CHAPTER 10

86 14 0
                                    

March 6, 2009--- HIGHSCHOOL DAY!

Mo’s POV

Maaga akong nagpunta sa school ngayon! Excited ako para sa kauna-unahang Highschool Day ko sa CNHS. Maaga rin ako kasi ngayong umaga na nga namin kukunin yung pinaprint namin na t-shirt kay Kuya Vernz. Salamat naman at nakuha na namin. Agad ko nang pinalitan yung pantaas na t-shirt ko nung t-shirt na pinaprint namin.

Color black siya. Tapos may nakaprint sa harap na UNO-DOS, We turn nice Teachers to naughty, saka  UNO-DOS breaks d’ rules! Tapos sa likod naman eh mga pangalan namin sa class tapos sa last eh nakalagay Batch 08-09 Certified_UNO_DOS!

(yung pic sa side mejo malabo...)

hindi ko alam kung sinong nakaisip nay un ang mga ilagay sa t-shirt. Mejo messy pa nga yung pagkakaprint eh pero ok lang. lahat kaming UNO DOS nakasuot ng ganung t-shirt. Pwera nalang yung mga hindi nagpaprint.

May activity card din na binigay samin. Kelangan daw mapuno namin yun ng mga activities na gagawin or sasalihan namin.

5 activities ang required na gawin pero tatlo lang ang napapirma ko. Yung una sa Wedding Booth.

Nag-witness kasi ako sa kunwariang kasal nila Garry at Summer. Naghilaan lang sila saka nagpunta sa Wedding Booth at nagkunwariang nagpakasal para lang mapirmahan yung activity card. Nagprisenta naman na kaming mga andun na witness saka nagsign dun sa kunwariang kontrata. May kunwaring pari naman na bumasbas sa kina Garry at Summer saka nag-sign din sa kontrata. Tapos nag-exchange ng vows at nagsuotan ng mga sing sing.

Hindi na kami pinapasok na mga witness dun sa kunwariang reception. May nakahanda kasing table for two sa likod nung booth. Pinagmasdan nalang namin sa pagkain yung dalawa. Buti pa sila, may libreng cake.

Hinila ko si Me-an para subuking magpakasal para makalibre sa cake. Kaso hindi pwede ang same sex marriage!

Nagpunta din kami sa Picture taking booth. Makakapicturan mo dun yung mga naging cast ng “Sound of Music” na play sa cultural show noon sa English. Naengganyo naman ako, kasi hindi ko nga napanood yung play dahil dun sa practice namin sa Science nuon. Hinila ko si Diana. Nagbayad kami ng tig 5php namin.

Nung turn na naming magpapicture, pinagpili kami kung sinong cast ang gusto naming makasama sa picture. Bigla kong nakita si Kuya Otan. yung 4th year highschool na crush ko. Siya pala yung bida! Pinili ni Diana yung babaeng bida. Kaso bigla akong nagreact at sinabing…

“ahm, pwede po bang si Kuya Otan nalang po?” yun ang tanong ko.

Pumayag naman yung photographer at lumayas agad sa tabi ko yung babaeng bida. Saka nag-salita… “mabenta ka ngayon Otan ah! Haha! Pati mga 1st year crush ka!”

Tapos lumapit na sa amin si Kuya Otan. tatlo kami sa picture. Si Diana sa left side ko tapos si Kuya Otan sa right side ko. Mejo nilayuan ko si Diana saka ko inilapit yung ulo k okay kuya Otan. saka kami nagpose. Naramdaman ko pang hinawakan ni Kuya Otan yung likod ko. Then nagsmile. Saka kami kinunan ng pic. Sabi nung photographer na 4th year din, makukuha nalang namin yung pic kapag nadeveloped na.

Sobrang saya ko naman na at that moment! Nakapicturan ko yung crush ko! Shheeeet!!

Sa may face painting naman na kami nagpunta nung hapon na. madami pa kaming booth na pinuntahan bago yung sa face painting. Pero tatlo lang ang napapirma ko sa activity card ko. Nagpalagay ako ng UNO-DOS sa left chin ko then butterfly naman dun sa right side. Ayoko sanang magpalagay kasi may bayad na 5php kaso ginusto ko narin kasi gwapo yung naglalagay ng paint! Nanood pa kami ng battle of the bands tapos nagbonding kasama ang mga classmates ko.

Ang Istorya ng DOS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon