin na umalis na yun." Explain ni Louie. My god!
BINABASA MO ANG
Girls and Boys [EDITING]
ChickLit[UNDER REVISION] Please do not read those chapters without "✔" sign.