Sama sama kaming magpamilya ngayong bakasyon, summer kasi kaya't naisipan naming buong pamilya na pumunta ng palawan.
Matagal ko nang pangarap ang makarating dito kasama ng pamilya ko.
Mapuputing buhangin, malinaw at kulay bughaw na tubig ng dagat.
Marami ka ring makikitang kano na masayang lumalangoy at nagbababad sa araw.
Talagang sikat itong palawan sa ibang bansa kayat dinarayo.
Sa di kalayuan nama'y ang dalawa kong magulang na masayang nagsusubuan, di ko maiwasang di kiligin.
Iniwan ko nalang muna ang dalawa para masolo nila ang isat isa,
Naupo ako malapit sa dalampasigan, panatag at masaya ako ngayon.
sana ganito na lang kami ng aking pamilya palagi.
.
.
.
.
.
.
.
.
CRING .. CRIIING .. CRIIIIIING!!!
.
.
.
Maya maya ay nakarinig ako ng tunog na pamilyar sa akin, luminga linga ako kung saan ito nagmumula.
Wala naman ito sa paligid ngunit parang napaka lapit lamang nito.
Ang mas nakakapagtaka pa,
lahat ng taong nasa beach ay natuon ang pansin sa akin.
Gulong gulo ako. "ano bang nangyayari?"
Mayamaya biglang lumiwanag na nakapag pasilaw sa akin, pagmulat ng aking mga mata nakita ko ang bintana sa aking kwarto.
Panaginip lang pala ang lahat.
ngayon, nagising na ako sa totoo kong mundo at reyalidad.
oras na nang pagpasok sa eskwelahan at simula na ng pagharap sa katotohanang ang lahat ay pangarap lamang.
Andito ako ngayon bilang isang mahirap na tao, sa magulong pamilya at magulong pamumuhay.
Pagkatapos patayin ang alarm clock ay tumayo na si hanna upang maligo at mag ayos papunta sa eskwelahan.
Pagkatapos makaligo at mag ayos ay pinuntahan na ni hanna ang kanyang ina na nasa kwarto nito.
TOK .. TOK.. TOK.. TOK..
Katok ni hanna sa kwarto ng kanyang ina ngunit walang sumasagot kayat binuksan niya ang pintuan upang makapasok sa loob.
"Umm.. Ma.. wala pa po bang ..
almusal?"Nauutal na tanong ni hanna sa kanyang ina.
Tumingin ang kanyang ina habang nanlilisik ang mga mata, galit itong tumingin sakanya habang bangag sa droga.
"bwisit kang bata ka, wala ka talagang galang.
hindi bat sinabi ko sayo wag kang papasok dito dahil alam mong abala ako!!?
At wag na wag mo akong tatanungin dahil hindi ako kusina!! kung gusto mo dun ka magtanong sa papa mo! alis!!bwisit!!"
Galit na sigaw ng ina ni hanna sakanya.
"s.. sige po"

BINABASA MO ANG
𝙎𝙪𝙞𝙘𝙞𝙙𝙖𝙡 𝙂𝙞𝙧𝙡 (ꜱʜᴏʀᴛ ꜱᴛᴏʀʏ)
Short StorySi Hanna Subra ay nangarap na lumigaya at maging normal ang pamumuhay ngunit dahil sa mga hirap, problema at kalungkutan na kanyang kinakaharap sa bawat araw na siyay nabubuhay. hindi na niya kinaya at tuluyang winakasan ang lahat maging ang kanyang...