Uno

70 2 2
                                    

Uno

"Okay ka lang ate May?"
Bahagya na lang akong nakatango kay Kisses bilang sagot sa tanong nya. Kanina pa kasi talaga sumasakit ang ulo ko at kahit na maliliit na pagkilos lang ay nakakadagdag sa kirot na nararamdaman ko.

"Huwag mo na kaya ituloy yung interview? Inaalala kita te May. Baka matumba ka lang sa loob."

"Malapit na sila magsimula Eski. Nakakahiya naman kung ngayon pa ko magbaback out. Okay lang ako huwag ka mag alala." Pilit ang ngiting sabi ko para hindi na sya magpanic.

"Nasaan na ba kasi si Edward? Tungkol naman sa kanya yung gustong malaman ng mga tao eh. Dapat sya yung nandito. Kasalanan nya to."

"Okay lang. Mas magkakagulo kung sya pa ang sasalang sa interview. You know him---"

"No ate May. I don't think I still know him. The Edward now is way too different from the Edward that I knew    ten years ago and I hate him now. Why are you still protecting him? Just tell the people what they need to know and not what they want to know---"

"Kisses..." Pamumutol ko sa humahaba na nyang lintaya.

"Gosh! You're still too kind." Parang napufrustrate na sagot na lang nya at inalalayan na lang ako patungo sa loob ng studio ng tawagin na ako ng isa sa mga staff nila.

"Kaya ko na. Go. Mabilis lang to. Taboy ko na sa kanya ng mukhang ayaw nya kong iwanan mag isa. Ayaw ko ng madamay pa sya sa mga intriga. Madali pa naman sya maapektuhan ng mga bashers and I love Kisses so much that I don't want her to get hurt.

Maya maya ay nagsimula na ang programa. Maayos naman akong nakakasagot sa mga tanong hanggang sa may isang nagbitiw ng tila bomba sa aking pandinig.

"Totoo ba na nainlove ka talaga kay Edward Barber? At totoo din ba na iyon ang dahilan kung bakit gusto na nyang kumalas sa pagiging loveteam nyo?"

Pakiramdam ko tuluyan ng umikot ang paningin ko. Hindi ko na masyadong maunawaan yung ibang tinatanong sa akin. Pasimple akong sumenyas sa host na tila humihingi ako ng break mula sa sunod sunod na katanungan para sa akin. Pero mukhang hindi nya ko naunawaan at patuloy lang sa pagbabato ng kanyang mga katanungan. Wala na tuloy akong mapagpiliian kung hindi ang sumagot ng deretso at ng matapos na ang interview na nagaganap.

"No. I  am not inlove with Edward Barber. He's just my twin. I hope people won't misundetstood."

---

"So it's still the same. I am just a best friend...Maymay."

Muntikan ko ng maibato ang hawak na sapatos na hinubad ko kanina pagkalabas ng elevator. Hindi agad ako nakapagbukas ng ilaw sa loob ng tinutuluyan kong condo kaya gulat na muntikan na akong mapasigaw ng may magsalita galing sa sala ko.

"My God Edward! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong huwag ka basta bastang pumapasok sa unit ko? May sarili ka namang unit di ba?" Pagod na sermon ko ng marealize na kakilala ko naman pala ang pumasok sa bahay ko.

"You didn't answer my question Maymay."

"What?" Kunot noong tanong ko sa kanya kahit na nga malinaw ko namang narinig ang una nyang sinabi.

"Don't play deft now. I know you heard me."

"Gutom ka ba? Kumain ka na dyan s---"

"Will you please just answer me? You keep on denying me on TV. Pati ba naman sa personal?" Mariin akong napakagat sa labi ko ng magsimula na syang magtaas ng boses.

" Minsan naisip ko na sana totoo na lang yung mga tsismis. That you are the one who fell. Then I assure you... I will definitely catch you." Deretso lamang syang nakatingin sa mga mata ko. Gusto kong mag iwas ng tingin pero parang naglue ang ulo ko at ni hindi ko maigalaw ng maayos.

"Edward---"

"Damn!!! Stop calling my name!"

Eh buwang pala to eh. Ano tatawag ko sa kanya? Hoy? Hay?

"A lot of times that I wanted to make time go backward. Sa mga panahong okay pa tayo. For me not to feel this broken. I don't feel my heart anymore Maymay but you still didn't care. Tell me...tell me. Why will I stay?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The End of Something New ( MayWard)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon